Chapter 13 - Back to work

149 21 4
                                    

Free to vote & comment

Vice's point of view:

"Ako na." Akmang lalabas sa siya sa pinto ng kotse. Lumabas ako kasama ang bag ko at pumunta sa kabila. Pinagbukasan ko siya. Lumabas naman siya at nag-thank you.

Pumasok nga kami sa entrance ng bulding. Tinulungan ko siya magbuhat ng gamit niya kasi pansin ko ang dami niyang dala. Tinignan ko ang paligid ko kung may tao. Mukhang wala naman, ilan-ilan lang kaya gumora na kami sa Dressing Room niya muna. Hatid ko lang siya.

Nakatungo na kami sa Dressing Room niya.

"Salamat Ate Vice este Vice!" Sabi niya. Ngitian ko lang siya.

"Welcome. Got your back!" Sabi ko at kininditan siya. Ngunit, nagulat ako nung biglaan niya akong niyakap. Natigilan ako.

"Ba't parang namumula ka?" Hindi ko pala napansin bumitaw na siya.

"Ah eh? W-wala! Wala toh, wala toh!" Kunwaring tawa ko sakanya. Nagtataka naman siya tumingin sakin. "A-ah sige alis na ako. Magme-make up pa ako.." Sabi ko. Tumalikod na ako. Nung nakalayo-layo na ako. Tinakpan ko mukha ako.

"Shuta! Ano ba to! Nakakahiya..." Bulong ko.

Jackie's point of view:

"Ano kaya problema ng baklang yun?"

"Ay, nandyan ka na pala beh!" Gulat ako napatalikod.

"Ate Madc naman eh! Nagulat ako sayo...." Kasama niya pala si Melvie. Nakatingin lang sila na seryoso sakin.

"May hindi ka ba sinasabi samin Jackie?"

"W-wala!" Hindi ko alam tinutukoy niya.

"Talaga ba? Ba't wala ka ng tatlong araw?" Melvie. Hala! Oo nga pala nakalimutan ko. Napasapo ako sa mukha ko. "Ano ba kasi nangyari?" Tanong niya pa. Bigla ako nalungkot.

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Madc. Tumango lang ako. Binatukan niya si Melvie.

"Mali naman kasi tanong mo kanina, yan tuloy!"

"Uy! Ikaw kaya nagsabi na itanong ko yun!"

"Anong sinabi. Huy! Yung kung bakit hindi siya pumasok. Alam naman natin yung dahilan diba?"

"Eh ba't pa natin tinatanong?" Rinig kong Bulong-bulungan nilang dalawa. Napatawa nalang ako.

"Ikaw kasi mali naman tanong mo. Pinaalala mo pa." Inawat ko na agad, baka mag-away at mag sabunutan to. Joke!

"Okay lang ako, wag kayo mag-alala.." Tumigil naman sila.

"Nandito lang kami, ah! Pag kailangan mo ng kausap."

"Oo, dito lang kami."

"Thank you. Napaka-swerte ko kasi nandyan kayo." Nakangiti kong sabi.

"Psh. Kami pa? HAHAHA!" Tumawa lang kaming tatlo. "Tara na. Mag-prepare na tayo baka mapagalitan tayo." Sumabay lang ako sakanila.

...

"Ako ang ko naman ang baklang hindi pumasok ng apat na araw at hindi pa nagpaalam. Grabe ang writers. Hmp! Di tayo bati." Natawa nalang ako sakanya. "Ako si Vice?"

"Ganda!" Sagot ng Madlang People.

"And this is Miss Q and A!" Sabay nilang saad ni Ate Anne kasama sila Bella. Oo, nandito si Bella. Siya yung kumokontra sa loveteam namin pero okay lang. Laptrip nga eh!

Sa Ngalan Ng Pag-ibigWhere stories live. Discover now