12 : PERIOD

324 11 0
                                    

KREIA'S POV

I'm looking at my watch while the prof is busy lecturing on the front. 5 more minutes before lunch break, tik tak tik tak. Why do time run so slow when you keep on checking it? Damn, 5 minutes feels like 5 years! Hurry up!

"Nakabusangot ka na naman" Gav whispered and chuckled a bit.

"Don't talk to me" I rolled my eyes and just focused on my wrist watch. After a minute, finally the bell rang! Lunch break na! Dali-dali kong niligpit ang mga gamit ko at nilagay sa loob ng bag pagkatapos ay tumakbo papunta kay Jah. He was also busy putting his things inside his bag.

"Babe! Tara lunch!" I said smiling when he finished putting his stuffs in his bag. Marahan ko ring ipinalupot ang aking mga kamay sa kanyang braso. He glared at me but I just wink at him.

"Bitawan mo 'ko, may kasama akong mag lunch" sabi niya at bahagyang inaalis ang kamay ko sa braso niya.

"Sino kasama mo?" I asked, pouting. Hinigpitan ko rin ang pag-hawak sa braso niya para hindi niya ito makuha. Bigla niyang ibinaling ang atensyon sa nakaupo pa ring si Ysa, nakayuko na para bang nahihiya.

"Oh, Hi Ysa!" I greeted her, bigla namang umangat ang ulo niya at gulat na gulat na napatingin sa akin. Looks like she didn't expect that I'll call her.

"May kasama kang mag lunch?" I asked her and raised a brow so that she'll answer me with a yes. Alam ko kasing siya ang tinutukoy na kasama ni Jah para mag lunch.

"Krei--"

"Ah o-oo! Oo K-krei k-kasama ko mga k-kaibigan ko sa k-kabilang section" pagpuputol niya pa sa sasabihin sana ni Jah. She's too scared, halata naman sa boses niyang uutal-utal. I didn't mean to scare her ha. Agad na rin siyang tumayo at nilisan ang room. I smiled sweetly to Jah, hinila ko agad siya palabas ng room not knowing that Qwyn is also waiting for me outside. Masama agad ang tingin niya ng makitang naka-angkla na naman ang kamay ko sa braso ni Jah.

"Let's go, Qwyn. Third wheel ka muna" I jokingly said pero binatukan ako nang loka.

"Anong palabas yung kanina Krei? Para kang sira may pa sigaw-sigaw ka pa" she madly said and started walking, sumunod naman kami agad ni Jah.

"Anong ginawa sayo ni Gav?" Justin suddenly asked, kaya bigla akong napahinto sa paglalakad. Did he just saw Gav following me earlier?

"Parang mga tanga, nag-aaway kanina tapos pagbalik sa room parang mga timang na nagtatawanan pa" asik na naman ni Qwyn sa harapan kaya mariin akong napapikit ng mga mata. What the hell Qwyn!

"Kinukulit kasi ako kanina kaya ayun nagalit ako tas sinundan ako ng mokong sa cafeteria. Siya pa nga nagbayad ng juice ko, humingi naman siya ng tawad kaya ayun naging okay rin. Ang saya niya nga kasama eh, daming baon na jokes--" nahinto ako sa pagsasalita ng bigla na lang kinuha ni Jah ang pagkakahawak ko sa braso niya. Shit! Daldal mo kasi Krei, tanga-tanga mo!

"Eto naman! Tampururot agad!" sabi ko pa at binalik din agad ang kamay ko sa braso niya.

"Dali-an niyo nga dyan! Mamaya na 'yang tampo-tampo na yan! Gutom na 'ko" masungit na naman na saad ni Qwyn sa harapan.

"Heh! Selos ka lang kasi wala kang kasama" pagtutukso ko pa sakanya.

Pagdating namin sa cafeteria ay tinanong agad kami ni Jah kung anong order namin kasi siya ang mago-order. What a gentleman! Pumila na rin siya agad pagkatapos naming sabihin kung anong order namin.

Napatingin ako kay Qwyn nang maramdamang tahimik ito, himala! Hindi ata siya madaldal ngayon, ano kayang nangyari at ang init-init din ng ulo ng isang 'to. Bago ko pa man siya matanong ay dumating na si Jah dala-dala ang tray na naglalaman ng mga order namin. Agad naman na nilantakan namin ang aming mga pagkain, hindi ako sanay masyadong tahimik kami ngayon.

The delicate man that capCURED my heartWhere stories live. Discover now