Chapter 7 - Muntikan

207 15 0
                                    

Note: This is only work of fiction. It doesn't reflect the real life of the characters used here.

Vice's point of view:

Kinabahan akong pumasok sa opisina ni Direk. Hindi ko alam kung ano mangyayari. Para akong estudyante na pinapunta sa principal's office. Ano kaya pag-uusapan namin. Shuta naman kasi. Ba't pa ako nag wig nun. Fowtah naman oh!

Nandito na ako sa harap ng pintuan ni Direk kaya naman ay kumatok na ako.

"Pasok!" Isang tinig na naring ko mula sa silid na yun.

Agad kong binuksan ang pintuan at pumasok. Kinakabahan ako, at dahil sa pagkaba ko ay muntikan na ako matapilok. Eh kasi, naka boots kasi ako na may heels. Ewan ko ba talaga. Kaba one hundred percent si Vakla.

"Viceral."

"Y-yes Direk?" Napakunot ang noo na tumingin siya sakin.

"Oh ba't nauutal ka diyan?" Tanong sakin.

"E-eh direk...Sorna kasi Direeeek!"

"Huh?" Nagtatakang tanong niya.

"Yung about sa kaganapan kahapon." Nahihiyang sabi ko.

"Hmmm?"

"Direeeeeeeek! Lam mo na yung isyu chuchu."

"Anong isyu?"

"Yung k-kay Jackie and s-sakin..."

"Ah yon?" Tumango naman ako. "Hahaha."

"Direeeeeeeeeeek!"

"Actually nagtataka ako, ba't nga ba kayo magkasama Viceral?" Kwinento ko naman ang nangyari. Puro tawa lang siya. Minsan sarap rin tuktuka—este wala!

"Hindi naman kasi yun ang pag-uusapan natin." Dagdag niya pa. Bago pa ako makatanong ay may kumatok.

"Direk nandito na po siya." Sabi ng isang staff.

"Sige papasukin mo na siya." Utos ni Direk sakanya.

"Ate Vice, ba't po kayo nandito?" Tanong ni Ate Girl. Si Jackie pala ang pumasok.

"Baket? Di pwede nandito ako?" Lumaki ang mata niya sa sinabi kong yun. Bago pa siya makaupo ay agad ko siyang hinila para umupo. Binalik ko ang aking tingin kay Direk.

"Eh Direk? Ba't ganyan ka...makatingin samin?" Tanong ko.

"May di ba kayo sinasabi sakin?" Tanong ni Direk.

"Anong hindi po sinasabi sainyo?" Tanong ni Jackie.

"May relasyon ba kayong dalawa?"






"ANONG RELASYON?!?" Gulat ako napatingin kay Jackie dahil sabay kami ng sinabi. Nakatingin rin siya sakin. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Iniwas ko naman ang paningin ko dun.




"Eeeew! Direk, no! Fowtah, nagulat ako sa tanong niyo." Napahawak pa ako sa chest ko. "Di kami talo noh! Di ako pumapatol sa Merlat. Tsaka ka may boyfriend yan, Direk!"

"Ikaw naman, Viceral. Di mabiro." Sabi ni Direk.

"Di magandang biro yan, Direk! Huhuhu."

"Hahaha! Sorry na. By the way, kaya nga pala pinatawag ko kayo dahil gusto ko kayo———."

"Ha ano? Mapapalitan yung escort ng Miss Q & A?" Biro ko. Napatawa naman si Direk. Hinampas ako slight ni Jackie.

Sa Ngalan Ng Pag-ibigWhere stories live. Discover now