Chapter 30 - Confession

193 12 10
                                    

Song recommendation for this Chapter: Simula Pa Nung Una by Patch Quiwa or Nangangamba by Zack Tabudlo. Your choice :)))


Jackie's point of view:

"Manong, dito po." Pinakita ko sa Taxi Driver ang address na nakalagay sa phone ko. Tumango naman siya at sinenyasan niya ako na sumakay na.

Nakahinga ako ng malalim pagkaupo ko sa loob. Akala ko malelate nanaman ako.

Kanina naghihintay ako ng Grab. Pinaghintay ako ng kalahating oras tapos kinancel! Ka badtrip.

Mabuti na lang nakahanap na ako ng sasakyan kung hindi ay late na ako.

Madc:

Wer u na?

Me:

Malapit na. Wait, HAHAHAHA! Excited ka masyado.

It's Saturday at pupunta nga pala ako sa Valkyrie. Inimbitahan kami nila Kuya Vhong na pumunta dahil kakabalik lang nila Kuya Billy at Ate Coleen.

Kinasal kasi sila nung April kaya plano daw nung mga Showtime Hosts na magparty kasama ang ilan sa mga parte ng show. Yun ang sabi ni Madc sa akin.

Actually, ayoko pumunta dahil nahihiya ako kaso pinilit ako ni Madc sumama. Kawawa naman daw kasi siya, mag-isa lang siya pupunta kaya wala ako magawa kung hindi pumayag.

Naglagay ako ng earphones. Nag patugtog lang muna ako habang naghihintay.

"Ha, ha, ha hasula," pagkanta ko pero mahina lang. Nakakahiya baka marinig ang maganda kong boses.

Napatingin ako sa bintana nung may biglang tumigil na sasakyan sa kanan namin. Itim ang kulay at tinted yung mga bintana.

Hala, ang ganda naman... Gusto ko tuloy ng ganung kotse tapos kasama mo mag road trip yung mahal mo. Huhu!

Sinearch ko yung presyo nung kotse pero agad kong pinagsisihan yun. Nasira ang imagination ko.

"Someday, mabibili ko rin yan. Hmp!" bulong ko at napasandal na lang sa upuan ng Taxi.

Ilang minuto na ang nakalipas ay narating ko na nga ang Valkyrie. Bumaba na ako pagkatapos ko magbayad.

Medyo marami ang tao sa labas nung bumaba ko. Mukhang naghihintay sila papasukin sila sa loob.

Nag message ako kay Madc na nandito na ako. Sabi ko sa kanya kasi na abangan niya ako sa labas. Ilang minuto na ang nakalipas, ay wala pa rin ako natanggap na mensahe galing sa kanya.

Napag desisyunan kong tumawag sa kanya nung napansin ko na may mga taong nakatingin sakin. Tinago lang ang mukha ko at hinintay si Madc sa pagsagot sa tawag ko.

["The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try again later."] Napangiwi ako nung narinig ko yun. Hala!

Tinawagan ko ulit siya pero wala talagang sumasagot. Ano na nangyari dun? Hayst.

Umupo muna ako sa may gilid para hindi ako nakakaabala sa mga taong nadaan. Maghihintay lang muna ako ng ilang saglit, baka kasi hindi niya naririnig since ang daming tao at malamang malakas ang sound sa loob.

Naglaro muna ako ng mga games sa cellphone ko habang naghihintay ngunit napatigil ako sa paglalaro nung may tumawag sa akin.

"Jackie, you're here pala!" nakangiting sabi ni Ate Karylle.

"Opo, hehe."

"Ba't hindi ka pa napasok?" taka niyang tanong.

"Hinihintay ko po kasi yung kasama ko. Si Madc." Napa 'ooh' na lang siya.

Sa Ngalan Ng Pag-ibigOnde histórias criam vida. Descubra agora