Chapter 26 - VG's Birthday Celebration

163 14 3
                                    

Vice's point of view:

Binaba ko ang shades ko at tumingin ako sa labas ng bintana ng eroplanong sinasakyan ko.

"Ladies and gentlemen, as we start our descent, please make sure your seat backs and tray tables are in their full upright position. Make sure your seat belt is securely fastened and all carry-on luggage is stowed underneath the seat in front of you or in the overhead bins. Thank you."

Inayos ko nalang ang aking upuan at tray table, kahit hindi ko maintindihan ang sinasabi ng Flight Attendant. English kasi, charot! Naiintindihan ko naman, wag kayong ano. Hmp!

Maya't-maya ay lumpag na nga ang eroplano, which is NAIA Terminal 4. Syempre magpapark muna ang eroplano, so bawal pa umalis.

Medyo tumagal ng ilang minuto, dahil mukhang wala pang mapaparadahan ang eroplano.

"Meme, may pupuntahan tayo mamaya daw." Sabi ng P.A ko.

"Huh? Saan naman?" Nagtataka kong tanong.

Galing pa lang ako ng bakasyon, may pupuntahan na agad? Huhu!

"Party daw, meron daw kasi mag-birthday kasama buong Showtime Family." Sagot niya.

"Sino naman?" Kumibit-balikat lang siya.

Anetch yern? Pupunta ng birthday party tapos hindi alam kung sino ang may birthday. Meron bang ganun?

...

Nakauwi na kami sa may bahay. At dahil nga aalis kami mamaya, nag-handa kami sa susuotin ko.

Hindi na kami nagtagal masyado sa bahay. Hapon na kasi nung nakauwi kami. Sabi kasi ng P.A ko na hindi alam kung sino daw ang magbirthday mga ala-sais ng hapon daw ang start.

Aba'y ewan ko ba kung bakit ako pumayag na pumunta. Di bale, saying rin naman, minsan-minsan lang naman nakakapagbonding ang buong ST.

"Erna? Malapit na ba tayo?" Tanong ko sa P.A ko habang hawak ang telepono.

"Medyo, Meme." Napasinghap ako.

Nakatingin ako sa telepono ko, hinihintay ko parin message niya. Ba't kaya di niya ako nirereplayan? Online naman siya. Nakakatampo nga hindi niya ako binati sa mismong kaarawan ko.

Hay, baka busy lang siya Viceral! Wag ka nga.

Ilang minuto na ang nakalipas ay tumigil ang sasakyan. Bumaba muna ang team ko, bago aketch. Pagkatapos ay inalalayan ako ni Erna na bumaba sa sasakyan.

Pagkababa namin ay hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa, deretso na agad kami sa may venue.

Kumunuot ang noo ko ng pagkapasok naming ay pinagkukuhaan ako ng litrato. Ang daming tao!

Akez ba yung may birthday? HAHAHA!

"Anetch itey???" Tanong ko kay Bonita.

"Happy Birthday, Me!" Sabi niya sakin. Huh, anudaw? Hindi ko naintindihan daming sumisigaw.

"Ano to?" Bulong ko.

"Birthday na ni Ganda, Birthday na ni Ganda~"

"Happy Birthday, Vice!"

May part two pa? Ibaaah! HAHAHA!

Bigla ako binigyan ng bouquet ng kung sino. Hindi ko kilala yun. Bahala na!

Nakakita akong ilang mga artista. Sila Angeline Quinto, sila ano-

WAAAAAAAAAAAAAAAH! SI ATE REGZ!

Sa Ngalan Ng Pag-ibigWhere stories live. Discover now