Chapter 8

13 1 3
                                    



Sinundan ko lang si Kier hanggang sa huminto sya sa labas ng gate namin.

"Diba sabi ko na sayo na layuan mo si Collins? Bat ba ang tigas ng kukote mo? Are you that stupid?!" singhal ni Kier sakin.

"Aba kung stupid ako, ano ka pa?! Nagagalit ka don sa tao ng walang dahilan. Wala namang ginagawa sayo yung tao, pati sakin nagagalit ka."

Nakakunot noo na ko dahil naiinis na talaga ko kay Kier, habang lumilipas yung araw palala ng palala yung ugali nya.

"Sasaktan ka lang nya!" sigaw nya

"Pano mo nalaman? Nakikita mo ba yung future? Neknek mo!" asar ko.

"Di ako nakikipagbiruan sayo Illyria Hope ah"

"Bakit, nakikipagbiruan ba ko sayo? Siraulo to"

stupid.

"Layuan mo si Collins o lalayas ako sa bahay na to" pananakot nya.

ampotek.

"Ano?! Baliw san ka pupunta? Sige nga."

"Wala kana don" sabay kuha nya ng sigarilyo sa bulsa nya saka sinindihan.

"Hoy! Kelan ka pa natutong manigarilyo? Isusumbong kita kay papa"

"Sumbong mo samahan pa kita" pairap nyang sabi.

Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan.

"Bat ba kasi gusto mong layuan ko si Collins?" mahinang tanong ko sa kanya.

"Dahil sasaktan ka lang nya"

"Pano mo nalaman? Nakikita mo ba yung futur--"

"Kasi kilala ko sya"

Gulat akong napatingin kay Kier.

"Kilala mo si Collins?"

He just shrugged his shoulders.

"Anak ng tipaklong. Ano nga? Bakit? Paano?"

He sighed and remained silent. Saka ako tinalikuran at pumasok sa bahay.

ampotek attitude.

"HOY! KIER!

Habol ko sa kanya sa loob ng bahay.

"Pano mo nga sya nakilala?"

Nagpatuloy lang sya sa paglalakad papasok sa bahay. 

"Sabihin mo na, hoy"

Niliingon nya ko. kaya napaatras ako ng bahagya.

"Wala ka nang pake don"

"May pake ako kasi kapatid kita at"

Napatigil muna ako sa pagsasalita.

"At an--"

"Boyfriend ko na si Collins" pagputol ko sa sasabihin ni Kier.

Ramdam kong natigilan sya sa sinabi ko.

Syet.

His face darkened.

"Anong sabi mo Illyria Hope? Pakiulit nga nabingi yata ak--"

"Boyfriend ko na si Collins" diretsong tingin ko sa mga mata nya.

Napakurap sya ng ilang beses saka tiimbagang na nagiwas ng tingin.

"Okay. Wow, matagal ka na palang nagdesisyon"

Roses On The TableΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα