36 : HOME

227 8 1
                                    

KREIA'S POV

I spent my two days inside daddy’s studio, memorizing every inch of works and roles of every people in the inside. He’s happy because I visited him and did some works that I know like editing pictures and videos, also practicing my skills in filming. I had a chance to let him see my draft works.

“This is superb, anak” daddy said after invading my works. “I’m so proud of you, future CEO of VALENTINE Company” he proudly said and smiled after.

“No, daddy. Future DIRECTOR of this company” pagtatama ko pa sakanya.

“You can do both, I know you can.”

“Si ate na lang dad, you can train her also” I suggested but he just sigh.

“Alam mo namang walang hilig sa ganito ang ate mo kaya nag take ng law diba?”

That hit me, oo nga pala. She’s a graduating law student in the next school year. Though my parents supports her for what she wants to do naman. We have our freedom in choosing our own career, hindi kailanman naging mahigpit ang mga magulang namin sa amin.

Tungkol naman sa gagawin kong team sa loob ng kompanya namin ay inaprubahan naman agad ni daddy. He knows that I am really eager when it comes to this for this is one of my goals in life. I can already picture out my future directing some films, music videos, movies, and etc. Can’t wait for that time to happen.

Friday morning came, I woke up early so that I can still go to our company to roam around again. Daddy left already, kaya susunod na lang ako maya-maya pagkatapos ko mag breakfast. Kaya maaga ako ngayon dahil mamayang hapon ay kila Jah naman ang punta ko since I promised him that I’ll come, saka miss ko na rin sila tita.

I was about to go downstairs when I heard some noises down in the living room. Dali-dali akong bumaba dahil naririnig ko ang sigawan nila mommy at ate, mukhang nagtatalo pa nga sila.

“Bakit inumaga ka na naman, Reanne? Hindi lang isang beses ‘tong nangyari ah!” mom exclaimed.

“Ma, I told you I am studying some cases kaya lagi akong inuumagang umuwi” pagpapa-intindi pa ni ate sakanya.

“Gawain ba ‘yan ng isang estudyante? Hindi ka pa isang ganap na abogado tapos ganyan na! Saan ka natutulog, sa boyfriend mo ba? Ha?”

“Why are you so fucking mad when it’s for my studies naman? Si Kreia nga, si Kreia na halos ginugol buhay niya sa katarantaduhan noon pero hindi niyo naman nagawang punahin?! Bakit?” tears escaped in Reanne’s eyes.

“Ate, stop it. Don’t you dare shout and cuss mommy again or else!” hindi ko na napigilan at dinaluhan si mommy na galit na galit na ngayon kay ate.

“There she goes, your all time favorite child ever since!” dinuro ako ni ate saka bahagyang tumawa habang patuloy ang paglandas ng mga luha sa pisngi niya. “You will never understand what I feel, Krei. So shut the fuck up ‘cause you don’t know anything”

“Wag mo masali-sali kapatid mo rito, Reanne!” asik ulit ni mommy.

“Why not? Ayaw mo ba masaktan ‘yan kaya ako lagi niyong nakikita? Sabagay, ultimo paghihirap ko nga sa pag-aaral ginagawa niyong mali”

“Ang sa akin lang naman, pwede namang magpahatid ka pagkatapos niyong mag-aral hindi ba? I was just worried, you might get—”

“Get what? Get pregnant?” Reanne shouted again. “Ma! Can’t you trust me enough?” Reanne bursted out, she then turned her back and ran upstairs.

Inalalayan ko si mommy na maka-upo sa couch habang hinihilot niya ang sariling sentido. She might got stressed after what happened. Hindi ko tuloy alam kung tutuloy pa ‘ko papunta sa studio.

The delicate man that capCURED my heartWhere stories live. Discover now