Chapter 4 - Taga-alaga?

185 14 0
                                    

Jackie's point of view:

"Beh, okay ka lang?" Tanong ni Melvie.

"Ah oo. Bakit?" Sagot ko.

"Mukha ka kasing matamlay..."

"Hindi, okay lang ako. Nahihilo lang tsaka napagod kasi kanina sa rehearsals"

"Sabagay. Sure kang okay ka lang ah?" Tumango naman ako.

"Sige. Una na kami!" Pag-papaalam niya. After nun ay nagligpit na ako ng gamit. Mag-isa nalang ako sa dressing room. Nagsabay-sabay na sila pauwi kaya naiwan ako mag-isa. Sa mismong condo ko ako uuwi.

'Agh! Nahihilo ako'

Napansin ko kasi na parang umiikot ang paningin ko. After ko i-aayos ang gamit ko ay lumabas na ako ng dressing room. Papunta na ako sa labas. Habang nasa hallway ay napahawak ako sa pader. Parang feeling ko nagdidilim ang paningin ko. Mas lalo rin ako nahilo. Nang bigla nalang ako bumagsak. Ang huling naalala ko ay may tumatawag sakin at may sumalo sakin.


"JACKIE!!!"







Vice's point of view:

Nasalo ko agad siya bago siya tumama sa sahig.

"Jackie!" Paggigising ko sakanya pero hindi siya magising. Walang tao sa hallway kaya wala akong mahingan ng tulong kaya binuhat ko siya at dinala sa kotse kong dala. Agad kong inistart at lumabas ng building. Pumunta ako sa pinakamalapit na kilalang ospital.

Pumunta agad ako ng Emergency Room habang buhat si Jackie. Batid kong nagulat sila. Agad lumapit ang mga nurse.

"Ano pong nangyari, Miss Vice?" Tanong ng isang nurse.

"Bigla nalang siya hinimatay" Sabi ko habang hinihingal. Nilagay namin siya sa Hospital Bed. Inasikaso naman siya ng mga nurse.

Mga ilang-oras ay dumating na ang doctor.

"Ano po nangyari sa pasyente, Ma'am Vice?" Tanong ng doctor. Kwinento ko naman ang ang pangyayari.

"Tapos nakita ko nalang po siya sa hallway, nahihilo yata. Tapos muntikan na siya tumama sa sahig. Buti nalang nasalo ko agad" Pagkwekwento ko.

"Normally, nagigising ang mga pasyente after mahimatay" Kinabahan naman ako. "Pero dahil sa sobrang pagod ay maaring hindi pa siya magising agad" Dagdag niya pa. "Napagod ba siya kanina?"

"I think po. Nag-rehearsals kasi ang mga dancers kanina" Sagot ko.

"Siguro yun narin ang isa sa mga dahilan kung bakit. Pero, anyways ok naman na po siya. Gigising rin naman yan maya-maya. Tawagin mo nalang po kami pag may kinakailangan" Tumango naman ako at lumabas na siya. Umupo ako sa gilid ng hospital bed ni Jackie.

"Pahinga-pahinga ka rin kasi minsan." Inayos ko ang buhok niyang nakaharang. "Buti nalang nandun ako kung hindi...char."

'Ba't ba laging right timing???'

'Andami mong iniisip Viceral! Buti nga nandun ka eh' Pagsesermon ko sa sarili gamit ang isip. Mga ilang minuto ay hindi parin siya gising.

"Psh. Tulog ka parin. Ano bang pinaggagawa mo? Ba't ka pagod na pagod." Mukha tuloy akong tanga dito. Kinakausap ang isang tulog na Jackie. Dahil sa paghihintay ay hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

May naramdaman ako sa tabi na gumalaw kaya agad ako napamulat. Isang gising na Jackie.

"Buti gising ka na!" Napayakap ako sakanya. Napansin kong gulat pa rin siya sa ginawa ko. Kaya agad ako kumalas. "Sorry hehe." Nagpeace ako sakanya. "Wait lang tawagin ko lang ang doctor."

Sa Ngalan Ng Pag-ibigWhere stories live. Discover now