Chapter 13

4 1 0
                                    

"Luke." wala sa sariling sabi ko.

Bat nandito to?

"Hindi mo naman sinabi na si Luke pala ang boyfriend mo anak. Kaya pala lagi kayong magkasama" kinikilig na sabi ni mama

Ha?! Boyfriend?! Ampota.

Tinignan ko si Luke pero seryoso lang syang nakatingin sakin.

"Hindi po ako ang boyfriend ni Illyria Hope,  Mrs. Marasigan" seryosong sabi nya kay mama

"H-huh? Eh bakit ka naparito, iho?" naguguluhan na si mama, kahit ako kasi naman bat ba sya nandito?

"Pinapunta ho ako ni Ian Kier dito dahil may sasabihin daw ho sya sakin" paliwanag nya

Anak ka ng pota Ian Kier

"A-ah ganon ba? Pasensya na iho kasi akala ko ikaw na yung boyfriend nitong si Hope. Ngayon nya kasi ipapakilala samin. Kilala mo ba sya?" tanong ni mama

"Oho kilala po sya. Pasensya na din po kung napagkamalan nyo ko hindi ko naman po kasi alam na ipapakilala na sa inyo ni Illyria Hope yung boyfriend nya" seryoso at sarkastiko ang naging tono ng pananalita nya habang nakatingin sakin kaya napaiwas ako ng tingin

"Nasan na nga ba yung boyfriend mo Hope? Akala ko ba ay ala syete sya makakarating? 7:35 na oh" puna ni tita

Bumuntong hininga ako.

"Hindi na po yata sya makakapunta, hindi na nagreply e" hindi na naman nya ko sinipot tss

"Oh Luke andito kana pala pre" sinamaan ko ng tingin si Kier pagkababa nya pa lang ng hagdan.

Alam kong pinapunta nya yan si Luke kasi pupunta si Collins e.

"Oh bat ang sama ng tingin mo?" pero inirapan ko lang sya saka dumiretso sa kusina.

Kakain na lang ako bahala sila bahala si Collins palagi na lang nya kong pinapaasa sa wala.  Pwede namang magchat o reply o tumawag sakinnkung hindi sya makakapunta e hindi yung pinagaantay ako ng matagal tapos hindi naman ako sisiputin.

Paasa ampotangina.

"Tara tara tayo na lang ang kumain nito kaysa masayang naman. Excited pa naman ako makilala yung boyfriend ni Hope. Debale sa susunod na lang anak wag kana malungkot ha?" hakdog po. 

Kanya kanya na silang umupo para kumain.

"Hope anong susuotin mo bukas? Band Day lang bukas ah" oo nga no?

"Ewan" pupunta ba ko? Nakakawalang gana.

"Tutugtog sila Luke bukas, sino ngang mga kasama mo?" eh ano naman?

"Ah sila Marcko, Ciello, Clark, Rence" tinitignan ko sya habang ngumunguya.

Bat ang gwapo? Syet ka Hope may boyfriend ka.  Pero ang gwapo talaga e. Alam nyo yon? Parang buong buhay nya di nya naranasang maging panget? Hindi ko alam kung bakit nabubully to noon e.

"Hope baka matunaw" napaiwas ako ng tingin. Bobo neto ni Kier.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Luke.

Anong nakakatawa?

"Sinong vocalist nyo?" habang ngumunguya ako ng tinapay

"Ako" weee??? Kala ko si Marcko? Sya na bagong vocalist?

"Ikaw? We??"

Tumango lang sya.

"Anong tutugtugin nyo?"

Roses On The TableWhere stories live. Discover now