25 : SMACK

307 10 5
                                    

KREIA'S POV

"JOSH!"

Natigil ang pagsasaya ng lahat ng biglang umalingawngaw ang tili ni Qwyn sa may bandang comfort room ng bar. Justin and I immediately ran towards them, nagkakagulo na pala sila. Hindi pa namin alam ang rason kung bakit nagkakagulo pero kinakabahan na ako. May nakahandusay na lalaki sa sahig, putok ang labi. Habang si JC naman ay hawak-hawak na ni Qwyn at tila pinapakalma ito.

"What happened?" natataranta kong tanong sakanila.

"Gago to eh! Halika dito papatayin kitang putangina ka!" sigaw ni JC, galit na galit at akmang susugurin na naman sana ang nakahandusay na lalaki pero napigilan siya nila Gav at Qwyn. Umiiyak na ngayon si Qwyn at nakayakap na talaga kay JC para pigilan ito at pakalmahin. Kumalma lang si JC ng puntahan na ng mga bouncer ang lalaki at kinaladkad na ito palabas ng bar.

"I'm so sorry love, sorry" JC kissed Qwyn's forehead and hugged her back.

"Lumabas na muna tayo" pag-aaya ni Gav kaya sumunod naman kami. Inalalayan ulit ako ni Jah dahil nagkukumpulan na naman ang mga tao at nag-umpisa na namang magsaya. Parang wala lang nangyari na gulo kanina. Nang makalabas kami ay tumungo agad kami sa mga sasakyan namin at pinag-usapan kung ano ba talaga ang nangyari.

"I was waiting for her to go out from the comfort room when suddenly I heard her scream from the inside" JC explained.

"What did that pervert do to you?" JC asked Qwyn, umiiyak pa rin ito pero kumakalma na rin. Yakap-yakap pa rin siya ni JC.

"Nang...tapos na akong mag cr, binuksan ko na yung pinto ng cubicle pero nabigla ako ng biglang may tumulak sa akin na lalaki papasok ulit sa loob. Tapos...ayun nga buti na lang nakasigaw ako at dumating ka" naiiyak man ay pinilit ni Qwyn na isalaysay sa amin ang nangyari.

Fuck that asshole! Bastos! Thank God wala namang nangyaring masama kay Qwyn, mabuti na lang talaga nakabantay si JC!

"I'm so sorry guys" Gav said.

"No, it's not your fault bro" JC

"Dun na lang tayo sa seaside" suhestiyon ni Jah. Buti na lang may baon na blanket si Gav,  agad naman kaming tumungo sa seaside at naupo. Nagpaalam ang boys na bibili ng makakain at inumin kaya naiwan kami saglit ni Qwyn.

"You okay?" nag-aalala kong tanong sakanya.

"Ano na lang kaya sasapitin ko kung hindi dumating si Josh" sabi niya sabay pahid na naman sa luhang lumandas sa pisngi.

"Shhh, laking pasasalamat ko nga sakanya kasi hindi ka niya iniwan at binantayan ka niya doon" pagpapatahan ko pa sakanya. Kung alam ko lang na ganoon ang mangyayari, sinamahan ko na sana si Qwyn kaso malayo kami sakanila eh.

"Ayoko ng humiwalay sakanya sa totoo lang. Pero natatakot ako, natatakot ako na baka mas lumalim yung nararamdaman ko sakanya. Tanga ako kung ide-deny kong hindi ko siya nagugustuhan" she chuckled a bit and I feel sorry for her, hindi madaling umamin sa matalik na kaibigan. May possibilities na masisira ang kung anong meron sila ngayon kapag may umamin kaya naiintindihan ko si Qwyn.

"What if Josh feels the same way?" I asked her.

"What if, andami ko ring what ifs bhie pero hanggang what ifs na lang ako kasi gago! Hinding-hindi ako magugustuhan non kasi bestfriends lang kami" mapait ulit siyang tumawa, tumatawa man ay ramdam ko yung sakit sa bawat pagbigkas niya ng mga salita.

The delicate man that capCURED my heartWhere stories live. Discover now