06 : DISTURBANCE

321 11 1
                                    

KREIA'S POV

It was our 2nd sem and everyone is busy because we have a lot of works to do. Films, shootings, reportings, projects, group activities, long quizes, tests, exams, proposals, oral recitations and many more. Lahat ay abala sa pag-aaral, ni wala na kaming time para mag-saya kapag uwian. Hindi na rin kami nakakapag-bar nila Qwyn dahil sa dami nga ng aming ginagawa. For now, studies muna before anything else dahil mahirap na. It was just our 1st year here in college and I can say that it's hell already. Pano pa kaya kapag tumuntong na kaming 2nd to 4th? I think it's more than hell that I can imagine it already!

Ngayon ay nasa library kami at naghahanap ng iba't-ibang ideas for our upcoming films. Our prof said that 'mabuti nang nakapag-advance research kami para hindi na mahirapan sa actual shooting talaga'. Our incoming films are tragic kasi, may kahirapan siya kaya ngayon pa lang ay pinaghahandaan na namin.

"Jah nakahanap ka na ba?" tanong ko kay Jah ng maka-upo ako sa tabi niya. Tanging tango lamang ang naisagot niya sa akin. Sa dami ba namang libro sa harap niya, tiyak ay nakahanap na nga ito. Nagmumukha siyang book worm dahil sa mala-bundok na librong nasa harap niya, dagdagan pa na naka glasses siya. Shit ampogi! Poging nerd. Hindi tuloy ako makapag-focus sa paghahanap dahil naka'y Jah na naman ang atensyon ko.

Kahit anong pilit na basa ko sa libro ay hindi na talaga pumapasok sa utak ko. Ukupado na naman kasi ni Jah ang pag-iisip ko, hays. Imbes na magbasa ay tinuon ko na lang ang pansin kay Jah, pinapanood ko siyang mag-basa at magpakalunod-lunod sa binabasa. Ang lakas pa rin ng dating kahit nagbabasa lang naman! This is so illegal Mr. De Dios!

Lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko nang sulyapan niya ako, isang tingin na para bang nabuburyo at naiirita na naman sa ginagawa ko. Nginisihan ko siya at nakatanggap na naman ako ng masamang tingin galing sakanya. My smile fade away. You're such a disturbance self, stop it. My mind says but my heart says otherwise.

"Jah magla-lunch na, sabay na tayo?" I asked him after 2 hours of being here in the library. Imbes na sumagot siya ay tumayo ito at niligpit ang mga librong binabasa kanina. As usual, bilang taga buntot ni Jah ay sumunod ako sakanya. Ibinalik ko na rin ang mga librong ginamit ko kanina, pero ginamit ko nga ba?

After putting back the books, Jah went out the library and so do I. Papunta siyang cafeteria kaya lumapad na naman ang ngiti ko, sabay kaming magla-lunch mwehehehe. Naghanap muna kami ng vacant seat, syempre dahil gusto kong masolo siya ay pandalawahang seat ang hinanap ko. Nang makahanap na kami ng mauupuan ay pinagtaluhan pa namin kung sino ang mag o-order. Nagpumilit ako pero sa bandang huli ay hinayaan ko na lang siya.

"Ako na kasi! Ano bang order mo?" he asked me while glaring a little. Galit yan?


"Same order as yours, please" I answered while giving him my sweetest smile. He just rolled his eyes that makes me chuckle.



I was scrolling through my socials on my phone while waiting for him when I heard a bunch of whispers coming from the girls behind me. Nothing new, I'm used to it tho. They'd been calling me names such as 'bitch' 'slut' and many more for a months now. Ewan ko ba, nadikit lang ako kay Jah ganyan agad mga pinagsasabi nila. Well, I don't mind them naman eh, they're not worth my time. Mga inggit lang yan kasi close kami ni Jah. At isa pa, hanggang parinig lang naman yang mga 'yan. Kapag nasa harap ko naman ay parang mga tutang nakayuko na tila takot na takot, magaling lang silang magparinig kapag nakatalikod ako.

But YAWA girls are different from them, yung mga 'yon kasi ay kaya akong labanan ng harapan. Hindi natatakot yung mga 'yon and I'm not scared of them too. Isa laban sa apat? Oh come on! Yakang-yaka!


"Ano na namang nginingisi-ngisi mo dyan?" tanong ni Jah ng makabalik sa mesa namin dala-dala ang inorder na pagkain.


"Naisip ko kasi...para na kitang boyfriend, Jah" sagot ko naman na biglang ikinasama ng mukha niya. Ang sama nga talaga! Hmp!


"Stop it, Krei" walang ganang saad niya pa at kumain na. Kumain na rin ako habang nakabusangot. Nauna siyang natapos sa akin samantalang ako ay sinadya kong magpakabagal kumain para hintayin niya 'ko. Hindi nga ako nagkamali, hinintay niya ako pero nakatuon naman siya sa notes niya. Nagre-review na naman ang kupal, akala ko pa naman itutuon niya na sa akin ang atensyon niya. Asa ka ghorl!


"Jah, matalino ka na! Tama na yang kaka-review" pagkukuha ko pa ng atensyon niya pero hindi niya 'ko pinansin.


"Hoy! Kailangan mo rin kayang ipahinga ang utak mo! Sige ka, baka ma-stress ka niyan" pangungulit ko pa sakanya kaya nabigla ako nung padabog niyang ibinagsak ang kanyang notebook sa mesa. Kabado bente shuta!

"Eat. Just eat Kreia!" he said with his mono-tone. Sobrang seryoso niya na naman kaya tumahimik na lang ako. Nang matapos akong kumain ay nag-alinlangan pa 'kong magsalita dahil na rin siguro sa kaba dulot sa nangyari.


"U-uhm...Jah tapos na 'ko, tara na?" sabi ko habang hindi makatingin ng deretso sakanya. Nagligpit na rin siya at nauna nang tumayo at naglakad palabas ng cafeteria. Agad naman akong sumunod sakanya.


"I'm sorry" sabi ko pa nang tuluyang nagpantay na ang aming lakad dahil hinabol ko siya.


"For what?" he asked me without giving a single glance.


"I'm such a disturbance to you" bahagya akong natawa ng mapakla. Totoo naman eh, istorbo lang ako sakanya. Lagi ko na lang siyang ginugulo. May kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko dahil sa sinabi ko. Akmang sasagot sana siya pero inunahan ko na siya.


"Uuwi na 'ko Jah. Ang sama kasi ng pakiramdam ko eh, bye" I fake a smile and then waved him goodbye. I don't wanna hear an answer coming from him kasi alam kong magiging rason lang 'yon upang sumikip na naman ang dibdib ko.


Isang subject lang naman ngayong hapon ang klase namin, tinatamad na rin kasi ako kaya a-absent na lang ako. Si Qwyn nga ay hindi pumasok kanina at paniguradong wala na naman 'yon mamaya.


While drivin' my way home, laman na naman ng isip ko si Jah. Napapagod na ba siya sa akin? Nagagalit? Naiirita? Kasi ang kulit-kulit ko na eh. Naiistorbo ko na siya palagi at siguro nagtitiis na lang 'yon sa akin. Paulit-ulit ko nang sinasabi sa sarili ko na tigilan ko na siya pero wala eh, sadyang taliwas ang puso ko sa kung ano mang nilalaman ng isip ko.





~~~

The delicate man that capCURED my heartWhere stories live. Discover now