08 : CHECK

310 13 1
                                    

KREIA'S POV

Nang makarating na kami sa bahay ay bahagya pa 'kong pinigilang bumaba ni Jah sa kanyang sasakyan kaya napabaling ako ako sakanya.

"Bakit Jah?" tanong ko habang nakatingin sa kamay niyang nasa braso ko na para bang pinipigilan akong bumaba.

"Dalhin na lang kaya kita sa hospital?" sagot niya ng may pag-aalala sa mga mata.

"Naku wag na! Okay na okay na 'ko Jah pramis!" I assured him while smiling.

"Kanina kasi parang--" I cut him off.

"Sus, wala 'yon Jah. Siguro na stress lang talaga kasi diba, marami tayong ginagawa sa school" page-explain ko pa sakanya, napabuntong hininga na lamang siya pagkatapos ay tumango sa akin.

"Pasok na 'ko, bye Jah. Thank you ulit" paaalam ko sakanya at dumiretso na 'ko papasok ng bahay na may ngiti sa mga labi.

I was about to went upstairs when Mom blocked my way up.

"5 am when you went out kanina tapos 10 am ka na nakabalik? San ka galing bata ka?" tanong niya habang pinanlilisikan ako ng mata.

"Magkasama po sila nung Justin De Dios ma, nakita ko pong hinatid niya si Kreia" pagsusumbong na naman ni Reanne, nasa likod lang pala siya ni mama. Apaka-kupal talaga ket kelan.

"Oh come on! You didn't know? Boyfriend ko na 'yong si Jah" pagmamayabang ko pa sakanya kahit na hindi naman totoo. Inirapan lang ako ng kupal.

"Eh kung kurutin na lang kaya kita sa singit? Boyprend boyprend ka dyan!" galit na asik na naman ni Mom.

"Ma, nasa legal age na po ako para mag boyfriend" sabi ko pa habang dahan-dahang inaalis ang kamay ni Mom na nakaharang sa dadaanan ko paakyat.

"Wag mo 'ko igaya kay ate na ampanget kaya hanggang ngayon wala pa ring boyfriend" dagdag ko pa nang sa wakas ay nakawala ako kay Mom. Tumakbo agad ako paakyat habang tawa nang tawa dahil sa pang-iinsulto ko na naman kay Reanne.

"WAG NA WAG MONG IPAPAKITA MUKHA MO SA AKIN KREIA! KUNG HINDI MAKAKATIKIM KA TALAGA!" galit na galit na sigaw ng kapatid ko sa baba kaya mas lalo lang akong natawa.

I rested for almost 30 minutes before I take a shower. Pagkatapos kong maligo ay tumihaya agad ako sa kama kahit na basa pa ang buhok ko. What to do? Where to go? Naiinip ako dito sa bahay, kating-kati na 'kong gumala. Pero safe na ba? I mean, kanina kasi nahimatay ako? Unang beses pa lang yun nangyari sa akin kaya natatakot akong mangyari ulit. Sobrang sikip ng dibdib ko, hindi ako makahinga, nahihilo ako, nangangatog ang mga tuhod ko at parang mahihimatay ako which is nahimatay nga ako. Ayoko na ulit maramdaman yung mga 'yon, natatakot ako. Nakakatakot.

Lalo na kapag wala akong kasama, pano kapag nangyari yun? Natatakot na talaga ako. Ayoko muna sabihin kila Mom kasi baka tama nga ako na stress lang 'to. Pero sana wag na yun mangyari ulit, mabuti na nga lang at dumating si Jah kanina para sagipin ako. Mabuti na lang at malapit lang bahay nila kanina sa kung saan ako inatake. Mabuti na lang at iisang subdivision lang kami. Kaya laking pasasalamat ko talaga kay Jah.

Sana kapag nangyari ulit yun, nandyan ka para sagipin ako, ulit.

Natigil ako sa pagmumuni-muni ko nang biglang nag ring ang phone ko, inabot ko agad ito sa may side table. It was Qwyn.

"Wassup?" she said when I picked up.

"Who are you with?" I asked her smirking. Imbes na ang pag-gala ang sasabihin ko ay mas inatupag ko pa ang pagtatanong kung sino ang kasama niya.

The delicate man that capCURED my heartWhere stories live. Discover now