Chapter 31 - Condo

178 11 8
                                    

Jackie's point of view:

Dapat ba umamin na ako sa kanya o tama lang yung ginawa ko?

Puno ng panghihinayang at pagsisi ang nararamdaman ko pagkatapos ang nangyari kanina.

Tama lang yon! 'Di ko nga alam kung gusto niya rin ako, eh. Hmp!

Ayoko maranasan ma-reject noh! Sabi daw nila masakit yun eh. Okay lang sana kung ako yung mang-reject pero ako i-reject? Amen na lang po.

Pero paano kung gusto niya rin ako?

Binangga ko yung ulo ko sa table dahil sa mga pinag-iisip ko. Lord, ang gulo po! Huhuhu.

"Ba't kasi ang hirap pag may gusto ka sa bakla?" malungkot na bulong ko. Napatingin ako sa mga kasama ko sa table. Halos lahat sila kasama nila jowa nila. Alam ko na tuloy yung feeling ikaw na lang yung walang jowa sa grupo niyo, hay.

Parang ginantihan ako. Dati ako yung nang-aasar at tumatawa ng todo sa mga kaibigan ko na walang boyfriend or girlfriend tapos bitter, ngayon naman ako yung wala. Partida, hindi pa nila ako inaasar niyan pero gusto ko na maging bitter.

'Walang forever.' saad ng isip ko habang nakatingin sa kanila.

"Ang pait talaga, putek!" Napapikit na lang ako nung uminom ako ng isa na namang shot ng alcohol. Binalik ko sa table yung shot glass. Hindi ko na kaya!

Kita ko napatawa lang sila Wilbert kaya inirapan ko sila. Mga walang hiya, 'di na ako iinom ulit.

"Ayoko na! 'Di ko kaya. Hanggang cocktail lang talaga ako!" wika ko. Tumawa lang sila.

"Huy, nakausap niyo ba si Meme?" tanong bigla ni Nikko kaya nakuha ang atensyon ko. Umiling ang iba.

"Hindi nga eh. Nakakatakot kausapin baka matadyakan ako. HAHAHA!" pagbibiro ni Zeus. Napailing na lang ako, puro talaga kalokohan.

"Huy, grabe ka! Pag tayo narinig," wika ni Nikko tapos napatingin sa likod tsaka binalik ang tingin sa amin. "Pero serious lang, anong nangyari don?"

"Baka heartbroken," sagot ni Wilbert. "Diba ganun siya dati?"

Kibit-balikat lang ang sagot nung iba, samantala naman ako ay napaisip. Heartbroken? May jowa yun ngayon... ha?

"Hindi nga daw nag-attend sa reception ng wedding nila Kuya Billy and Ate Coleen eh. Nag-stay lang daw sa kwarto," sabi naman ni Mccoy. Napasinghap na lang sila.

Nakaramdam naman ako ng pag-alala sa nalaman ko. Is he okay?

"Sasayaw kami, Jackie. Sama ka?" tanong ni Wilbert. Umiling naman ako.

"Hindi na, uuwi rin naman na ako. Sobrang late na," dahilan ko. Kita ko naman na tumango siya.

"Ah, sige. Ingat ka! Tara na, Baby," wika niya. Umalis na siya kasama ang girlfriend niya. Sumama rin yung ibang hashtags sakanila.

Kinuha ko yung tubig sa table at agad na ininum yun ulit.

Napahawak ako sa ulo ko. Alam kong ilang shot lang yun pero uminom pa kasi ako ng isang glass ng cocktail which also contains alcohol rin pero hindi naman ganun katapang katulad nung pinainom sa akin nila Wilbert. Mababa lang alcohol tolerance ko. Paano ba kasi pataasin yun?

Ang sabi daw nila inom lang daw ng inom. Totoo ba yun?

Hays.

Kung nagtataka kayo kung bakit ko kasama sila Wilbert ay kasi sila lang ang ka-close ko. Nakakahiya naman kasi kung sasama ako sa iba, diba?

Sa Ngalan Ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon