Chapter 7

23 1 0
                                    

Chapter 7

Illyria Hope

Kinabukasan pagpasok ko sa room as usual maingay. Wala pa ang boyfriend kong si Collins dahil panigurado maya maya pa yon. Paupo na sana ko nang makita ko ang isang bulaklak at isang maliit na envelope.

Parang ngayon na lang ulit to ah?

Ang huling sulat na natanggap ko kasi ay yung galing kay "N".

Sa totoo lang kahit kami na ni Collins ay iniisip ko pa din na hindi nanggagaling sa kanya ang mga bulaklak at sulat, bukod doon sa binigay nya nung araw na tanungin nya kung pwede daw bang manligaw.

Tumingin tingin ako sa paligid para makita ko kung sino sa kanila iyon, pero lahat sila may kanya kanyang mundo, lahat sila nagiingay, bukod kay Luke na nakadukdok lang sa lamesa nya. 

Sino kaya tong ungas na to? Ilang buwan na hindi manlang sya lumapit sakin,  di naman ako nangangain.

Nilagay ko na lang iyon sa bag ko saka umupo.

Maya maya ay dumating na si Collins.

"Hi baby!" lumapit ito sakin saka ako hinalikan sa noo.

"Sanaol" sigaw nila Clark

"Hi" ngiti kong bati.

"Mukhang good mood ang baby ko ah?"

"Ayos lang" ngiti ko ulit

Tumango lang sya sakin saka ngumiti.

Maya maya dumating na si Ms. Veriz ay nagcheck ng attendance.

"Fidel?" tawag ni Ms. Veriz kay Clark

"Yes my loves?" sabay kindat.

Playboy.

Hindi ito pinansin ni Ms. Veriz at nagcheck na lang ng attendance.

Actually, bata pa talaga si Ms. Veriz. Kakagraduate nya lang last year at naging teacher dito sa Flamewood Academy. Maganda sya at matalino kaya karamihan sa mga lalaki dito sa room ay may gusto sa kanya ng palihim, ewan ko bakit palihim lang yung iba kung magkagusto kay Ms. Veriz samantalang si Clark ang kapal ng mukha, bumabanat pa. 

Natapos na ang tatlong sub at break time na. Hindi na tulad dati na yayayain ko ang kambal na tumambay sa Mini Table. Tinignan ko ang kambal pero si Maye lang ang tumingin sakin pabalik saka ako nginitian at nginitian ko naman sya pabalik.  Nanghihinayang ako ng sobra magkaibigan na kami simula pagkabata pero dahil lang sa parehas kami ng gusto ni Kaye ay nasira yon.

Kung nagparaya ba 'ko parehas pa din kaya kami ng dati?

"Babe halika na kain na tayo" ngiti nya sakin sabay akbay pero inalis ko to dahil hindi talaga ako komportableng may umaakbay sakin.

Lumabas na kami ng room habang dumadaldal si Collins. Eto yung gusto ko sa kanya e di sya nauubusan ng kwento kahit minsan di ako nakikinig hahahaha.

Nagulat ako nang may biglang dumaan sa gitna namin ni Collins. 

"Hoy! Anak ng-" napatigil ako ng makitang si Luke yon na pagkadaan sa pagitan namin ay dire diretso lang sa paglakad.

Awit

"Anong problema non?" Collins

Nagkibit balikat lang ako saka nagpatuloy sa paglalakad.

Bumili si Collins ng pagkain namin at ako naman ay nagpaiwan lang sa Mini Table.

Roses On The TableWhere stories live. Discover now