Chapter 9 - Celebration

157 14 24
                                    

Okay, dapat next week (Birthday Week) pa ako mag-update pero dahil sa sobrang excited post ko na ngayon. HAHAHA!

Paalala: Ang storyang ito ay kathang-isip lamang. Walang kinalaman ito sa totoong buhay ng mga character at mga pangyayari. Kung meron man ay nagkataon lamang.

Enjoy reading...

- Author Anna


Jackie's point of view:

Saturday na at ngayon na ang celebration mamaya. Sabi daw sa Bar gaganapin ang party. Nakalimutan ko na ang pangalan ng Bar. Sabi daw pagmamay-ari ng isa sa mga hosts yun. Ngunit hindi ko alam kung sino. Marahil, hindi naman binanggit saamin yun.

Walang Miss Q & A mamaya. Medyo nakakalungkot nga lang, hehe! Minsan kasi nakakamiss rin makipagbiruan sa baklang yun. Hahaha!

"Huy, kulang yung girls mamaya. Sino ipapasok natin?" Rinig ko. Si Ate Anne yata yun. May kausap. Napadaan kasi ako malapit sa studio.

"Sino kaya pwede?" Tanong ni Ate Karylle.

Huh?

Dahil sa pagkikinig, hindi ko namalayan nabangga ko yung isang staff.

Ayst! Napaka-chismosa mo naman kasi, Jackie!!! Yan tuloy.

"Hala, sorry po kuya." Pagbibigay paunmanhin sa isang staff. Tinanguan niya lang ako at umalis. Bigla nalang may tumapik sa balikat ko kaya nagulat ako. Paglingon ko ay si.....




Ate Anne!



Kasunod niya si Ate Karylle.

"Ate Girl!" Sabay sabi nilang dalawa habang nakangiti.

"Ay, hehe! Hello po Ate Anne and Ate Karylle." Nahihiya kong sabi.

"Kamusta ka na?" Tanong ni Ate Karylle.

"Okay naman po, hehe."

"Girl, pwede ka ba mamaya sa Funanghalian segment?" Tanong ni Ate Anne.

"Bakit po?" Nagtataka kong tanong.

"Wala kasi yung isang ka-grupo namin sa Girls. Ikaw muna!" Sabi ni Ate Anne.

"Hala hindi naman po ako masyado magaling."

"Kaya mo yan! Diba, nakasali ka na dati?" Sabi at tanong naman ni Ate Karylle.

"Opo." Tanging sagot ko.

"Kaya mo yan, Girl!"

So ayun. Wala na akong nagawa kundi tumango. Kulang talaga sila. Nakaka-awa rin kasi. Although nahihiya ako hehe.

...

Nasa segment na kami ng Funanghalian. Purokatatawanan ang game ngayon. So ibig sabihin, jokes na dapat havey sa Madlang People.

"Ang unang magjo-joke ay sa....Team Girls. Sinong pambato niyo, Girls?" Tanong ni Tyang Amy. Si Ate Anne ang piniling mauna. Siya muna ang magjo-joke. Kalaban niya si Mccoy. So bale, Anne vs. Mccoy.

Habang nagjo-joke sila ay hindi ko maiwasan mapaisip.

Nasa'n yung baklang yun?

Napa-iling na lang ako sa iniisip ko. Napansin ko nanalo si Ate Anne sa unang round. Havey kasi yung joke ni Ate Anne, actually. HAHAHA!

2nd round na kami ng nagsalita si Kuya Vhong.

"Tyang! May humabol!" Sabi niya kay Tyang Amy.

Sa Ngalan Ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon