Kabanata 8

115 3 0
                                    

Reese POV


Hindi ko maiwasang hindi pagmasdan si Rehan na seryoso lang na kumakain sa harapan namin. Naninibago ako. Ngayon ko lang sya nakita sa tanang buhay ko. Isa pa, nakakapagtaka ang biglaan nilang pagpunta sa hoshiga. Hindi ko alam pero masama ang kutob ko sa mga taong 'to. Paano ku—


"Tapos mo na ba akong titigan?" Nagugulat akong nag-angat ng tingin kay Rehan na nakatingin na sakin ng diretso. Si Simon na madaldal ay hindi ko alam kung bakit ang tahi-tahimik ngayon.


"H-hindi kita tinititigan." Naiilang na sabi ko na ikinamaang nya.


"Tss. Bat ba ganyan kayo makipag-usap? Hindi nyo naman ako kailangan katakutan." Natatawa nyang sabi kaya ako naman ang napanganga sa mga oras na ito. Nginitian nya kaming dalawa ni Simon!


"Bakit kayo pumunta sa hoshiga?" Kunot noong tanong ni Simon na muling ikinatawa ni Rehan.


"Hindi ba kami pwede pumunta sa Hoshiga? Maganda at sikat ang hoshiga village sa lugar na ito. Kahit sino ay gugustuhing mapabilang sa warrior ng lugar na yun." Natural na sabi nya bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Isa pa, mukhang tama nga ang sabi-sabi nila na mababait ang mga tao dun. Ang sage ay hinayaan kaming makapasok ng hindi man lang kami masyadong nahirap—"


"Sinasabi mo ba na hindi mahigpit ang bantay ng hoshiga?" Taas kilay na tanong ni Simon sa kanya.


"Wala akong sinabing ganyan. Sayo mismo nanggaling. Saksi sya na ikaw ang nagsabi." Parang bata na turo sakin ni Rehan. "Kumalma nga kayo. Hindi naman ako masamang tao. Wala akong gagawing masama sa lugar ninyo."


"Gusto lang namin makasiguro." Sabat ko na ikinatango nya.


"Alam ko naman yun. Kahit sino naman gagawin din 'yan. Pero gusto kong magpakilala sa inyo." Nakangiti nyang sabi at inilahad kay Simon ang kamay nya na agad naman kinuha ni Simon. "Rehan. Rehan Delaney."


"Simon Perusa." Pakilala ni Simon bago inilipat ni Rehan ang paningin nya sakin.


"Reese Perusa." Kaswal na sabi ko na ikinamaang nya.


"M-mag-asawa kayo?" Nagugulat na tanong nya dahilan para mabilaukan si Simon. Ako naman ay agad syang sinamaan ng tingin dahil sa sinabi nyang yun.


Nakakadiri.


"Mukha bang papatulan ko yan?" Nakangiwing tanong ni Simon habang nakaturo sakin. "Yung tipo ko ay yung mga mukhang matapang sa panlabas pero napakasoft naman sa loob. Hayaan mo at ipapakilala ko sya sayo pagkabalik natin sa hoshiga."


"May nagugustuhan ka?" Nagtatakang tanong ni Rehan na ikinangisi ni Simon. Nagyayabang.


"Hindi naman sa pagmamayabang pero, meron. Minsan nga eh naiisip ko na pumili nalang sa mga babaeng nahuhumaling sakin. Masakit din pala kase sa ulo kapag maraming nagkakagusto sayo."


Napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa pagkain. Saan nanaman kaya hahantong ang usapan namin na 'to. Nagsimula nanaman si Simon sa ganyan nya. Minsan gusto ko sya barahin kasi si Mikael na gustong-gusto nya eh hindi sya type tapos maghahangad pa sya ng mga kababaihan. Gwapo naman si Simon. Kaya lang sa sobrang kahanginan nya, natatabunan nun yung kagusto-gusto sa pagkatao nya.


"Ikaw Reese? May nagugustuhan ka din?" Biglang tanong ni Rehan na ikinaangat ng tingin ko.


"Ako?"


Battle Of Hearts (Book 2)Where stories live. Discover now