21 : LET

289 12 6
                                    

KREIA'S POV

So it's really true? May boyfriend nga si Ysa? She mentioned it before to me, akala ko dahil sa takot niya lang sa akin kaya nasabi niyang may boyfriend siya noon. Pero ngayon napatunayan ko na nga, so sino kaya ro'n?

"But...I thought there's something happening between you two" I turned my gaze on him while he's driving. Ako sana ang magmamaneho pero mapilit siya't kinuha ang susi sa akin.

"Bakit mo naman naisip 'yon?" he asked, nasa kalsada pa rin ang tingin.

"Nakita ko kayo sa music prod. Tapos yung ginawa niya sayo bago ako umalis" I told him, remembering the scene wherein Ysa cupped his face.

He smirked.

Nakakabanas, ayan na naman siya sa mapang-asar na mga ngitian niya. Napipikon ako kasi alam kong nang-aasar na naman siya! But damn! He looks hot. His hair's kinda messy and still wet since kakagaling niya nga lang ng shower. Umaalingasaw din ang amoy niya sa loob ng sasakyan, dinaig pa ang air freshener ko. Nakakaadik ang bango niya hindi ko maiwasang simutin to lalo na pag malapit siya sa akin.

"Inaasar lang ako no'n" he chuckled. Inaasar pero tuwang-tuwa naman! Napabusangot ako at piniling wag nalang makipag-usap sakanya. Inabot ko ang button ng radyo sa harapan at pinatunog na lang ito at nilagay sa love radio station. I want to chill and just listen to some music. Pero mukhang nakiki-ayon talaga ang tadhana.

Now playing : Your Love

"You're the one that never lets me sleep
Through my mind, down to my soul
You touch my lips" he sing along with the song. I rolled my eyes and put my hands on my ears, not willing to listen. Hindi naman kasi siguro para sa akin ang kanta, it's dedicated for someone else. I saw him chuckled while singing, pinilig ko nalang ang ulo ko at sinandal sa bintana ng kotse.

"Hey, listen to me" he said while laughing a bit. Pilit niya ring kinukuha ang mga kamay ko sa tenga ko. Winakli ko lang siya at sinamaan ng tingin, nagmamaneho kasi siya tapos ang gulo niya pa! Inabot kong muli ang button at pinatay nalang ang radyo.

"Bakit ba ayaw mo na 'ko pakinggan?" natatawa niya pa ring tanong.

"Eh kasi si Ysa naman talaga yung kinakantahan mo nyan noon!" sagot ko naman bigla. Bahagya pa 'kong nagulat dahil sa naging sagot ko pero wala na akong magawa dahil nasabi ko na 'yon. Sandali kaming natahimik sa loob ng sasakyan, tanging makina lamang nito at ang nakabukas na aircon ang gumagawa ng ingay.

Hanggang sa hindi ko namalayang nakapag-park na pala siya sa harap ng isang ice cream shop. Yay ice cream! Baba na sana ako pero natigilan din dahil tumikhim siya. I turned my gaze on him, he's damn serious what the heck?

"I am looking at you that day when I was singing!" he said while looking straight into my eyes. I didn't move nor utter a word out of confusion. So what does he means? I don't wanna assume things again, masakit kasi. Pero kung dedicated talaga sakin 'yon masaya naman ako.

He then get off the car, leaving me gasping for words. Pumasok siya sa shop at sumunod naman ako. He ordered for us, hindi naman ako nahirapang maghanap ng mauupuan kasi konti lang yung tao ngayon. I sat on a table for two malapit sa glass, I don't wanna sit on the center kasi. Though I really like the ambiance of the place, it's an aesthetic one ft. chill musics.

After he ordered, he went to our table with a tray on his hands, a cup of two ice cream are placed on it. A chocolate flavor and a vanilla one. He handed me the chocolate with more toppings above, like mallows and some other chocolate bar. Samantalang ang toppings naman ng sakanya ay mais! Kelan pa 'to naadik sa mais? Puno kasi ng mais sa ibabaw ng ice cream niya! Ah, now I know kaya pala adik sa mais kasi corny siya *laughs*

"Tinatawa-tawa mo dyan?" he asked, attitude ka ghorl? Natawa ulet ako pero inirapan niya lang ako. I really missed Justin and his attitudes grrrr! Pero seryoso sobrang na miss ko siya!

"Wala ka pa rin bang sasakyan bukas?" I asked and starts to eat my ice cream. He just shrugged while eating his corns. He looks attractive now--I mean everytime in a delicate way.

"1 month akong walang sasakyan" he uttered. Parang nagliwanag naman ang mundo ko sa narinig. I can be his driver for the month, I insist! Willing talaga ako!
Hindi naman halatang patay na patay ako sakanya no?

"Sabay ka nalang sakin" I said shyly as I felt my face heated a bit. He nodded and smile to me, yung ngiting hindi na makita ang mga mata niya. Sobrang gwapo! Sarap panggigilan!

After that, we ate our ice cream while talking for some random stuffs. He also cracked some corny jokes at dahil mahal ko siya ay pinagtatawanan ko ito kahit na sobrang corny naman! Kidding! Natatawa talaga ako pramis!

"So, what's the score between you and Gav?" he asked out of the blue, I gulped. Of all questions! Ponyeta Justin! Nanghihinala ba ang isang 'to?

"We're good friends" I said, trying hard to make it sounds calm so he won't say that I'm defensive. He raised a brow and stared at me like he don't believe me! Damn!

"Really huh?" he smirked.

"Stop it Justin, you sounds like a jealous boyfriend"

"What if I am?" he fired back with a serious aura.

"Stop it!" I chuckled, I don't wanna get some false hopes again. But part of me is melting now because of what he said. Kailangan ko munang bakuran ang sarili ko dahil ayoko na ulit mag expect ng sobra. 'Cause what hurts me the most is my own expectations.

Bago pa man siya makasagot ay nakuha na ng atensyon namin ang pumasok na grupo ng estudyante sa loob ng shop. Nagkataon pang mga ka-grupo niya pala ito sa pagsasayaw kanina. I saw Ysa with a man, naka-akbay sakanya ang isang lalaking medyo maputi at may kagwapuhan naman. Pareho silang naka-glasses, they look good together.

"Uyy Justin! Wassup man! Pakilala mo naman kami sa girlfriend mo!" saad ng isang lalaki at nagsitunguhan na silang lahat sa mesa namin, nakakahiya!

"I'm not his--"

"Si Kreia nga pala" he cut me off! What the hell was that? I was about to deny that I'm not his girl but he cut me off!

"Oh! Nice type Jah" hiyaw ng isa at nagsitawanan pa ang iba, probably teasing Justin. I just awkwardly smiled at them, yung iba sakanila ay hindi pa maalis-alis ang tingin sa akin. Nakakahiya talaga! Nakita ko naman na sila kanina pero ngayon kinakausap na talaga nila kami kaya nahihiya ako!

Sa likuran naman ay nakita ko ang nakabusangot na si Ysa habang akbay-akbay pa rin ng boyfriend niya. Problema nito? May konting alitan ata sila.

"Let's go Krei, una na kami mga bro" pagpapaalam na sakanila ni Justin. Tapos na rin naman kaming kumain kaya aalis na kami. Nabigla pa ako nang hawakan ni Jah ang kamay ko at hilahin ako ng marahan palabas.

"Hoyy! Baka akalain ng mga 'yon girlfriend mo talaga ako ha!" asik ko pa nang maka-upo na sa front sit ng sasakyan ko.

"Just let them" a genuine smile crept on his lips.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

The delicate man that capCURED my heartМесто, где живут истории. Откройте их для себя