Chapter 8 - Stalk

160 20 4
                                    

Hopia enjoy reading! Free to vote and comment.

Jackie's point of view:

"I can't come...Someone invited me. M-may meeting lang k-kami." Sabi niya sa phone.

"Kung ganon....ummm sige. Okay lang, kasama ko naman sila Madc."

"I need to go. Bye!" 

"Wait Tom!" Nababa niya na agad ang tawag. Hay.....Busy nanaman siya.

I think ang rami na nagbago, since these past few days. If you kind of think of it, its's really stressful. Hindi ko na alam! I just try to stay positive.

'Wait these situations are kinda familiar. Am I experiencing Déjà Vu?'

'UGH! Jackie you're being paranoid'

Napasapo ako sa mukha nung naisip ko yun. Nag-Tweet nalang ako.

Jackie Gonzaga Tweeted:

Weird....

Pagkatapos ko i-Tweet yun ay pinatay ko na ang phone ko at nag-charge. I just realized na madaling araw na pala.

"Luh? Ganon ba ako katagal nag-isip?" Pagtatanong ko sa sarili ko. Pinagpasyahan ko nalang matulog.

Vice's point of view:

"Anong susuotin mo Meme, sa Saturday?" Tanong ni Bonita.

"Syempre, pang-party. Timang?"

"Toh naman! I mean yung anong isusuot, yung literal."

"Damit, ano pa ba? Alangan mag panty lang ako diba?" Pagbibiro ko.

"Naku, bahala ka nga diyan. Meme." Lumabas siya. Pikon HAHAHA

Scroll-scroll lang ako sa Twitter. Nang may naisip akong tignan. Hmmmmm? Meron naman siguro yong Twitter. Ma-check niya. Nag-type lang ako search tapos...Ayun! Nahanap ko na. Pansin ko na kafollow na siya sakin. Tinignan ko ang recent tweets niya.

"Weird.....Anong weird? Hahahaha."

Tinignan ko pa yung ibang mga tweets niya. Wala naman, mga puro kaemehan lang. Char! Pumunta naman ako ng Instagram at sinearch ulit pangalan niya. Nahanap ko rin. HAHAHA!

Tinignan ko lang yung mga post niya. Nakita ko yung post niya na nagpapasalamat sakin. Yung binigyan ko si ng Vice Cosmetics. Labis naman akong natuwa dun. Nag-scroll pa ako, bigla ko nalang nadaanan ang isang post niya pa. May kasamang lalaki. Yung boyfriend niya, si Tom.

"Hayst....." Pinatay ko ang phone ko. "Ba't ako nawalan ng gana?" Ewan ko ba! Parang naiinis ako na ewan. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba dun sa.....WALA YUN! WALA! NOTHING MORE THAN THAT.

Inis akong humiga sa kama. Nilagay ko yung unan sa mismong mukha ko. Fowtah naman kasi! Ba't naisip ko pa yun.

...

Nagising ako sa silaw ng araw. Agad akong bumangon at tinignan ang phone ko. Maaga pa na man, mga 7 am something pa lang.

Narinig kong may kumatok kaya pumunta ako sa pintuan at binuksan.

"Oh, ano yun?" Tanong ko kay Bonita.

"Ay himala, Me! Nagising ka ng maaga."

"Che! Anong kailangan mo?" Inis kong tanong sakanya.

"Hala! Ang aga-aga, ganyan bungad mo sakin?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Oh eh ano gusto mo.....Anong kailangan mo, Bonita?" Medyo pa-sarcastic kong pagsabi.

Sa Ngalan Ng Pag-ibigWhere stories live. Discover now