Chapter 9

6 1 0
                                    

"Nasa ospital ang kuya mo. Naaksidente at kritikal ang lagay nya"

Saka nagpatuloy sa pagmamaneho, natulala ako saglit at ng makabawi agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan sila mama pero nakapatay ang mga cellphone nila.

Shit ka Kier bawal mo kong iwan sasapakin pa kita.

After few minutes, nakarating na din kami sa ospital. Agad akong lumabas ng kotse saka patakbong pumasok sa ospital.

"Illyria Hope!" tawag ni Luke sakin pero di ko yon pinakinggan.

Magtutuloy tuloy na sana ko sa paglakad ng hatakin na naman ako ni Luke.

"Ano ba!" bawi ko sa kamay ko

"Dito kasi! Kumalma ka nga" saka naunang naglakad

Sinundan ko naman sya, pero hindi kami sa room nadiretso kundi sa Operating Room, ibig sabihin ay inooperahan pa si Kier.

Naabutan namin sila mama sa labas ng OR. Kitang kita ang mugtong mata ni mama at tita samantalang si papa naman ay hindi mapakali at palakad lakad lang.

Maya maya pa ay may lumabas na Doctor.

"Kayo po ba ang relatives ng pasyente?" tanong nya

"Yes Doc. Kamusta po ang anak ko?" tanong ni mama

"Kelangan nya hong masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon dahil napakarami pong nawalang dugo sa anak ninyo" paliwanag nya.

"Sino po ang O- sa inyo?" tanong ng Doctor samin

AB- ako

"Ako po Doc" sagot ni papa

"Wala po ba kayong karamdaman? Hindi ho ba kayo puyat?" tanong ng Doctor kay papa

"Nagmemaintenance po ako Doc para sa highblood at diabetes" sagot ni papa

"Nako hindi po pwed--"

"Ako na lang po"

Napalingon ako sa sumagot.

Luke.

"O- po ako" sagot nya

"Kaano ano ka ng pasyente iho?"

"Kaibigan po"

"Ilang taon kana?" tanong ng Doctor

"19 po" sagot ni Luke.

19 na sya?

"Halika sumama ka sakin kelangan mo munang magfill up ng form bago namin isalin ang dugo mo sa pasyente" saka pinasunod si Luke sa kanya.

"Nak" tawag ni mama sakin saka ko pinaupo sa tabi nya

"Ano bang nangyari ma?" tanong ko

"Diba nagtext ka sakin kaninang umaga na gisingin si kuya mo dahil may exam sila sa terror teacher nila at kelangan nyang pumasok?" tanong nya sakin

Tumango lang ako

"Ginising ko sya non tapos pagkasabi ko nagmadali sya ng kilos hindi na nga sya nagalmusal diretso na sya agad pagpasok" tuloy nya

"Tapos mga ilang minuto pa lang na nakaalis ang kuya mo may tumawag na sakin gamit ang number nya at eto na nga naaksidente ang kuya mo tumama sa poste ang kotse nya. Kung alam ko lang di ko na sya ginising" humagulhol ng iyak si mama.

"Shh gagaling si Kier, ma. Magiging ayos din ang lahat" pangaalo ko kay mama saka sya niyakap

Ilang minuto ang nakalipas ng bumalik ang Doctor at si Luke na ngayon ay nakahospital gown na. Dumiretso sila sa loob ng OR.

Roses On The TableWhere stories live. Discover now