Chapter 12 - Sympathy

158 18 6
                                    

Jackie's point of view:

Tulala lang ako nakatingin sa labas ng bintana. Kita ko ang ulan na patuloy na bumubuhos. Dalawang araw na ako nandito sa bahay ni Vice.

"Oh, Jackie? Anong ginagawa mo diyan?"

"Ay! Ate Vice." Tinaasan niya ako ng kilay. "Este Vice. Hehe!"

"Umiyak ka nanaman ba?" Tanong niya. Umiling naman ako.

Actually, tatlong araw na ako nandito. Hindi niya muna ako pinauwi. Ewan ko ba sa baklang yan, de joke lang. Sabi niya kasi dito muna ako dahil sa nangyari. Nandito parin ang sakit hanggang ngayon, ngunit hindi na ako umiiyak. Hindi kagaya nung mga nakalipas na araw.

*Flashback*

Napamulat at napaupo ako sa kama dahil sa isang masamang panaginip. Napanaginipan ko ang nangyari nung isang araw. Ramdam ko ang mga luha sa pisngi ko.

"Jackie?" Narinig ko ang pagbukas ng pinto. "Jackie, why are you crying?" Lumapit siya sakin at yumakap. Humikbi ako. "Shhhh.....it's okay." He kissed my forehead.

"Ano ba kasi nangyari?" Tanong niya.

"Wala po."

"Anong wala ka diyan? Baliw ka ba? Naku po lord, nababaliw na po itong babae na to!" Sabi niya na parang nanalangin. Natawa naman ako. "Char lang pinapatawa lang kita. Ano ba nangyare?" Hindi naman ako sumagot.

"I understand na ayaw mo i-kwento nangyari rin naman sakin yan, pero kung may problema ka man. Nandito lang ako. I will always be your....your..ehem. Basta!" Sabi niya tapos kinindatan niya ako. Gwapo kahit naka-wig—Wait lang ano nanaman pinagiisip mo Jackie!?! Nababaliw na yata ako.

(A: Nababaliw sakanya—)

Manahimik ka diyan!

(A: Mameh naman ih! Sige na po pagbibigyan kita. Heartbroken ka kasi.)

Pinaalala pa talaga ih!

"Uy!" Naramdaman ko may pumitik sa noo ko. Napa-aray ako dun. "Ba't ka naka-tulala sakin?" I found myself na naka tingin lang sakanya.

"Ako? Nakatulala? Hindi ah!" Pag-iwas ko ng tingin. Napangisi naman siya.

"Nagagwapuhan ka sakin noh?"

"Pinagsasabi mo?!? Hindi kaya."

"Sus!" Nilapit niya mukha niya sakin. Napalunok ako. He staring right in front of my eyes. "Hindi ako gwapo?"

"H-hindi.." Mas nilapit niya mukha niya sakin.

"Talaga?"

"Hind-i..."

"Buti alam mo!" Nilayo niya yung mukha niya. "Kasi maganda ako! Chozzzz."

"Pa feeling si bakla."

"Wushu! Maganda naman ako." Tumayo siya at rumampa. "Oh pak! Pak!" Nag-pose siya na parang model.

"Sige na!" Sabi ko tapos tumawa.

"Divaaaah! Iba ang ganda ko!" Nagpa-flip pa siya ng hair, I mean yung wig niya. Tumabi ulit siya sakin.

*Flashback ended*

"Vice?" Lumingon siya sakin.

"Bakit?"

"Pwede mo ba sakin i-kwento yung.....kasi sabi mo nung nakalipas na araw, naranas mo na yung pinagdadaanan ko." Nakita ko naman na medyo nagulat siya pero binawi niya rin naman. "Okay lang kung hindi hehe."

"Ikaw naman...okay lang. HAHAHA!" Kwinento niya naman sakin.

...

"Kaya ayun niloko niya ako..." Pagkwekwento niya.

"Mahal mo parin siya?" Tanong ko.

"Oo, that time kaso naka-buntis siya ng babae. Kailangan niyang panagutan yun." Sagot niya. "Mukhang mahal niya na rin yung girl so I need to let him go kahit masakit.."

"Mahal mo parin siya ngayon?"

"Hindi na. Tsaka ang tagaaaal na nun. HAHAHA! Nakita ko pa nga sa sinehan yun ih. Kasama yung anak niya tsaka buntis ulit yung asawa niya."

"Ahhh, ayun pala yun." Sabi ko. "Mahal mo pa rin ba siya ngayon?"

Ay, Jackie! Ano nanaman pinagsasabi mo?!?

"Ah eh? Mahal? Joke. Oo mahal ko siya pero noon yun hindi na ngayon. Tsaka ang tagal-tagal na nun. Tsaka masaya na siya! Kaya okay na." Ewan ko ba't naiiyak ako. Pinunasan ko lang yun.

"Oh, ba't umiiyak ka nanaman?"

"Wala. Nakaka-ano lang yung kwento mo." Sabi ko habang pinupunasan yung luha ko.

"Gaga ka! Iyakin mo talaga." Kumuha siya ng tissue at pinunas yung luha ko. "Sadista nga, iyakin ka pa." Hinampas ko lang siya. "Oh divaaah?"

"Ano pong nangyari sayo nung naghiwalay kayo?" Tanong ko.

Parang nagiging pakialamera na ko?

"Wala, vaklush parin. Char!" Pagbibiro niya. "Marami akong na realize at natutunan dahil sa nangyari. Natutunan ko na dapat huwag patagalin ang away, kasi hindi mo alam baka bukas may masama na mangyare. Tsaka dapat nagkaka-intindihan kayo." Tumango-tango na lang ako. "Wag na natin nga pag-usapan yan! Masyadong madrama, dapat happy tayo ngayon."

Komportable na kami sa isa't isa. Hindi kagaya noon, naiilang o kaya nahihiya.

"Tara kain na muna tayo.." Sabi niya kaya sinundan ko siya.

Pumunta kami sa Dining Room. Nakahanda na ang pagkain.

"Bakit po ang dami?" Nagtataka kong tanong.

"Ng ano?" Hinila niya ang upuan at sinenyasan ako umupo dun.

Gentleman—I mean gentlegay. Teka? Ano bang pinag-iisip ko?!?

"Yung pagkain po..."

"Ayaw mo ba?" Tanong niya.

"Hindi naman po. Medyo marami lang, hehe!" Tinignan ko yung pagkain na nakahanda. Nakita ko yung sinigang na hipon. "Sinigang na Hipon!!!" Biglaang sabi ko. Napatakip ako ng bibig. Napatingin sakin si Vice, weirdly. Awkward!

"Favorite mo yan, noh?" Tumango-tango lang ako na nahihiya. Napatawa lang siya. "Ako nagluto niyan!"

"Talaga po?"

"Yup! Syempre nagpra-practice na aketch." Sabi niya.

"Ng ano?" Tanong ko habang humihigop ng sabaw. Ang sarap! Miss ko na yung luto ni Mommy.

"Nagpra-practice maging housewife! Charoooot!"

Hindi bagay...houseband bagay sayo—ERASE ERASE! Wait lang.....

3 araw....

"Halaaa!"

May narinig akong umubo. "Ay fowtah! Ehem. Bakit, anyare!?!"

"Ilang araw na tayong hindi nakakapasok!" Gulat siya napatingin sakin.

"Uu nga noh?" Tumingin siya sa cellphone niya. "Ay bakla. Ang dami palang messages."

"Hala! Lagot ako nito." Kinakabahan kong sabi.

"Akong bahala..."

Napasapo nalang ako sa noo. Lagot ako nito.

—————————————————————————

Thank you for reading! Short update lang muna. Sorry for not updating, I was busy because of online classes.

Free to vote and comment po!

Hopia like it and see you next update.

- Author Anna

Sa Ngalan Ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon