51 : MEDDLE

180 10 2
                                    

KREIA’S POV

It's our last week preparation for our final defense. Lahat ay kabado na, walang exemption dahil bawat isa sa amin ay kinakabahan.

“Saan kayo? Sa cafeteria ako magre-review ng thesis ko” si Gav

“Sama!” si Qwyn. “Ikaw Krei?”

“Hahanapin ko pa si Justin, baka sa library kami” sagot ko bago sila iwan.

They already went to the cafeteria with Kent. Habang tinatahak ko naman ang daan patungong library. At hindi nga ako nagkamali nang pinuntahan dahil nakita ko agad si Justin na naka-upo sa pinakadulo. On his usual spot.

Tumungo ako sakanya at umupo na agad ng hindi siya iniistorbo. He is reading seriously that he didn’t even lift his gaze up to me. Naiintindihan ko naman dahil tutok na tutok talaga kami ngayon sa thesis namin. But I know that he feels my presence in front of him, sapat na ‘yon.

Ilang oras din naming inaral ang thesis namin, hindi na namin namalayan ang oras at nakatulog na rin si Justin.

Nag inat ako saglit at tumayo para silipin kung ano nang ginagawa niya sa laptop niya. He's already finalizing the last page of his thesis. Binasa ko ang nakasulat sa papel niya at okay naman na, tina-type niya na lang para sa soft copies niya. At dahil patapos na rin naman siya ay ako na ang tumapos nito sabay save ng file niya.

Sinimulan ko na rin agad linisin ang mga kumakalat naming mga gamit. Para uuwi na lang kami pagka-gising niya. Inabot kami ng hapon dito sa library kaka-aral ng thesis. Kaunting tiis na lang naman, malalagpasan din namin ‘to.

I was watching him from his deep slumber when his phone suddenly rang.

Ate Rose is calling...

“Hello ate” sagot ko agad sa tawag.

“Kasama mo si Jah? Pakausap naman Krei oh, dumating kasi mga big bosses hinahanap sila!” natatarantang paliwanag nito sa kabilang linya.

Maingat kong tinapik si Justin na agad namang nagising.

“Si ate Rose” sabay bigay ko sakanya ng phone.

“Ate...okay po, on the way!” mabilis niyang pinatay ang tawag at agad na hinagilap ang mga gamit saka ako tiningnan bago umalis.

Dahil sa kakamadali ay natabig niya ang kanyang flash drive na agad tumilapon sa ilalim ng mesa. Hindi pwedeng mawala ‘to, itatago ko muna dahil nagmamadali siya.

The days went fast and we barely see each other in the school. Hindi na rin kasi ako nakakaraan sa studio nila dahil nga sa preparation para sa defense namin. Hanggang ngayong biyernes ay hindi ko mahagilap si Justin, hindi na rin kasi ako nakakarinig ng balita kila ate Rose. Well maybe because they were all busy in the studio. The big bosses are there and I think they have big plans for the boys.

Bago umuwi sa bahay ay naisipan ko munang dumaan sa bahay nila Justin. I want to give him his flash drive. Iiwan ko na lang kay tita kapag hindi pa siya nakaka-uwi.

“Good afternoon, tita” bati ko agad nang buksan niya ako ng gate.

“Oh! Kreia, naparaan ka?”

“Si Jah po nakauwi na?” tanong ko agad.

“Halika pasok, nasa kuwarto niya. Kanina ko pa nga kinakatok pero ayaw akong pagbuksan” nag-aalalang ani niya habang inaalalayan ako papasok ng bahay.

She lead me upstairs and pointed out Justin’s room. Iniwan niya rin agad ako dahil baka daw masunog ang niluluto niya sa baba. I was contemplating whether to knock on his or door or I’ll just leave the flash drive to tita. I don’t know but I kind of feeling heavy in the inside. Pero dahil narito naman na ako ay kakatukin ko na lang siya.

The delicate man that capCURED my heartUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum