Warning: Contains bad language
Jackie's point of view:
Naramdaman ko ang lambot ng kama ng hinihigaan ko. Sobrang sarap parang nasa clouds ka. Inimulat ko ang mata ko at nakita ko ang puting kisame.
Hala...Nasa heaven na po ba ako???
Tinignan ko ang paligid ko. May nakita akong kurtina na kulay black.
"Ay! Akala ko......." Bulong ko. Pansin ko rin na nakapalit na ako ng damit. Pero may na-realize ako.
.
.
.
.
.
."WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!"
Vice's point of view:
"Jackie!!!"
Nakatingin siya sa parating na kotse.
Nung palapit na ang koste ay bigla nalang——
"Oh my god, Jackie! Muntik ka na mamatay!!!" Sabi ko habang nakayakap siya sakin. Mabuti na lamang ay nahila ko siya agad. Bigla nalang naiyak ako sakanya.
"Vice...." Sambit niya.
"Paano nalang kung namatay ka...?" Sabi ko habang tumutulo ang luha ko. Bigla ko na lang naramdaman ang balat niya.
Shet! Nilalagnat siya.
"Jackie? Okay ka lang?" Hindi kasi siya gumagalaw. Tinignan ko siya. Nawalan siya ng malay!
"Fuck."
Binuhat ko siya at dinala sa kotse ko. Nilagay ko siya sa likod. Buti nalang may dala akong blanket dito. Nilagay ko sakanya yun.
Pumunta ako sa harap at ini-start ang kotse. Nag drive na ako. Dun nalang siya muna samin
Oo, dun sa bahay ko.
Nag-drive nga ako papunta dun. Binuksan ko yung radio. Medyo nakakaboring kaya pag-walang tugtog tapos medyo traffic pa dito sa SLEX.
Naisip ko yung nangyari kanina.
Hayyyy...dai
Parang nasasaktan rin ako. Sanay naman na ako sa ganito pero para sakanya....
Hindi ko alam.
Tinignan ko lang ang bintana na nasa gilid ko habang di pa gumagalaw ang kotse.
Ulan ng ulan!
Nakikisabay yata sa kalungkutan niya ngayon.
"I can't fight this feeling, any longer...."
Theme song namin ni Jackie yan ah!
Ano nanaman pinaparating neto?
Dami mong iniisip!!!
Di ko nalang pinansin yun. Napansin ko panay notificate ang cellphone ko. Puro mga messages ng mga damuho!
Hindi ko nalang sinagot. Nagdra-drive ako eh!
...
Nakarating nga ako sa destination. Wow, destination!
Hayy, I'm home! Char.
Tinignan ko naman ang bahay ko. Wala naman nagbago. Lumabas na ako ng kotse. Mabuti na lamang ay humina na ang lakas ng ulan. Pumunta ako sa likod at binuhat si Jackie.
Ang bigat ng vavaeng twooooh!
Pumunta na ako sa gate. Nag-door bell ako. Naghintay ako ng ilang minuto bago may nagbuksan ng gate sakin.
BINABASA MO ANG
Sa Ngalan Ng Pag-ibig
Romance"Willing to fight for love?" | On-going Jackque Gonzaga, also known as "Ate Girl", the dancer of the famous noontime show called "It's Showtime". One day, she fell in love with the famous unkabogable box-office superstar, who turned out to be her l...