32 : NORMAL

285 9 3
                                    

KREIA'S POV

And we’re all back to normal, I guess. Bibigyan ulit kami ng 1 week upang makapag-review para sa darating na finals. Hell week is coming again. Magt-third year college na rin pala kami, time really flew so fast.

“Marami ng students sa lib, sa field na lang tayo Jah?” tanong ko sakanya nang makabili na kami ng snack sa cafeteria.

At dahil umpisa na nga ng review week ay nagkukumpulan na ang mga estudyante kahit saan para mag-aral, lalo na sa library. Hapon na ngayon kaya malamang ay hindi na masyado masakit ang init, may iilan din namang puno sa bawat gilid at sulok ng field para may masilungan kahit papaano. Siguradong doon na nga mismo ang tungo namin ngayong dalawa.

“Hintayin mo muna ako sa may hallway, cr lang ako saglit” pagpa-paalam niya pa kaya naiwan ako at dumeretso na lang sa hallway.

Hindi na naman namin kasama sila Qwyn at Gav. Siguro naglakwatsa na naman si Qwyn at si Gav naman ay sumama na muna sa mga tropa niya sa kabilang section.

Habang naghihintay kay Jah ay napatanaw ako sa field, saktong sakto kaunti lang ang mga estudyanteng naroon. Less noise.

“Hi bitch, long time no fight. Did you miss us?” I rolled my eyes as I heard them laughing at my back. Yawa girls, here they come again.

“Why would I even miss those fucking ugly faces, huh?” I scoffed, still not facing them.

“Noong umulan ba ng kalandian nasalo mo lahat ha, Kreia? Face us bitch!” Yen started to laugh hysterically. Doon ay agad akong napaharap sakanila habang nakangisi.

“Kahit mga student sa MUDM talagang pinatos mo pa ha! Hindi na nakuntento kay Justin, what a freakin’ slut!” Ara rolled her eyes. Oh come on, did they really think that I’ll be affected with their words?

“Hindi ka makasagot kasi totoo? Gaga ka pala e” Weah bursted, tanging nagawa ko lang ay ang tumawa sa mga litanya nila. Baka pag nagsalita ako tiklop ‘tong mga ‘to.

“Anong nakakatawa bitch? Are we joke to you?” dagdag pa ni Aya na mukhang umuusok na ang ilong pati tenga sa galit.

“Are you all done talking about nonsense things?” maarteng humikab pa ako para inisin sila lalo.

Nanlisik agad ang mga mata nila sa galit. Ni wala pa nga akong ibang sinasabi, kakat‘wang sila ang sumugod-sugod sa akin rito pero sila pa ‘tong parang inagrabyado agad. Humikab pa nga lang ako e.

“Pwede matigil-tigilan niyo ‘ko sa kaartehan niyo? Kasalanan ko bang lapitin ako lagi? Tanggapin niyo na lang kasing mas maganda ako sa inyo, mga panget!” natatawa ko pang sabi sakanila.

“Ah ganon? Halika rito—” sasabunutan na sana ako ni Yen pero agad ko namang nahawakan ang kamay niya. Sinubukan din akong sugurin ng tatlo pa pero sabay-sabay ko rin silang nasipa sa mga binti kaya namimilipit silang napahiga sa sahig.

Kung hindi pa titigil ang mga ‘to, ewan ko na lang kung anong magagawa ko pa sakanila. They’re really testing my patience. Tinulak ko rin si Yen sakanila kaya nakahiga na sila ngayong apat.

I tsked “Ano? Siguraduhin niyong sa susunod na sumugod ulit kayo marunong na kayong lumaban ha? Mga pukinginang hayok na hayok sa saging!” pagtatapos ko sa laban saka tinalikuran na agad sila. Well done bitches!

Umalis ako sa hallway at doon na lang naghintay sa may sink sa labas malapit sa cr na pinasukan ni Jah. Ilang minuto pa ay lumabas na rin siya at nagulat na naroon ako sa labas. Ginawan ko na lang ng ibang rason kung bakit ako umalis sa hallway na ‘yon. Buti nga at di niya kami naabutan na nag-aaway roon.

Pagdating namin sa field ay nagbuklat agad kami ng reviewer at nag-umpisa nang magbasa. At dahil hindi kami naka-uniform ngayon ay humiga ako sa damuhan para mas komportable. Si Justin ay nakasandal lang sa puno at tahimik na nagbabasa.

“Dito ka” he tap his lap after a while, gusto niyang ihiga ko ang ulo ko sa binti niya na agad ko namang ginawa. We stayed like that for about 2 hours I guess, na puro lang pagrereview ang ginawa.

Nang mapagod ay kumain na muna kami ng snack na binili namin sa cafeteria, buti na lang at may stall sa labas ng mismong field. May nagbe-benta ng palamig kaya pumila na rin kami at bumili.

“Isang mais con yelo at chocolate na shake po” sabi ni Jah at nagbayad na rin. Pagkatapos ay bumalik na rin kami sa loob at naupong muli sa damuhan.

“Bagay sayo yung iniinom mo, babe” pagbibiro ko pa.

“Bakit?” nagtatakang tanong niya.

“Kasi corny ka”

Pabiro niya ‘kong sinimangutan at inirapan ng mga mata na ikinatawa ko pa lalo. Mga bandang alas sinco ng hapon ay naisipan naming umuwi na. Sapat naman na siguro ang naaral namin ngayon at may anim na araw pa kami bago ang sakuna.

Balik na rin ulit kami sa dati kung saan, siya na ang naghahatid sundo sa akin sa bahay palagi. I sighed, the good old days where it all started. Nag-umpisa sa banggaan ng kotse tapos humantong na kami sa ganito. Kinikilig ako. Parang hindi pa rin ako makapaniwalang nililigawan na ako ng isang Justin De Dios na dati ay hindi man lang ako binibigyan ng pansin! I do really trust my charms in the first place so yeah, I really love the outcome of my kalandian.

“Sakit ng mata ko” pagrereklamo ko habang naglalakad na kami papuntang parking. Totoong sumakit ang mata ko sa pagbabasa, naiwan ko kasi ang glasses ko.

Pagdating namin sa parking ay pinagbuksan niya agad ako ng pinto ng sasakyan niya. At bago pa man niya tuluyang isinara ay tumapat pa ito sa akin saglit. Sabay yuko para bigyan ng halik ang dalawa kong mata.

“Does it still hurt?” he asked, I smiled sweetly before shaking my head. Ginulo niya pa bahagya ang buhok ko bago umikot para maupo sa driver's seat.

Sa mga sumunod pa na araw ay ganoon pa rin ang nangyari, itinuon talaga namin ang pansin sa pag-aaral. Hindi ako ganito kasipag noon kung mag-aral pero ng dahil kay Justin ay nagsu-sunog talaga ako ng kilay ngayon. Ginaganahan kasi akong mag-aral kapag nasa tabi ko siya at sabay kaming nagre-review. Couple goals.

“Hoy bruha! Last day na ng review week tas ngayon ka lang lumitaw, lakas mo ah!” asik ko kay Qwyn nang maupo ito sa harap namin ni Justin. Nasa field ulit kami at pakiramdam ko’y ngayong araw lang kaming mabubuong ulit na apat.

“Sa bahay ako nagreview” maikli niyang sagot at umirap. Hindi nga ako nagkakamaling magsasama kami ulit ngayon dahil sa hindi kalayuan ay natatanaw ko si Gav. Tumatakbo ito palapit sa gawi namin.

“At ikaw loko ka, san ka rin galing at ngayon ka lang din lumitaw?” si Justin na ang nagtanong sakanya nang makalapit na ito sa amin.

“Diyan lang sa tabi-tabi” sagot ni Gav sabay ngisi.

Ang pagre-review sana ng sabay ay nauwi na naman sa mga katarantaduhan namin. Di bale at may sabado at linggo pa naman para sa final na pagre-review. Pero muntik na namang magka-ayaang uminom, mabuti na lang at napigilan ni Justin. Matino talaga ‘tong bebe ko na ‘to.

“Sa bahay ka raw mag dinner bukas sabi ni mama. Naipag-paalam na rin naman kita sa parents mo” bigla ay sabi ni Justin habang nagma-maneho pauwi. Nagulat ako at biglang kinabahan, mame-meet ko ulit yung family niya. This time, whole family na ata talaga kasi dinner eh.

“It’s a family dinner since uuwi ang isang kapatid ko...And I’ll officially tell them that we’re dating already”

———————————————————————

The delicate man that capCURED my heartWhere stories live. Discover now