28 : DAY 2

291 7 3
                                    

KREIA'S POV

The next day, I woke up too early because I have to fetch Justin as early as I can. The music production will be very busy today kaya dapat maaga pa si Jah. Excited ako for him kasi magpe-perform sila! 5AM when we went to school, sobrang aga pa pero okay lang mahal ko naman si Jah kaya kahit anong gawin niya susuportahan ko siya. Sinamahan ko siya sa music prod para i-check ang mga gagamitin nila mamaya. Yung iba ay ibinababa na rin ang ilang instruments para i-set up na sa stage.

"You okay? Sorry ha, naaabala pa tuloy kita" Justin said while checking out the program paper.

"I'm fine, tsaka ano ka ba babe! I'm here to support you!" I beamed. Napangisi naman siya at binalingan ako, kinilig ata!

Everyone in the room was busy doing some stuffs, tumutulong din naman ako kapag kaya ko pero todo saway naman si Jah. Ayaw niya kasing mapagod ako. When 6AM strikes, lahat ng gamit ay nai-baba na at ready'ng-ready na ang music production para mag perform. The program will start at 8AM kaya may isang oras pa sila para mag rehearse and else. Nag final blocking na sila sa baba, dumarami na rin ang mga students kaya nagsi-bihis na rin ang mga magpe-perform. Nasa music production pa rin ako, hinihintay si Jah dahil nagbibihis pa ito. Kinuha ko muna ang make up set sa bag ko dahil lalagyan ko ng kolorete si Jah sa mukha. The moment he went outside, I pulled him and make him sit on a chair in front of the mirror. Medyo nagulat pa siya sa ginawa ko pero umupo rin siya ng maayos.

"Don't worry babe, I will just make it light" I said as I started putting something on his face.

"I trust you" he said and I giggled.

"Sanaol may jowang supportive!" kantyaw ng isa sa kasamahan niya sa pagsasayaw. Natawa kaming pareho ni Jah at bahagyang napatingin sa mga nagkakantyawan. Sa kabilang bahagi ay natanaw ng mga mata ko si Ysa, nanlilisik na naman ang mga mata habang nakatingin sa amin. Ano na namang problema nito? Nag-iwas agad ako ng tingin at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa sa mukha ni Jah.

Pagkatapos kong lagyan ng make up ang mukha ni Justin ay nagulat ako sa kinalabasan. Tangina bakit ang pogi?! Kahit light lang, bumagay pa rin sa itsura niya! Natulala ako sakanya ng ilang minuto, gago I was stunned!

"Tutulo na laway mo ghorl, wag ka mag-alala sayo lang si Jasten!" Qwyn suddenly popped in front of me, bahagya pa niyang isinira ang bibig kong kanina pa nakanganga.

"Matutunaw si Justin nyan, pero seryoso ang pogi mo bro nababakla ako!" sabi pa ni Gav sa likod sabay tawa nilang dalawa ni Justin.

"Alam niyo, kayong dalawa bigla-bigla na lang sumusulpot. Alien ba kayo?" pagta-taray ko pa sakanila, hindi pinapahalata na nakatulala ako kay Justin kanina. The next thing I do is his hair, may baon siyang curler kaya hindi ako mahihirapan. Kinulot ko yung dulo ng buhok niya at hinayaan itong bumaba at lumandas sa noo niya. Perfect! Nang malapit ng mag alas-otso ay nagpaalam na kami kay Jah para pumunta na sa baba at maghahanap ng mauupuan.

"Good luck babe, I know you'll gonna nailed it! I love you" I whispered and gave him a kiss on his cheeks. Agad naman siyang pinamulahan ng mukha at tila hindi makakilos dahil sa ginawa ko kaya tumakbo na ako palabas. Kahit ako ay nahihiya rin sa ginawa at namula ang mukha. Damn it! I can't help myself!

"Naku bhie, sigurado ako marami na namang mabibighani kay Jasten!" saad ni Qwyn. Nakahanap na kami ng upuan sa harapan, kitang-kita namin dito ang mga magpe-perform.

"Eh, ano naman? Akin pa rin naman si Justin!" sagot ko sabay flipped ng hair ko not knowing na may tatamaan pala ako sa likod dahil sa kahabaan ng buhok ko. Tumingin ako sa likod nang kinakabahan. Mas dumoble ang kaba ko nang makitang mga taga MUDM students ang nasa likuran, paktay!

The delicate man that capCURED my heartWhere stories live. Discover now