Chapter 21 - Card

141 15 2
                                    

#SanaolNalangKayAte

Jackie's point of view:

Habang nag-iikot ako sa mall ay nakakita ako ng isang cake shop. Tinignan ko yung cake shop at mukhang maganda naman yung mga binebentang cake.

Pumasok ako at tumingin-tingin. Bigla ko natuon yung pansin ko sa isang cake.

Perfect!

"Ate, magkano to?" Napalingon yung sales lady sa akin at lumapit.

"Yung ano po?" Tinuro ko yung chocolate cake na may design na roses pero chocolate din. "One thousand pesos nalang po yan. Dapat po five thousand pesos po yan, pero 6th Anniversary na po ng shop namin. Kaya one thousand nalang po." Tumango-tango lang ako.

Tamang-tama three thousand pesos budget ko, hehehe!

"Sige po, Ate. Bilhin ko na yan."

Kinuha niya yung cake at nilagay dun sa may counter.

"Miss, lalagyan ko pa po ba ng icing?" Tanong niya.

A: Baka malito kayo, char! Yung icing na pinangsusulat sa may cake, hihi!

"Yes."

"Lagay niyo nalang po dito, kung ano pong isusulat ko." Sabi niya. Kinuha ko yun at sinulatan. Pagkatapos ay binigay ko sakanya yun.

Kinuha naman yun at binasa, pansin ko nagulat siya.

"Hala! Ikaw po si Jackie, yung si Ate Girl ng Showtime?" Gulat na tanong niya. Napatingin ako sa paligid ko, baka kasi may tao. Kaso wala naman kaya napatango ako sakanya.

"Ayyyyyy! Hala, fan na fan po ako ninyo ni Ate Vice!" Napatawa ako.

"Wag ka masyado maingay, baka marinig ka nila HAHAHA!" Sabi ko.

"Kaya pala po, medyo familiar po kayo. Naka cap and mask kasi po kayo. Hihihi!" Natawa lang ako.

"Okay lang yun, Ate."

"Pwede po ba pa-picture?" Tumango lang ako kaya kita ko na napangiti siya ng sobra. Pagkatapos niya magpapicture ay bumalik na siya sa may counter.

Third person's point of view:

Kinuha nung cashier yung icing at tumungo dun sa may cake. Tinignan niya ulit yung note. Habang naghihintay ay itinuon muna ni Jackie ang kanyang pansin sa telepono niya.

'ViceJack is real talaga.' Sa isip nung tindera.

Nakalagay kasi dun sa may note ay...

Happy Birthday, Vice!

- Love, Jackie

Pagkatapos ay nilagay niya na sa may box at sinarado ito.

Nilagay na ulit ito sa may counter.

"Miss." Pagtawag kay Jackie kaya napataas ng tingin si Jackie sa tindera. "Okay na po."

"Umm... Pwede bang iwan ko muna dito yung cake? May kailangan pa ako kasing bilhin." Tanong at sabi ni Jackie.

"Sige po, Ma'am."

"Thank you!" Agad lumabas si Jackie sa may bakery.

Pumasok siya sa isang book store.

Nakalimutan niya kasing bumili ng Birthday Card kaya ngayon ay naghahanap.

"Kuya." Napalingon agad ang lalaki na nagtratrabaho doon. "Nasaan po yung mga Birthday Cards dito???" Tinuro naman kaya tumungo siya agad doon.

Sa Ngalan Ng Pag-ibigWhere stories live. Discover now