Chapter 11

6 1 0
                                    

Lunes na lunes pero tulala akong naglalakad papasok sa Flamewood Academy. Wala pa kong tulog dahil buong magdamag kong inisip yung nalaman ko kahapon.

Anak ka ng potakte Luke kaya pala ganon mga kilos mo.

"Illyria Hope?"

Bakit ako? Anong meron sakin?

"Illyria Hope"

Bakit ba nila pinapasakit ang ulo ko?!

"Illyria Hope"

"Ano ba yon?!" sigaw ko saka lumingon sa tumatawag sakin.

Si Luke.  Potahamnida.

"Oh, L-luke haha b-bakit?" ilang kong tanong.

Amp.  Awkward hoy!

"Parang wala ka kasi sa sarili kulang ka ba sa tulog? Laki ng eyebags mo oh" turo nya pa sa eyebags kong alam kong nangingitim ngitim pa dahil nga wala pa kong tulog. 

Amp

"A-ah oo n-nanood kasi ako ng kdrama k-kagabi di ko namalayan na madaling araw na nung natapos ko hehe" iwas tingin kong sabi.

Tumigil lang sya sa paglakad kaya napatigil din ako.

Tinignan nya ko ng diretso sa mata saka inilapit ang mukha sakin kaya napaurong ako at napaiwas ng tingin.

"Liar" sambit nya saka dumiretso na ulit sa paglakad.

Napaayos ako ng tayo saka napahawak sa dibdib

Pota non pano nya nalaman? Siguro kasi utal utal ako?  Eh sa kinakabahan ako e!

Nagtuloy tuloy na lang din ako aa paglalakad hanggang sa nakarating na ko sa school. 

Pagdating ko sa room nagkakagulo sa room namin. 

"Layuan mo girlfriend ko!" rinig kong sigaw ni Collins kaya tumakbo ako papasok sa room.

Pagkapasok ko nagulat ako ng makita ko si Collins na kinikwelyuhan si Luke.

"Collins!" takbo ko saka sya inawat

"Ano ba?! Bakit kayo nagkakagulo?"

"Hindi mo talaga alam Illyria?! Hindi mo alam?!" sigaw nya sakin

"Itatanong ko ba kung alam ko?!" pabalik na sigaw ko

"Nakita ko kayo kanina! Seryoso?! Sa kalsada talaga?!"

Napakunot lang ang noo ko dahil diko maintindihan kung san nanggagaling yung galit nya.

"Ano bang sinasabi mo?" mahinahon kong tanong

"Nagmamaang maangan kapa?! Nakita ko kayong naghahalikan sa kalsada. Ang cheap mo!" sigaw nya sakin kaya bigla ko na lang syang nasampal ko sya ng malakas.

Narinig ko ang singhaban ng mga kaklase namin. 

Tinignan ko sya sa mata.

"Ayon ba tingin mo sakin? Tinignan mo ba ng maiigi kung talagang naghahalikan kami sa kalsada? Ha? Collins?"

Umiwas sya ng tingin sakin. 

Bumaling ako kay Luke na inaalalayan nila Clark saka ako bumaling ulit kay Collins.

"Hindi kami naghalikan sa kalsada. Nilapit nya lang ang mukha nya sakin dahil tinignan nya yung eyebags ko.  Kita mo nangingitim yung ilalim ng mata ko dahil wala kong tulog kagabi at nanonood ako ng kdrama" mahinahong paliwanag ko kay Collins

Roses On The TableWhere stories live. Discover now