02 : IMPRESSED

531 14 5
                                    

KREIA'S POV

Pagpasok ko sa room namin ay nakita ko agad si Qwyn sa likuran, may dalawang space pa sa katabi niyang upuan kaya naupo ako sa mismong katabi niya. Bale siya, ako sa gitna tapos meron pang isa sa kaliwa ko. Wala pang prof kaya chikahan muna, halos may kanya-kanya namang ginagawa mga classmates namin.



"Yawa! San ka galing bat nauna pa 'ko sayo?" bungad niya agad ng makalapit ako.





"May nangyari sa parking eh" sagot ko naman agad.




"Anong nangyari Kreia? May nangyari sa inyo? Sinong lalaki yan?" tuloy-tuloy na tanong niya pa.





"Gaga! Bastos ng utak mo, may nakabangga sa ford ko" pag-explain ko pa.





"Eh bakit parang hindi ka naman galit? Ford mustang mo 'yon Kreia! Ano? Wala lang sayo 'yon?" asik niya pa, nginitian ko naman siya ng pagkalapad-lapad kaya binatukan niya ako.





"Aray! Gwapo kasi nakabangga tss" sabi ko sabay irap sakanya





"Ah kaya naman pala! Kalandian na naman Kreia, first day na first day ponyeta!" gigil na gigil na naman na sabi niya kaya natawa ako. Bago pa man ako makasagot sakanya ay dumating na ang prof namin kasabay si...Mr. De Dios kaya bahagya akong nagulat. Classmates kami?! Saglit pa siyang kinausap ng prof bago nagpalinga-linga para maghanap ng mauupuan. Sa kasamaang palad or should I say sa kaswertehang palad ay yung nasa tabing upuan ko na lang ang bakante kaya agad siyang nagtungo dito. Halos lahat ng babae sa room ay natutulala rin sa kagwapuhang meron siya.





"Hoy! Bakit ka natahimik dyan?!" tanong ni Qwyn ng maramdamang tahimik ako.




"S-siya yung pogi kanina" sagot ko naman habang nakay Mr. De Dios ang mga mata. Hindi na nakasagot pa si Qwyn ng tuluyan nang makalapit sa amin si Mr. De Dios. He seated beside me without giving a glance, wala man lang ket 'hi'.





"Good morning, I'm your prof for this sem..." pagsasalita na ng prof namin sa harapan pero yung atensyon ko ay nakay Mr. De Dios pa rin. I can't even take my eyes off him, ina-admire ko pa yung naka side view niyang mukha. It was almost beyond perfect!




"Kreia eyes on the prof! Umayos ka nga" natigil lang ako sa pagpapantasya sa mukha ni Mr. De Dios ng gigil akong pinagsabihan na naman ni Qwyn, kinailangan niya pang hinaan ang boses para hindi marinig ng katabi ko.






"For your first activity, I will give you 30 minutes to go outside and find a place where you can shoot a short film. A 2 minutes film will do" our prof said. So yeah, this is really what a college life felt like. It's never been easy since then but we will use to it someday, hopefully.





"3 people in 1 group. This is to test your skills when it comes to our major topic in the whole sem. Any themes or topics for your vids will do. You may go pick your group now and go out" the prof added kaya nagsitayo na ang lahat para maghanap ng grupo. I'm totally shocked when bunch of girls were heading to Mr. De Dios, they'd probably ask him if he has a group already.





"Uhm...d-do you have a group already?" the one with those glasses asked.

"Join our group! " the girl with a long hair beamed

"No, not on them. Please join our group!" the other one pleaded. Napakamot naman ng ulo si Mr. De Dios, he then awkwardly smile on the girls. Halos nag impit naman ng tili ang mga ponyeta. Magpapatalo ba ang isang Kreia? Hell no!






The delicate man that capCURED my heartDonde viven las historias. Descúbrelo ahora