Chapter 23 - Falling In Love

150 17 18
                                    

Jackie's point of view:

"Kuya Buern!" Napansin ko na kasama niya sila Ate Bonita. Ngumiti sila sakin.

"Kuya talaga, ah?" Sabi niya. Natawa lang ako. "Mukhang problemado ka???"

"Opo. Eh kasi po walang kumukuha sakin na Grab tsaka po ang haba ng pila sa terminal." Nakanguso kong sagot. "Oo nga po pala. Ba't po kayo nandito?"

"Ah, kasi may binili pa kami sa pa birthday surprise kay Meme. May kulang kasi eh." Kwento niya. "Ay diba kasama ka sa celebration???" Tumango ako.

"Tara sabay ka na samin para di ka malate!" Sabi niya.

"Sige po. Thank youuu!"

Hindi na ako magpapakipot pa. Baka malate pa ako nito. HAHAHA!



...


I saw him at a place that is full of different flowers. His eyes were focused at the lake.

"V-vice?" He turned around and looked at me. He slightly smiled but remained silent.

"What are you doing here?" I asked with curiosity.

"I want to tell you something..."

"About what?"

He let out a deep sigh. "Kami na."

"What do you mean?" I frowned. Don't tell me-

"Kami na ni..."

Hindi niya natuloy ang sinabi niya nung...

"Ate Girl!" Napamulat ako nung may tumawag sakin at kumakalabit kaya napatingin ako dun.

"Ano po yun, Kuya Buern?" Tanong ko at humikab.

"Nandito na tayo..." Saad niya.

AY NANDITO NA TAYO!?!

Napatingin ako sa paligid at pansin ko na nakahinto na ang kotse. Umupo na ako ng maayos. Nakatulog pala ako sa byahe, di ko man lang namalayan.

Kinuha ko ang aking bag kasama narin ang box na dala-dala ko at bumaba mula sa kotse.

"Hehe. Sorry."

"Akin na yan, Ate Girl. Tulungan na kita." Kinuha niya ang box na dala ko.

"Salamat."

Sinundan ko siya, since hindi ko alam ang daan hehe.

Tinignan ko ang venue. Ang daming tao.

Natago ako sa likod ni Kuya Buern habang papunta dun.

"Oh? Anyare sayo, Ate Girl???"

"Hehe, nahihiya po kasi ako eh."

"Wag ka mahiya."

"Hello, Ate Girl!" Bati ng isa sa mga tao dun. Kinawayan ko lang siya.

"Dito ka Ate Girl, oh." Turo ni Kuya Buern sa upuan at nilagay ang cake sa may table.

"Mamah, nandito na daw si Vice!" Saad ni Ate Bonita kay Kuya Buern.

"Ah sige sige... Sabihan mo na din yung iba." Tumango si Ate Bonita. Kita ko na sinabihan nila yung iba at naghanda na.

Nilabas ko yung cake na dala ko. Hala, wala akong pansindi. Saan ako hihiram? HAHAHA!

Tumingin ako sa paligid ko. Nakita may isang babae na may hawak na lighter kaya lumapit ako dun.

Sa Ngalan Ng Pag-ibigWhere stories live. Discover now