Kabanata 20

106 4 0
                                    

River's POV


H-hindi....


Hindi ko kaya...


"Lolo!!!!!!!" Ramdam ko ang pagpatak ng luha ko nang mahawakan si Lolo sa mga kamay ko. "D-dadalhin kita sa Ospital."


"A-apo..., patawarin mo ko."


"Hindi!! Paano?! Paano kita mapapatawad kung...., k-kung pinapakita mo sakin na ayaw mo na lumaban?!" Gamit ang lakas ko ay sinubukan kong buhatin si Lolo pero hindi ko magawa.


Pakiramdam ko ang hina-hina ko nanaman!


"T-tama na, a-apo."


"H-hindi..., hindi pwede! W-wala pa akong nagagawa Lo! Wala..., nanaman akong nagawa!" Halos wala na akong makita sa mga luha ko. Punong puno na ng luha ang mga mata ko.


Sobrang sakit...


"A-aiken...., ilayo mo si River dito." Sabi ni Lolo habang nakatingin sa likuran ko kaya napatingin ako dun at nakita ko si Kuya. Kasama si Killian na nakatingin din ng diretso kay Lolo. Ganon na rin si Reese. "I-ilayo mo ang kapatid mo dito."


"L-lo...., a-anong..., anong nangyari?" Naguguluhan na 'rin na tanong ni Kuya pero hindi ko na sya pinansin pa. Naguguluhan ako. Papaanong..., hindi ko kaya.


"U-umalis na kayo dito..., i-isama mo ang mga tao ng san andres."


"B-bakit? Bakit namin sila isasama? Mabubuhay ka pa naman ah! Mabubuhay ka p—"


"R-river."


"H-hindi ko na alam....., naguguluhan na ako!..., a-ang sabi mo..., hihintayin mo kong makabalik dito!" Sigaw ko sa kanya pero tipid na ngiti lang ang ibinigay nya sakin.


"N-naghintay naman ako...., apo."


"Pero hindi...., h-hindi yung ganito ang matatagpuan ko, Lo....., a-ang inaasahan ko...., sasalubong sakin ang mga biro nyo..., p-pero b-bakit...., b-bakit parang aalis ka na samin." Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sunod sunod na ang paghikbi ko habang nakahawak sa tiyan nya na dumudugo.


Hindi ko matingnan si Rio...


Hindi ko sya kayang tingnan sa mga oras na 'to...


"P-patawarin mo ako, a-apo...., p-patawarin mo 'rin si Rio..., hindi nya ginusto 'to." Naikuyom ko ang kamao ko sa narinig ko.


"Kung hindi...., a-ano 'to? B-bakit nakikita ko kayo..., sa ganitong kalagayan?" Madiin kong tanong sa kanya pero patak ng luha nalang ang natanggap ko kay Lolo.


"M-mangako ka sakin." Nahihirapan na sabi nya. "I-iligtas mo ang lahat, River....., iligtas mo sila lahat...., n-naniniwala ako sayo."


"L-lo..."



"P-patawarin mo ko...., k-kung hindi na ako makakasama...., s-sa susunod na laban mo, apo......, p-patawarin mo ang iyong Lolo ha....., h-hanggang sa m-mul—" Pagkatapos kong marinig ang mga salitang yun...., unti-unti kong nakita ang tuluyang pagpikit ng mga mata ni Lolo.


Parang tumigil ang mundo ko...


Hikbi nalang ni Reese ang narinig ko...


Nakatitig lang ako kay Lolo..., k-kay lolo na nakahawak pa 'rin sa mga kamay ko sa mga oras na 'to. Hindi nya ako binitawan...


Battle Of Hearts (Book 2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें