Chapter 6 - Issues

187 10 2
                                    

Vice's point of view:

"Huy! Ang dami-daming mong binibiling candy ah?"

"Hihihihi! Nagke-crave kasi ako eh." Para siya bata na nakuha ng candy tapos ako naman ay parang nanay na sinasaway siya.

"Buntis ka noh?" Gulat naman siyang napatingin sakin.

"Hindi ako buntiiiiis! Loko ka!" Hinampas niya ako. Nag-peace sign ako sakanya. "Virgin pa ako ehhhhh."

"Talaga?"

"Oo."

"Parang nanghinayang ka ah——?" Hinampas niya nanaman ako. Sadista amp.

"Ang bastos mo..." Tumingin pa siya ng masama sakin

"Nagbibiro lang ako. Toh naman!"

"Hindi magandang biro yun."

"Sorna! Ate Girl." Niyakap ko siya bilang pag-susuyo ko sakanya. Naka-backhug lang ako sakanya habang siya ay namimili ng candy o chocolates. After nang ilang oras na pamimili ay nagbayad na kami sa cashier. Napagpasyahan namin na kumain sa fast food restaurant.

"Hala si Meme, yun ah!"

"Oo nga, dali pa picture tayo." Bulong-bulungan ng mga tao. Ow shet!

"Sino yung kasama niya?"

"Di ko alam eh. Parang pamilyar nga eh." Bad idea! Wala kaming takas dito. Well hindi naman makilala si Ate Girl, pero hindi kami makakalabas agad kasi may nakapalibot na mga tao samin.

"Wig pa more." Bulong ni Jackie habang nakahalukipkip na nakatingin sa Menu sa taas. Andaming nag-papapicture. Buti nalang may humarang na guard.

"Shhh. Jackie." Pabulong na sabi ko sakanya. Mga ilang saglit pa ay nasa counter na kami. Ako na ang nag-insist na magsabi rin kung ano gusto namin.

Jackie's point of view:

"Here's your orders ma'am!" Nilagay ng server ang mga pagkain sa lamesa.

"Thank you. Hehehe!" Sabi ni Vice na medyo pabebe. Tinignan ko naman itsura ng taga-serve. May itsura naman siya pero hmp.

"Psh." Kumuha naman ako ng isang pirasong fries. Wait pansin ko lang kakain lang namin nito kaninang tanghali ah? Di bale masarap naman eh.

"Oh, ano nyare sayo?" Hindi ako sumagot at nagpatuloy sa pagkakain. Kinuha ko ang cellphone ko at minessage si Tom. Dati nagmemesage pa to sakin, tapos ngayon...Hay, busy nanaman o ano?

Nagulat naman ako na may kumukiliti sakin sa gilid. Si Vice na kinikiliti ako.

"Ano ba Vice!" Napatigil siya at nakahalukipkip siyang tumingin sakin.

"Anyare sayo?"

"Wala!" Pansin ko medyo moody ako ngayon. Hays, alam ko na.

Tahimik lang kaming nagpatuloy kumain. Sadyang marami ang tao dito kaya hindi ako masyado makakapag-usap sakanya dahil baka issue nanaman to. Pagkatapos nun ay agad kaming umalis.

"Woi!" Lumingon ako sakanya.

"Hm?"

"Saan ka pupunta?"

"Ha?"

"Mas-nauuna ka sakin, vakla ka!"

"Ay, suri suri! Pero wait lang diba kabayo ka?" Napakunot ang noo niya. "Dapat mabilis ka." Pang-aasar ko.

Sa Ngalan Ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon