17 : STOP

287 11 3
                                    

KREIA'S POV

"No, we're not going to the bar" Gav said as he drove the car nowhere. I pouted as I remember a familiar scene like this. That night when I wanted to sneak out but Jah didn't want me to go to the bar also.

I placed my elbow on the window and put my hand on my face, looking outside trying to enjoy myself with the view that we keep on passing by. 'But Jah was still my best view' Damn it! Noong mga nakaraang buwan lang ay siya yung nandito at kasama ko. Well, starting from now dapat alam ko na na magbabago ang lahat.

We stopped by at the nearest convenience store and Gav told me to get what I want so, I went straight to the liquor section.

"Silly girl!" Gav chuckled and messed my hair a little, I glared at him. Masyado naman ata akong bine-baby neto.

"You want soju or just beer?" I asked him showing the soju and root beer. Atat na atat na talaga akong uminom! Na miss ko 'to! Sana miss din ako.

Gav get 10 bottles of soju and 10 cans of root beers, my eyes sparkled and my mouth became watery. After getting those drinks, we went to the junk food corner and get some of it. Nae-excite ako, saan kaya kami iinom? Saan kaya ako dadalhin ni Gav?

Our class ended early, so the time now is just 4 in the afternoon. Masyadong maaga pa para uminom pero keri naman. Kasalukuyang nagbabayad kami ngayon sa counter ng mga pinamili namin. Sabi ko kay Gav ay ako na ang magbabayad since ako naman nag-aya pero binayaran niya lahat. Ang galing.

"Saan na tayo ngayon?" I asked him as we entered the car.

"You'll see" he answered and smiled at me showing his dimples, I giggled. Gwapo.

Gav is a handsome guy, he has this tanned skin that attract others, hindi katulad ng kay Jah na sobrang puti gaya ng snow. His hair was a bit long and it is curled, Justin's hair is short and straight. Gav has a thick eyebrows, long eye-lashes, pointed nose and a bloody red lips. While Justin has this a lil bit thick eyebrows, also a bit long eye-lashes, super pointed nose na pwede ka nang mag-slide and a pinkish lips. Pero teka, bakit ko nga ba sinasali si Jah sa usapan e, si Gav yung nandito? Hays. I kept on thinking of him anywhere, everywhere.

'Gusto mo naman e, gusto mo namang lagi akong nakadikit sayo diba? Ngayon bakit nagrereklamo ka na?'

'Gusto mo naman e, gusto mo namang lagi akong nakadikit sayo diba? Ngayon bakit nagrereklamo ka na?'

That keeps on running in my mind, mga salita niya kaninang tila dumurog sa buong pagkatao ko. I felt the side of my eyes became watery again. I had to close my eyes to supress my tears from falling again. Sobrang hapdi na ng mga mata ko, nakaramdam agad ako ng antok at tuluyan nang nakatulog habang nagba-byahe.

Nagising ako sa mahinang tapik sa balikat ko. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at ginala ang paningin sa paligid at ganun na lamang ang gulat ko nang makita si Qwyn sa bintana ng sasakyan at nakatitig sa akin. What the hell? Bakit siya nandito? Inilibot kong muli ang paningin ko at doon ko lang halos na realize na nasa beach kami! Halos tumalon ako palabas ng sasakyan dahil sa sobrang tuwa!

But memories of Justin and I suddenly appeard in my mind. Right here, just right here at this exact place where we are. I remembered his stares at me, his care, the moment when we took some pictures using the sunset as our backdrop. Everything. I remembered everything.

"Hoy!"

"Ay yawa ka!" I got startled by Qwyn! The heck! Nagse-senti pa 'ko e. Sinamaan ko siya ng tingin at tinawanan niya lang ako. Hinanap ng paningin ko si Gav at nakita ko siyang andon na sa baba malapit sa may dalampasigan at may kasama pang isang lalake. Inaayos nila ang telang mauupuan namin at hinanda na rin ang mga inumin at pagkain. The other man faced and wave at us, doon ko lang nakita ng tuluyan ang itsura niya. It's JC!

"How..." I darted my gaze at Qwyn out of confusion.

"Gav messaged us" she answered and pulled me, bumaba rin kami sa maliliit na hagdan ng semento at tumungo kila Gav. Right, akala ko magbe-breakdown ako mamaya pero being with these people? They just saved me from drowning at my own thoughts that's giving me sadness.

Ang akalang magiging malungkot na inuman ay nauwi sa purong kulitan at tawanan kasama sila. They're really fun to be with! Lalo na sila Gav at JC! Naku! Mga tarantado rin kaya tawa kami nang tawa dahil sa mga kalokohan nila. Pansamantalang nakalimutan ko ang lungkot na nadarama dahil sakanila. Dinaluhan na agad namin sila Gav at inumpisahan nang mag-inom.

"Naalala mo yung tapsilugan na kinu-kwento ko sayo sseb?" JC asked Qwyn while laughing a bit. Sseb, kapag binaliktad bess angga-galing.

"Oo! Yung halagang 55 pesos na halos malaki pa itlog mo ro'n!" Qwyn burst into laughters at hindi na rin namin napigilan kaya natawa na kaming lahat. Mga kalokohan talaga nila ponyeta! Sumasakit na ang tyan ko sa kakatawa!

"HAYUP NA TAPSILUGAN!" Qwyn and JC shouted and all of us laughed so hard.

We paused our inuman session when the sun is already setting. Nakaharap kami ngayon sa dagat at manghang-manghang nakatitig sa papalubog na na araw. Sighed, I was thinking of Justin again. Ano na kayang mangyayari bukas? Sa mga susunod pa na mga araw? I'll expect changes ofc! Dapat alam ko na na magbabago na pakikitungo ni Justin sa akin. It will never be the same again just like before, I guess.

I had enough. Susubukan ko nang lumayo, susubukan ko nang wag tumitig sa mga mata niyang mapupungay. Susubukan ko nang wag dumikit sakanya, susubukan ko ng wag maging marupok pagdating sakanya.  Susubukan ko nang iwasan ang mga bagay na posibleng makakapag-padikit sa akin sakanya. Susubukan kong wag nang mahulog ng tuluyan sakanya.

But the question is...kaya ko ba? I mean, napalapit na rin kasi ang loob ko sakanya. And you know that, ever since gustong-gusto ko na siya!

"Hindi pa katapusan ng mundo ghorl. Wag ka mawalan ng pag-asa" Qwyn interrupt again, I just rolled my eyes.

'I will make you fall in love with me below your standards! Just wait and see babe'

My messaged for him last time flashed in my mind, mga panahong pursigido pa talaga ako sakanya. Should I give up now? or I'll prove to him that I will really make him fall in love with me below his standards? Damn it! Bahala na! Ponyeta kasing Qwyn ginugulo ang isip ko! Wag daw ako mawalan ng pag-asa, tss!

"Taya!" Gav suddenly tapped my shoulder, what the hell? Nakatayo na silang tatlo ngayon at natatawang hinihintay ako. Maglalaro ba kami? Habulan? A smile crept on my lips, I want some fun!

We ended up chasing each other and having so much fun on the sand. Natatawa ako kasi nakahiga na kaming lahat ngayon sa buhanginan habang hingal na hingal dahil sa kakatakbo. Kinikilig din ako kila Qwyn at JC mga yawa nakaka-bitter! Sigurado bang mag bestfriend lang 'tong mga 'to?

"Uyy may inggit sa gedli" bumangon si Gav at naupo sa tabi ko, napabangon din ako at sinamaan siya ng tingin. Kanina ko pa kasi pinapanood sila Qwyn habang naghaharutan sa kabilang banda. Kumuha ako ng isang root beer sa lagayan at tinungga ito.

"Hindi no!" pagtatanggi ko pa kahit ang totoo ay naiinggit talaga ako. Napabusangot ako at naalala na naman si Justin.

"Can you just please stop thinking of him? Kahit ngayon lang" Gav turned dead serious while saying that, I'm shookt! Tila nabasa niya ang iniisip ko. I flashed a sad smile and drink on my beer again. How? 'cause I just can't stop thinking of him.

"I just can't...stop" I flashed a fake smile again.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

The delicate man that capCURED my heartWhere stories live. Discover now