Chapter 5 - Meme and Jackie bonding!

204 12 0
                                    


Jackie's point of view:

"Jackie! Tigilan mo ang pace-cellphone mo."

"Eh naglalaro ako eh!" Nakangusong sabi ko kay Vice habang naglalaro ng games dito sa couch.

"Kailangan mo magpahinga, para may lakas ka." Sabi ni Vice na para bang isang nanay na tinatalakan ang kanyang anak. 'Oo nga pala. Meme pala toh!' Wala na ako nagawa kung hindi tigilan ang paglalaro ko. Pumunta na ako sa kwarto at nahiga.

'Kala mo naman nagkasakit ako. Char'

"Hmp."

Kanina pa yan nandito sa condo. Sabi niya aalagaan niya daw ako, sabi ko naman wag na. Ngunit, nagmatigas siya. Aalagaan niya daw ako. Na-appreciate ko naman pero nakakahiya. Baka kasi sabihin feeling close eh o ano eh. Tapos medyo magulo condo ko ngayon. Hindi kasi nakalinis nung mga nakaraang araw dahil sa sobrang busy.

Dahil wala naman ako magawa, ay pinikit ko na ang mga mata ko hanggang sa makatulog na.

...

Hmmm. Ang himbing ng tulog ko. Hinigpitan ko pa ang yakap ko sa unan——wait. 'Humihinga?' Minulat ko ang aking mga mata.



"Ahhhhhhhhhhhhhhhhh?!?" Nagulat ako na si Vice ang kayakap ko.

Vice's point of view:

Pagod na pagod akong umupo sa gilid ng kama. Ang dami ko kasing ginawa. Hindi lang naman sa pag-aalaga kay Jackie kundi meron rin show kanina. Pero, hindi ko naman pinagsisihan na alagaan si Jackie. Nag-aalala ako sobra sakanya kaya naisipan ko ako ang mag-alaga.

I don't know kung bakit hinayaan ko yung sarili ko gawin yun pero, bahala na. Ayaw ko rin iwan to, baka may mangyari sakanya tsaka mag-isa rin lang pala siya sa condo niya. Tinext ko ang mga bakla na hindi muna ako uuwi. Umuwi sila sa bahay ko kaya dinahilan ko nalang na umuwi ako sa condo kong sarili. Baka kasi kung ano pa isipin ng mga yun.

Humiga muna ako sa kama katabi ni Jackie medyo malayo naman ang pagitan namin kaya, okay lang. Pansin kong nakatulog na siya. Humiga ako dahil hindi naman ako kasya sa sofa at dahil rin sa pagod. Idlip lang ako ng konti.

"Zzzzzzzzzz...."

"Zzzzzzz....."

"Zzzzzz......"

...

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!?!"

???

Napamulat ako agad nung narinig ko yung sumigaw. Tumingin ako at laking gulat ko na kayakap ko si Jackie. Agad akong bumitaw sa yakap. Napaupo ako.

"Bayan Jackie! Ginulat mo ako." Sabi ko habang nakahaw sa chest ko.

"Nakakagulat ka kasi!"

"Wag ka kasing ganyan. Vakla twoooo!"

"Eh kasi naman nakakagulat ka! Baka may ginawa ka sakin."

"Oy haleeer! Wag assuming, di tayo talo noh, mars? Sa buhok kong toh! Eh kesa naman humiga ako doon sa sofa." Tumaas ang kilay niya. "Like, hellooo? Ang haba ng biyas ko noh!" Nahihiyang umiwas ng tingin sakin.

"Sorry."

'Umiiyak ba to?'

"Sorry." Sabi niya habang humihikbi.

"Uy..Ba't umiiyak?" Niyakap ko siya. "Shhh. Shhh. Wag ka umiyak. Okay lang, tsaka kasalanan ko naman rin eh. Di ko sinabi sayo nahihiga ako dito." Naku! Para naman akong nanay na nagpaiyak ng bata. Iyakin siguro to? Aish? Dami mong iniisip. Mga ilang segundo ay sa wakas, tumigil na rin sa pagiyak.

Sa Ngalan Ng Pag-ibigحيث تعيش القصص. اكتشف الآن