Chapter 24 - Officially Missing You

147 16 13
                                    

Vice's point of view:

Sumandal ako sa may balkonahe ng kung saan kami na muna nanatili. Tinignan ko lang ang maaliwalas na dagat.

Kakarating palang naming kaninang umaga dito sa Bohol.

Dahil nga malapit na ang aking kaarawan ay nag desisyon ako na pumunta dito, upang magdiriwang at makapagpahinga narin.

Sobrang ganda ng napili ko lugar. Nakakarelax dito.

"Bonita!" Pagtawag ko.

"Yes, Meme?" Tanong niya habang nagseselfie siya.

Gandang-ganda sa sarili ang bakla, cheretz!

"Can you take a photo of me please?" Medyo may paarte ko utos.

"Okie." Nag-pose ako. "Taray, Meme! Para kang vavae." Sabi niya habang kinukuhan niya ako ng trato.

"Tch! Ako pa??? Charot lang!" Sabi ko tapos lumapit sakanya upang tignan ang larawan. Ang ganda ko naman. Kinuha ko na sakanya ang telepono ko at nagpost sa IG.

Yung nakapagpost ako ay napansin ko yung unang naglike kaya kumunot noo ko.

Hinanap ko siya ngunit dumami ang notifications kaya nag-lag phone ko at hindi ko na mahanap.

Ewan ko ba, pero nahiya ako bigla...


Jackie's point of view:

"Kaya pala wala siya Showtime kanina..." Sambit ko habang nakatingin sa bago niyang post pagkatapos ko i-like. Tinignan ko kasi IG niya, nagtataka lang ako bakit wala siya kanina.

Naka one-piece na swimsuit siya. Mas mukha pa siyang babae kaysa saakin. HAHAHA!

Saan niya kaya tinatago yung...

Teka lang, ba't ko ba iniisip yun???

Bigla ako napahalakhak nung naisip ko yun. Ano ba yan, HAHAHA!

"Tawang-tawa beh, ah???" Sabi bigla nung may tumabi sakin. "Ano ba yan?"

"Wala! HAHAHA!" Nagulat ako nung bigla niyang kunin phone ko. Ay putek!

Bigla nalang siya napangisi.

"Huli ka!" Sabi niya.

"Madc namaaaaaaaaaaan eh! Akin na yaaaaan!!!" Sinubukan kong abutin kaso mas nilayo niya sakin.

"Ikaw, ah? Ayieeeeeee!" Pang-aasar niya. "Nag-stalk ka siguro, noh???" Sabi niya kaya bigla ako namula.

"Hala, hindi kaya!"

"Asus! Namumula ka." Pang-aasar niya pa.

"No!" Sabi ko habang pumapadyak.

"Oy, ano nangyayari?" Pag-sulpot ni Melvie sa tabi ko.

"Tignan mo to, oh!" Sabi ni Madc sakanya at ginawa niya naman. Napangisi din siya.

Humalukikip nalang ako at ngumuso. Nabunyag na tuloy, argh!

"Miss mo na siya, noh?" Tanong ni Melvie na may panglolokong ngiti at mata.

"H-hindi ko siya, Miss! Sadyang nadaan ko lang ang mga post niya kaya tinignan ko. At tsaka, ba't ko siya mamimiss? Ano ko ba siya?!?" Sabi ko habang nakaiwas tingin sakanila.

"Tsss... defensive." May sinambit sila ngunit hindi ko naintindihan. Nainis ako bigla nung tumawa sila.

"Madc and Melvie naman eh! Ba't ba kayo tumatawa?" Parang bata kong tanong.

Sa Ngalan Ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon