FINAL CHAPTER

5 0 0
                                    

"Kuya!" agad naman kaming napatingin sa lalaking sumigaw.

"Oh?! Anong ginagawa mo dito?" napatingin naman kami kay Luke na sumagot sa binata

"Duh! Malamang sasama ko hihi" malandi nyang sabi

"Huh? Baket belong ka ba? Invited ka?" masungit na sagot ni Luke 

"Oo, ininvite ko sarili ko" saka tumawa  ito nang malakas

"Baliw. Ah nga po pala, si James Matthew kapatid ko po" pakilala nya samin

"Nice to meet you James" bati ko naman sabay abot ng kamay ko

"Sa'yo ba baliw na baliw tong kuya ko?" tanong nya 

"Ha?" patay malisya kong tanong.

"Ah! Tara na daldal mo" hatak naman sa kaniya ni Luke papasok sa kotse

Buong byahe ay isa lang ang pinakanapansin kong pinagkaiba nilang dalawa. Kung anong kinatahimik ni Luke syang kinaingay ng kapatid nya.

"Baket kaya may kapatid akong panget?" parinig ni James na hindi naman pinansin ni Luke at pinagpatuloy lang ang pagsscroll sa instagram

"Hoy naglalambing yung kapatid mo pansinin mo naman" bulong ko kay Luke na tumingin naman sakin at umirap

Hala. Attitude ka gurl.

"Hoy wag kang maingay dyan, itulog mo yan kung wala kang magawa" masungit nyang sabi kay James

May dalaw ampota.

Patuloy pa rin syang kinulit ni James. Ako naman ay itinulog na lamang dahil kulang na kulang ako sa tulog, sa aga ba naman naming gumising para magprepare. 

Ilang oras pa ang byahe at nakarating na rin kami sa Masaguay Beach. 

Pagkalabas namin sa sasakyan ay agad na kinausap ni Kuya ang nagbabantay ng mga tutuluyan roon. Nang mabayaran at maayos na ang lahat ay pumunta na kami sa kwartong tutulugan namin dahil three days kaming magsstay dito at hindi sapat ang cottage sa dami namin. 

"Magpalit kana ng damit Illyria Hope" sabi ni mama sakin.

"Opo" sagot ko naman saka naghalungkay sa maleta at doon ko nakita ang kulay itim kong swimsuit, kinuha ko ito at pumunta sa banyo, pero nasa loob pa si Kier, nagbibihis.

"Hoy panget dalian mo, magbibihis din ako!" sigaw ko

"Maghintay ka dyan, hindi ka naman iiwan ng dagat!" balik nya

"Ayoko nang pinaghihintay ako dalian mo dyan kundi wawasakin ko yung pinto!"

pero syempre joke lang yon, wala kong pamalit.

Maya maya ay lumabas na sya at tinignan ako ng masama at agad ko naman syang nginitian ng pagkatamis tamis saka pumasok na sa banyo.

Pagkatapos mmagbihis ay tumingin muna ako sa salamin at tinignan ang kabuohan. 

Syet di kaya ako pagalitan sa suot ko? Ah, bahala sila dyan aanak anak sila ng maganda tapos magagalit kapag nagsuot ng seksing damit. Saka alangan namang magjacket ako sa dagat.

Matapos kausapin ang sarili ay lumabas na ko sa banyo at gulat ko nang bumungad ang mga tingin nila sakin.

"Ano yan Illyria Hope?" tanong ni Kier saken

"Swimsuit tawag dyan, baba ka din bundok minsan ha" pilosopo kong sagot

"Wag mo kong pilosopohin, magpalit ka don" masungit nyang saway 

Roses On The TableWhere stories live. Discover now