Chapter 29 - Lemon

137 11 3
                                    

Jackie's point of view:

NAPATINGIN ako sa salamin na kaharap ko. Napasapo ako.

Gusto ko na umiyak!!!

Kanina pa ako nag-iisip kung paano ko ba susuyuin yung Kabayo na yun este si Vice. Ano ba pwedeng gawin kasi?

Napasabunot at napaupo ako sa sahig sa sobrang frustration.

"Pwede bang kainin na lang ako ng sahig?" mahina kong sabi.

"Ayaw ka kainin ng sahig, hindi ka daw masarap," sabi ng kung sino na kinagulat ko.

"Madc naman eh, nanggugulat ka nanaman," reklamo ko habang nakahawak sa dibdib.

"Oh! Binilhan kita ng kape." Inabot niya sakin yung kape nahawak niya. Kinuha ko naman agad ito. "Akala ko sasabihin mo ulit, ano ba Vice!"

Inirapan ko siya sa panggagaya niya sa sinabi ko nung nakaraang araw.

"Biro lang, ang lalim kasi ng iniisip mo," sabi niya pero 'di ko siya pinansin. "Ano bang nangyayari sayo? Kanina ka pang umaga ganyan, ah?"

"Wala may iniisip lang," sagot ko at sumipsip ako sa straw ng Frappe ko. Bigla ako nagulat dun. Ang tapang naman nito!

Mapapagising ka na lang sa katotohanan.

"Ano ba yang iniisip mo?" Napanguso ako. Sabihin ko ba sakanya? Kaso nakakahiya naman kung ako- wait, alam ko na!

"May kaibigan kasi ako tapos nagkatampuhan sila ng jowa niya. Eh hindi daw niya alam kung paano manuyo ng babae," kwento ko kay Madc.

Sana gumana... pero mukang bad idea- argh!

"Wag ng suyuin! Maghihiwalay din naman sila," bitter niyang sabi.

"Madc naman ih!"

"Wag ka nga maggawa-gawa ng kwento tapos yung sarili mo pala ang tinutukoy mo. Di yan gagana sakin, sa dami ko pa namang napanood na K-Drama."

Napakamot na lang ako sa ulo. Di ko naisip yun.

"Paano ba kasi manuyo?" tanong ko.

"Jowa mo ba siya para suyuin?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Joke lang. Alam mo parang pumapareho na kayo ng ugali ni Ate Vice."

"Paano mo naman na sabi?"

"Ganyan din minsan si Ate Vice kaya. Tsaka lagi namin nakikita na magkasama kayo so may possibility na may makuha kang ugali sakanya."

Biglang kumunot yung noo ko. "Namin?"

"Ha? Hatdog?"

"Sabi mo lagi niyo nakikita kami magkasama."

Biglang siya napakagat sa labi at nag peace sign.

"Madc!!!"

"Sino ba kasi ang hindi magtataka na halos every day nawawala ka. Hindi ka na nga masyado nakikipagbonding samin!"

Babatukan ko na sana siya nang may biglang pumasok.

"Guys, rehearsals daw!" sabi ng isa naming co-dancer.

Nakita ko naman napatawa si Madc ng mahina. Napairap at iling na lamang ako.



UMUPO na ako sa gilid ng stage dahil pagkatapos ng limang minuto ay mag-ere na ang show ulit. Maya't-maya ay nagsimula na nga ang segment which is Miss Q & A as usual.

Sa Ngalan Ng Pag-ibigWhere stories live. Discover now