Chapter 17

13 1 0
                                    


"Illyria Hope!! Ang tagal mo naman sabi ko sayo maaga ako papasok ngayon e." rinig kong reklamo ni Kier.

Reklamo ng reklamo, kapag sinabing mauna na sya ayaw pa din mauna. May tewang talaga to kahit kelan e.

"Mauna kana nga kase!!" kulet, ang aga aga pa e, excited ah.

Natapos na kasi ang Christmas Vacation namin at ngayon ang unang araw ng klase namin.

"Dalian mo na lang dyan!" bahala ka sa buhay mo.

Pagkatapos ko, bumaba na agad ako dahil nagwawala na yung panget sa baba.

"Tara na" saka sya naunang naglakad palabas ng bahay saka sumakay sa kotse nya kaya sumunod agad ako.

"Bat kaba kasi nagmamadali? Ang aga aga e." inirapan ko sya saka kinabit ang seatbelt.

"Magkikita kami ng barkada ko" saka nagsimulang iabante ang sasakyan.

"Magkikita kita naman kayo sa room. Ang aarte. Magdrive thru muna tayo hindi ako nag almusal nagmamadali ka kasi" nakabusangot ako dahil ang aga pa talaga. 

Biruin mo dalawang oras pa bago magstart klase namin halos 5 minutes lang ang byahe papunta ng school, sinong hindi mayayamot? Mauuna pa yata kami sa Guard.

"Sige. bakit kasi hindi ka kumain?" sapakin ko kaya to?

"Eh madaling madali ka kasi no?" di na nya ko sinagot at lumiko na sa Food Break, dito kami madalas mag Drive thru tuwing umaga, eto lang kasi yung malapit samin at isa pa Drive thru lang talaga sya, tapos tuwing umaga lang sila nagbubukas, siguro kasi puro breakfast lang sineserve nila.

"Anong gusto mo?" sya, chos.

"Bacon with Egg and Cheese Sandwich and Cappuccino" na sinabi naman nya doon sa babae.

Nang matapos kaming magorder at magbayad, pinaandar na ni Kier ang kotse para kuhain yon sa kabila pero may nauunang kotse pa bago samin.

Binuksan ng Driver ang bintana at nakilala ko kung sino yon. Ulo pa lang alam ko na. 

Hanggang sa makaalis yung kotseng yon ay nakasunod pa din ang mga mata ko don. 

May kotse pala si Collins? 

Ang dami ko naman yatang hindi alam sa kanya. Sa apat na buwan naming magkarelasyon, yung mga kwento nya hindi pa pala lahat yon tapos hindi pa ko sure kung totoo lahat yon.

"Hoy panget, ano na nangangalay na ko kelan mo balak kunin to?" napatingin ako kay Kier na abot abot sakin ang almusal ko.

Tinanggap ko lang saka tahimik na kumain. Wala pang limang minuto ng makarating kami sa Flamewood.  

Pagkababa namin sa sasakyan nandoon na agad sila Gavin at iba pa nyang mga tropa. Kanya kanyang batok sila na para bang isang taon silang hindi nagkita samantalang magkakasama sila nung Pasko. 

Mga abnoy.

"Oh Illyria nandito ka din pala. Good Morning, Belated Happy New Year" bati ni Gavin.

Kahit kelan feeling close talaga sya. 

"Ah oo, same to you"-pakyu hehe

Hindi na sya sumagot at nakipagusap na sa kila Kier.

Mukhang hindi naman ako belong dito kaya nagpaalam na ko sa kanila na papasok na ko sa loob.

Pagkapasok ko himala may mga estudyante na. Kanya kanya silang kwentuhan kasama yung friends nila.

Roses On The TableWhere stories live. Discover now