Chapter 2 - Holding Hands While Walking

249 15 5
                                    

Jackie's point of view:

Hindi ko maiwasang isipin kung sino yun. Kagaya ng sinabi ko kanina, ayokong mag-assume pero bakit kasama niya yun? Ang sabi niya busy siya?

Sa sobrang dami kong iniisip ay hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tinatawag ni Ate Vice.

"Jackie! Huy Jackie! Tulala ka nanaman diyan."

"Ay sorry! Hehehe." Kunwaring pagtawa ko.

"Ikaw ah! Kanina ka pa ganyan" Tumawa rin siya ng konti. "May kailangan ka ba bilhin? Pag may kailangan kang bilhin, sabihin mo sakin."

"Wala naman po ako kailangan bilhin"

"Sure ka, ah?" Tumango naman ako sakanya. "Tara ikot pa tayo!"

Hinawakan niya ang kamay ko. Naka HHWW kami.

(Holding Hands While Walking)

Dahil sa ginawa niya, ay napatulalala nalang ako sa kamay ko at kamay niya na nakahawak kamay. Mabilis kong inalis ang paningin ko doon.

Kahit naiilang ako ay hinayaan ko nalang. May naririnig pa akong mga taong nagbubulungan habang dumadaan kami.

"Huy! Ang sweet nila oh" Sabi ng nagbubulungan.

"Oo nga eh! Ang cute."

"Nakakainggit!"

"Mag-jowa ba sila?"

"Mag-jowa yan! Tignan mo na ka HHWW pa sila. Ang sweet!"

Huh? Porket naka holding hands together ay mag-jowa na?

'Wala ngang kami eh.'

Nung narinig ko yun ay gusto kong tanggalin yung kamay ko kaso ang higpit ng hawak niya.

'Anong trip nito?'

Dahil sa higpit ng hawak niya non ay bigla ako nakaramdam ng kuryente. Napabitaw kaming dalawa.

"ARAY!" Pabakla niyang sabi.

"Ouch! Sa'n galing yun?"

"Ewan ko sayo!"

"Wala naman ako ginawa, ah?"

"Ito naman. Joke lang Ate Girl" Sabi niya. Hinawakan niya ulit kamay ko. Na parang wala lang."Oh gora na!"

Ewan ko ba kung bakit ko nanaman maghawak kamay kami. Oo, hindi ito first time pero hindi ganun katagal. Tsaka kami lang to oh!

'Ano nanaman naiisip mo self'

Vice's point of view:

Kanina ko pa gustong tumawa dahil sa mga bulungan ng mga tao. Kaysa mainis ako napapatawa nalang ako ng palihim. Hindi naman mapapansin yun dahil nakamask naman ako. Napapansin ko rin si Jackie naiilang kanina.

Natatawa ako di' ko nalang pinahalata. Trip ko lang asarin to. Gala lang kami ng gala sa mall. Tingin-tingin doon. Bili-bili kami—I mean ako. 'Hehe! Wala pa pala siyang binili'. Pajuliet-juliet lang kami dito.

Habang nagtitingin ay may nakita akong dress.

Ganda naman niyan. Parang bagay to kay ano... Hehe!

"Jackie!" Mahina kong pagtawag sa pangalan niya. Lumingon naman siya.

"Ano po yun?"

"Lika dito. Dali!" Pumunta naman siya.

"Ano yan?"

"Dress malamang!"

"Eh, ano pong gagawin mo diyan?"

Sa Ngalan Ng Pag-ibigWhere stories live. Discover now