20 : STILL

295 10 3
                                    

KREIA'S POV

It's been two weeks? three weeks? I guess so. Justin was still waiting for me at the parking like he always do, hinihintay akong makarating tapos aalis din naman agad. Ganun din minsan kapag uwian, natatanaw ko siya sa malayo na nakatingin sa akin hanggang sa makaalis na ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang gawin yun e, napag-usapan naman na namin yun noon. And I thought he's mad at me? Kaya nga umiiwas na 'ko eh.

Hindi ko rin alam kung anong namamagitan sakanila ni Ysa, after the incident that I witnessed I didn't bother to asked them. Ayaw kong alamin kasi ayokong makialam at alam kong sasaktan ko na naman ang sarili ko kapag nasagot ang mga tanong ko. Justin was always in the music prod, minsan lang siya sa klase. Nabalitaan ko ring exempted siya sa lahat ng subject namin dahil may pinaghahandaan daw ang music prod para sa darating na malaking event dito sa school.

"Nakatunganga ka na naman dyan! Lalamig ang pagkain Kreia Leanne Niz!" asik na naman ni Qwyn habang nasa loob kami ng cafeteria, we're having our lunch. Kanina niya pa 'ko pinapagalitan kasi hindi ko man lang magawang galawin ang pagkain ko. Nakatingin lang ako rito at nakatunganga, wala akong gana.

"Wow ha! Sana sinama mo na pati last name ko diba? Nahiya ka pa" I scoffed then rolled my eyes.

"Tangina ka! Ano ba kasing nangyayari sayo?" She poked my head a little, sinamaan ko agad siya ng tingin. Right, wala pala kasi akong sinabihan sa nadatnan ko noon sa music prod. Hindi naman ako chismosa, ayoko lang din isipin nila na hindi ako okay kahit na hindi naman talaga ako okay. Labo diba?

"Not in the mood" I sighed, nilayo ko agad ang pagkain sa harap ko. Ayoko kumain. Qwyn just shrugged as if she's so done with me.

After a minute, we heard a familiar footsteps coming to our table. Pano ba naman kasi, halatang-halata na sila yung paparating kasi nagtataasan ang heels ng mga sapatos tapos ang aarte pa kung lumakad ng mga ponyeta!

"Uyy girl! Pano ba yan? Mukhang nabingwit na ni Ysa si Justin ah" Yen suddenly tapped my shoulder, close tayo ghorl? Halatang mang-aasar na naman 'tong mga to!

"Paki ko? Edi si Ysa na guluhin niyo ro'n!" tutal si Ysa naman na ang nakadikit kay Justin, hindi na ako. Tutal lahat naman nang kinakalaban nila yung mga nakakasama ni Justin, pero siguro ako talaga mga paborito ng mga yawang 'to!

"Himala! Ang isang Kreia, magpapakabog na ata sa isang dugyot na si Ysa" Weah said, nagsitawanan naman ang mga ponyeta. E, mas maganda pa nga sakanila si Ysa ang kakapal talaga ng mga mukha. I didn't bother to fight them back anymore, kasi alam kong mas dadada lang 'yang mga yan kapag pinatulan ko pa. I crossed my arms over my chest and just focused on something else, not minding their presence anymore.

"Can you just please leave her alone?" A masculine voice said that make my heart raced. Nakatalikod ako sakanila pero kilalang-kilala ko kung sino ito.

"J-Justin" they stuttered, afraid now because Justin is in front of them. I remained my posture, nakatalikod pa rin ako kahit kating-kati na 'kong lumingon sakanya.

Nakarinig ako ng yabag papalayo kaya akala ko nagsi-alisan na sila pati na rin si Justin pero nagkamali ako. I was about to heaved a deep sigh pero nahigit ko na naman ang hininga ko nang maramdamang may naupo sa tabi ko. I can smell his manly-scent, damn! Qwyn was just eating in front of me, ni wala man lang reaction amp!

"Eat" he said and handed my meal again. Hindi ako makagalaw dahil sa presensya niya sa tabi ko, tangina kasi bakit ganito ka-lakas epekto niya sa akin?! Nanginginig man ay dahan-dahan kong inabot muli ang pagkain ko, nakita ko naman ang pag irap ng mga mata sa akin ni Qwyn. Like she was saying 'ang rupok mo ghorl'.

The delicate man that capCURED my heartWhere stories live. Discover now