Chapter 2

18 1 0
                                    

Illyria Hope

"L-Luke?!"

"Oy, Illyria" nakangiti pero di sya makatingin sakin.

Anong problema neto?

"Siraulo ka. Snatcher kana? Part time job mo?" pabiro kong sabi

"Tsh ikaw nga snatcher dyan e" aba siraulong to

"Kelan pa ko naging snatcher? Aber?" ako.

"Since Day 1" huh?

Kinunutan ko sya ng noo. Naguguluhan.

Di na lang nya ko pinansin at tumayo na lang sya sa pagkakadapa. Nakita ko ang sugat nya sa braso.

"Hoy Luke yung braso mo" nagiguilty ako kaso diba ako yung inisnatch? Bat ako magiguilty?

"Bayaan mo yan. Tara sabay na kita pauwi" pag aya nya sakin

"Baka sunod kidnapin mo naman ako ah?" pabirong sabi ko sa kanya

"Tanga hindi. Niloloko lang naman kita kanina e tapos binato mo ko ng sapatos. Ang sakit ng ulo ko" may pahawak hawak pa sya sa ulo nya.

Gago to. Kasalanan ko pa? Malay kong sya yon?

"Aba siraulo ka nakahoodie ka at nakamask malay kong ikaw pala yan?" sagot ko

Tinawanan nya lang ako ng mahina at saka kami natahimik habang naglalakad.

Ang tahimik. Ang awkward.

"Luke?"

"Hm?"

"Bat ka pala nagmessage kanina? Siraulo ka pinansin kita tapos sineen mo lang ako, famous ka?" sabay tawang peke

"Ah wala napagtripan ko lang, dito na ko. Ingat Illyria Hope" sabay liko nya sa kanto.

Illyria Hope? Ampucha di ako sanay. Close ba kami? Ngayon lang kami nagusap ah? Di ko nga sya ramdam sa room. Weird.

Diko na lang pinansin at tuloy tuloy nang naglakad.

Paguwi ko himala walang nagsisigawan.

"Nandito na ko!" sigaw ko pagpasok sa sala at naabutan kong nakaupo sa sofa si Kier.

"Hoy Hope--

"Tigilan mo ko kung mangaasar ka lang Ian Kier ah sasapakin kita" pagputol ko sa sasabihin nya. Paepal na naman yan e.

Nagtaka ko ng maglakad sya papunta sa hagdan.

"Tanga itatanong ko lang kung break na kayo nung kasabay mo kahapon di mo kasi sya kasabay ngayon" pangisi ngisi nyang sabi.

Nang makita nyang naghahanap ako ng pambato sa kanya agad syang tumakbo pataas.

Tanginamo lagot ka sakin mamaya.

"labyu Hope!" panguuto nya

"tanginamo Kier!" pagmumura ko sa kanya

"Hope bat ka nagmumura dyan?!" si mama.

"Si Kier kasi ma, papampam" asar na sabi ko sabay padabog na umupo sa sofa.

"Di na kayo nagkasundo ng kuya mo. Para kayong mga bata" suway ni mama.

Napairap na lang ako sa hangin at umakyat na lang ako sa kwarto ko, naglock ng pinto at nagbihis ng pambahay. Umupo ako sa kama at nagscroll scroll na lang sa fb para malibang dahil wala naman kaming assignment. Buti naman.

Roses On The TableWhere stories live. Discover now