35 : FINALS

211 6 2
                                    

KREIA'S POV

It was a cloudy monday morning when I got up on bed. Umpisa na pala ng hell week, then after this we’re 3rd year college na. Time flew so fast, andami na ring nangyari at mangyayari pa lang. Just can’t believe that I went this far. Magt-third year ang isang patapon ang buhay dati pero hindi na ngayon. I’m gonna ace this college life of mine, I’ll claim it.

I wore Justin’s hoodie because the weather is too cold this morning. May tatlo ata siyang hoodie na ibinigay sa akin o di kaya’y hiningi ko sakanya. Ang suot ko ngayon ay yung kulay pula.

After eating breakfast with fam, I hurriedly went outside because Justin will fetch me. Bawal ma late ngayon kaya maaga pa dapat kami. Ilang minuto lang ay dumating na rin siya.

“Good morning, babe” he greeted and opened the front seat door for me.

“Good morning handsome, let’s ace our exams for today. Good luck to the both of us”

“My hoodie looks good on you, cute mo” he stated then smiled and so do I.

Pagdating namin sa school ay siya ring pagdating nila Gav at Qwyn kaya sabay-sabay na kaming pumasok.

“Ilang exams ngayon ang it-take natin?” Qwyn asked then yawned after, halatang puyat na naman.

“Five exams for today and six for tomorrow” Justin answered.

As usual, our seats were arranged in one seat apart everytime we take exams to prevent everyone from cheating. 7AM when we started answering our first subject, from numbers one to seventy. Multiple choice, identification, and essays. What a hard start for us.

After three exams in the morning we had our lunch in the school cafeteria, we are all exhausted after taking exams. But we have still two exams in the afternoon then after that is an early dismissal.

“Minor subs pa lang yun lahat, pano pa kaya mga major bukas? Nakakainis!” asik ni Qwyn ng matapos ang pang-huling exam namin.

“Kalma girl, tara foodtrip na lang para mabawasan stress natin sa katawan” aya ko pa saka tumawa.

“Tara dun sa turo-turo” ani Gav at sumunod naman kami sakanya.

Alas tres pa lang ng hapon, dalawang oras lang namin tinapos ang dalawang exam kanina. Tomorrow will be worst than this day for we will take our major subs. After that, the remaining three days of the week is for complying the activities and performances for those who have not yet completed their school works.

“Anong gagawin niyo sa Wednesday till Friday? Wala naman na ata tayong ico-compile since completed na kasi nagpa-pass naman tayo on time” tanong ni Qwyn habang naghihintay ng order namin.

“Bahay lang siguro or mags-start na ‘ko mag set-up for my live streaming” sagot ni Gav.

“Naks gamer na pareng Gav natin” tukso ni Jah sabay akbay kay Gav.

“Ikaw Krei, anong plano mo sa buhay?” tanong ni Qwyn.

“Will probably wander around daddy’s studio” sagot ko pa, gusto kasi ni daddy na maglibot ako minsan sa studio niya para raw may matutunan kahit papano. Kung paano maghandle ng kung ano sa loob, kasi hindi lang naman pictures and videos ginagawa roon. As what I’ve said, gusto ko magtayo ng team sa kompanya namin. Kaya ngayon pa lang naglilibot na ‘ko para alam ko kung anong kulang at ano pa ba mga dapat kong matutunan in case na mag take over ako sa company namin.

“Or I will find some audition forms online” I added then winked at Justin.

“Luto na orders natin, dun tayo sa field?” aya ni Jah na sabay sinang-ayunan naman namin. Makulimlim naman kasi at medyo mahangin. Hanggang ngayon nga ay nilalamig pa rin ako.

The delicate man that capCURED my heartWhere stories live. Discover now