Chapter 28 - Madc's Advice

131 10 5
                                    

Jackie's point of view:

NAKITA ko ang mga katrabaho ko naka upo sa may sahig na parang may pinapanood sa phone at kinikilig pa.

Inilagay ko yung mga gamit ko sa may gilid. Napakunot-noo ako nung tili sila ng tili sa pinanonood nila.

"Ano yan?" Bigla nalang sila napatingin sakin at medyo gulat pa. Tinaas ko ang dalawang kilay ko tila nagtataka.

"Nakapasok ka na pala," Sabi ng Madc at lumapit sakin. "Tagal mo nawala, ah?" Sabi niya na napakamot ako sa ulo ko.

"Hehe! Masakit katawan ko tsaka..." Lumapit ako sa tenga niya. "Mayroon ako nung mga nakaraang araw," Bulong ko. Rinig kong napahighik siya.

"Kaya naman pala."

Narinig ko nagtilian nanaman sila Melvie kaya napalingon ako dun.

"Bakit sila tumitili?" Tanong ko.

"Hindi mo ba alam, Girl?" Tanong niya na kinataka ko. "Trending kayo kahapon ni Vice. Actually, trending yung kaganapan na ginawa ni Vice kahapon."

"Talaga ba?" Hala, kaya pala nakita ko trending kahapon si Vice.

"Oo, teh! Hindi mo ba napanood yung kaganapan kahapon?" Napailing ako. "Sayang, nakakakilig pa naman yun! Lalo na kung live mo siya pinanood." Kwento niya na tila nahihinayang pa siya para sa akin.

"Okay lang yan. Pwede ko naman panoorin sa YouTube."

"Panoorin mo! Sigurado ako kikiligin ka, ang kyut ni Ate Vice dun. Para siyang bata na nawalan ng kendi.," Sabi niya na kinatango ko. "Uy, alam mo ba?"

"Malamang hindi... joke. Ano ba yun?"

"Kahapon, pumunta si Ate Vice dito after nung kaganapan kahapon." Kumunot-noo ko tuloy dahil dun. "Hinahanap ka niya."

"H-huh? H-hinanap niya ako???"

"Oo!" sagot niya. "May something ba sa inyo?" biglaan niyang tanong.

"H-huh? S-something?" utal-utal kong sambit dahil nagulat ako sa tanong niya. "A-ah w-wala wala." Kita ko napangisi siya.

"May hindi ka sinasabi sakin, noh?"

"P-pinagsasabi mo?"

"Jackie, kilala kita..."

"B-bahala ka nga diyan!" Umalis ako sa kinaroroonan niya, rinig ko ang pagtawa niya.

Naglakad ako palabas. Umiwas na ako sa usapan na yun dahil ayoko na masyadong isipin yun.

Actually, napanood ko ang mga kaganapan nung mga nakalipas na araw. Nag sinungaling lang ako kay Madc dahil baka humaba pa ang discussion at kung ano pa masabi ko.

Tumigil ako sa paglalakad. Tumingin ako sa taas at napabuntong hininga na lang.

Pero teka lang... saan nga pala ako pupunta?

"Jackie?" Bigla ako napalingon sa tumawag sakin.

Napansin ko na lang na nakarating pala ako- sa harap ng dressing room ni Vice!?!

"Nakapasok ka na pala, Ate Girl," sabi ni Kuya Buern. Nahihiya akong tumango sakanya.

"Oh, ano meron dito?" biglang tanong nung may lumabas galing sa pintuan kung saan galing si Kuya Buern.

"Jackie???" biglang sambit ni Vice sa pangalan ko. Napatitig na lang ako sa kanya at ganoon rin ang ginawa niya sakin.

"Uhm, okay lang kayo?" Napabalik na lang ako ulirat ng tinanong kami ni Kuya Buern.

Sa Ngalan Ng Pag-ibigWhere stories live. Discover now