22 : CHANGED

320 10 4
                                    

KREIA'S POV

UNPREDICTABLE.

That's how I described Justin De Dios nowadays. Hindi ko maintindihan ang mga galawan niya, nakakalito. Minsan okay kami, minsan hindi. Hindi ko rin alam, basta sumusunod lang ako sa agos marupok ako eh. Justin is a nice man, mahiyain siya pero nakikihalubilo pa rin sa mga tao. Dami na nga ata talagang nai-inlove sakanya eh, kasi maliban sa sobrang gwapo na niya friendly pa siya kahit na mahiyain.

Para siyang mababasaging bagay na hindi mo hahayaang mahulog at mabasag. Sobrang soft din niya pero not in a gay way ha! What I mean is, mahinhin kasi siya kumilos tsaka may pagka-maselan. Alam niyo 'yon? Yung parang takot siyang masaktan kaya pati yung mga tao takot na rin siyang saktan. Ganon! Ewan ko, basta yun yung nakikita ko sakanya. Pero hayaan mong mag-perform yan oh! Sobrang halimaw sa galing! Lalo na sa pagsasayaw!

Ayan tuloy nagkwento na naman ako! Ganito talaga ata kapag malakas na yung tama mo sa tao. Kapag tinamaan ka tatamaan ka talaga ng husto, ponyetang pag-ibig!

"Music prod ulit mamaya Krei" Justin said as we enter the school parking. Kakarating lang namin at gaya nga ng sinabi ko magiging driver niya ako sa isang buwan. Sinundo ko na siya kanina sa bahay nila. Susunduin ko rin ulit siya mamaya sa music prod since on going pa rin ang pagpa-practice nila.

"Sure babe!" I beamed as we went out the car. Ang akala ko ay tutuloy na siya sa building ng music prod pero nagkamali ko.

"Hatid na kita sa room" he said and smiled at me. I smiled back and nodded at him. So, ganito na ulit routine namin araw-araw! Palagi na naman kaming magkasama! Ang saya lang!

"Uyyyyy hinatid ng boyfriend sanaol" Brianna teased when I entered the room, mabuti na lang at nakaalis na si Jah. Umiling na lang ako at ngumiti ng kinikilig sakanya.

I was even more shocked when my classmates are smiling to me, yung para bang nanunukso. Maliban nga lang kila Ysa at sa yawa girls na animo'y nagluluksa sa sarili nilang mga upuan. What's with them? I mean, what's with my classmates? Bakit nagkakaganito sila? Kunot-noo nalang akong naupo sa silya ko. Even Gav was smiling at me na para bang may magandang nangyari sa akin! The hell! Ang creepy nila ha!

"Hoy babae! Alam mo bang bali-balita sa buong campus na ipinakilala ka na ni Justin bilang girlfriend niya?" medyo pasigaw na wika pa ni Qwyn, sumulpot nalang siya bigla sa likuran ko. Hindi ako nakaramdam ni kahit katiting na gulat man lang dahil sa sinabi niya. I expected it already, crush ng bayan si Justin kaya pag-uusapan talaga sa buong campus.

"So what? Dati naman nang usap-usapan yan tsaka proud naman ako" I proudly said and winked at her. Binatukan niya lang ako at sinamaan ng tingin, ponyetang babae nakailang kaltok na kaya 'to sakin?

"Iba na yung ngayon gaga ka! Siguradong dudumugin ka ng mga fans niya ponyeta!"

"As if I'm scared, duh" I even flipped my hair and rolled my eyes. "Tsaka hindi naman ako hahayaang masaktan ni Jah no! Tapos andyan naman kayo eh, handang rumesbak sa 'kin. Diba Gav?" I turned my gaze on him, natawa lang siya at tumango sa akin.

"Whatever!" Qwyn exclaimed and went back to her chair, mainit na naman ang ulo. Baka meron *laughs*

"Anong pinakain mo kay Justin bakit okay na kayo? Ginayuma mo ba? Ha?" Gav jokingly asked, hinampas ko lang siya sa braso at natawa na kaming pareho.

"Gago! Alam mo namang hindi ako matiis non!" natatawa ko pang sabi sakanya.

"Ang sabihin mo marupok ka lang talaga" he fired back while laughing so hard now. Natigil lang ang kaingayan namin nang dumating na bigla ang prof.

Lunch break came and as usual magkasama na namin kaming tatlo nila Gav at Qwyn papuntang cafeteria. Masyadong mainit nga ang tingin ng mga tao sa 'kin ngayon. Kahit yung mga beks ay grabe kung tumaas ng kilay sa akin. Ganon na ba ako kaganda? Lol. Hindi na 'ko magugulat kung mamaya niyan may susugod na lang sa akin bigla.

Ilang saglit pa habang nag-aantay kami kay Gav na bumalik kasama ang orders namin ay bigla na lang napuno ng impit na mga kilig, hiyawan at bulong-bulungan ang buong cafeteria. Nung una nagtaka pa kami kung anong nangyayari pero naalala ko si Justin kaya alam ko na naman ang susunod na mga mangyayari. Napangiti na lang ako bigla ng umupo siya sa tabi ko, nakangiti rin siya sa akin na tila ba masayang-masaya dahil nahanap niya ako.

"Hi babe! Kumain ka na?" I asked him.

"Hindi pa, bakit papakain ka ba?" pot-- alam kong joke lang yung sinabi niya pero! Arghhh here we go again with his jokes! Natawa ako ng bahagya at napahampas pa sa may dibdib niya.

"Kidding! Order muna ako" he chuckled and stood up to order his meal.

"Harot niyo!" asik pa ni Qwyn at napairap nalang sa akin. Bitter. Bakit kasi hindi nalang jowain si JC eh! Bagay naman sila.

"Here you go Qwyn, nakay Justin yung order mo Krei" saad pa ni Gav ng bumalik na sa mesa namin at inilapag na yung pagkain nila. Maya-maya pa ay dumating na rin si Jah kaya nag-umpisa na rin kaming kumain.

"Para tayong nagdo-double date ah" biro ko pa kaya sumama ang tingin sa akin ni Qwyn habang natawa naman yung dalawa.

"Tumahimik ka nga Kreia!" asik pa sa akin ng Qwyn.

"Ay! Si JC pala mahal mo!" natatawang sabi ko pa pero pinandilatan niya lang ako ng mata.

"Sinong JC?" nagtataka namang tanong ni Jah.

"Best friend ni Qwyn" Gav answered

"Jowain mo nalang kasi si JC gaga ka!"

"Language Krei" suway pa sa akin ni Justin kaya natahimik na lang ako.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na rin kami sa room, hinatid na naman ako ni Justin kaya nasa amin na naman ang tingin ng karamihan. Sabi ko sakanya wag niya na 'ko ihatid pero ang tigas ng ulo! Pero sa totoo lang gusto ko naman ih enebe!

"See you later" paalam niya pa bago bumalik sa music prod.

After class, nae-excite na naman akong pumaroon sa music prod at manood sa practice nila Jah. Pagkalabas ko ng room ay tyempo namang nakasabayan kong maglakad si Ysa. Patungo na rin ata siya roon kaya sasabay na lang ako.

"Ysa! Papunta ka na ring music prod? Sabay na 'ko sayo" bungad ko pa sakanya kaya nagulat pa siya ng bahagya. Umasa akong sasagot siya sa tanong ko pero nagulat ako nang irapan niya lang ako at naglakad ng mabilis para hindi ko na siya maabutan pa. Bakit ganon na yun? Parang nag-iba na yung pakikitungo niya sa akin. Simula nung naging okay na kami ulit ni Jah naging mailap na si Ysa sa akin, ano kayang problema niya? Dati naman nagkakasundo kami pareho ah!

It's like she changed a lot. Pero wag ko muna pangunahan baka may problema lang talaga yung tao kaya naging ganon.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

The delicate man that capCURED my heartWhere stories live. Discover now