Kabanata 19

107 4 0
                                    

Killian's POV


Ang sabi ko sa sarili ko, hindi ako magdadalawang isip na pumatay ng isang tao kapag gusto nilang sirain ang hoshiga pero iba ata ngayon. Hindi ko kayang patayin ang mga taong iniisip namin na kalaban dahil alam kong maraming masasaktan..., at isa na ako doon.


Malaki ang tiwala ko kay Rio.


"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Aiken ulit kay Simon.


"Basta yun ang pakiramdam ko! Pakiramdam ko aalis si Mikael dito!" Sabi nito bago tuluyang makatulog. Natulala naman si Aiken at naikuyom ang kamao.


Napagpasyahan namin na ihatid na si Simon sa bahay nila. Si Finn ang nagbubuhat dahil ayaw ko at ayaw rin ni Aiken. Tss.


"Sige na. Uuwi na ako. Salamat sa oras nyo." Paalam ni Finn at naglakad na paalis.


"Ano ng plano?" Tanong ko kay Aiken na napabuntong hininga lang.


"Pupunta akong san andres bukas."


"Huh? Bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.


"May kailangan lang akong malaman. Samahan mo ako."


"Isasama ba nat—"


"Hindi. Tayo lang Killian. Mananatiling sikreto ang pagpunta natin dun kaya baka hapon tayo umalis dito. Wala namang makakapansin nun. Mauna na ako. Magkita nalang tayo bukas." Paalam nya at naglakad na paalis. Naiwan naman akong nakatulala at nagtataka sa ikinikilos nilang lahat.


Ang daming mali. Pero mananatili ang tiwala ko sa mga kaibigan ko. Alam kong hindi sila ang kalaban dito.


Alam ko yun.


"Anong ginagawa mo dito?" Dahan dahan akong nag-angat ng tingin kay Tabitha na nakatingin ng diretso sakin. Nakataas pa ang kilay nya. "Ano? Tititigan mo nalang ako?"


"Hindi kita nakita buong araw ngayon ah. Saan ka nanggaling?" Hindi ko alam kung bakit ko itinanong ang bagay na 'yan pero nang maisip ko yung inuutos ni Rio ay nakahinga ako ng maluwag.


Yun lang naman siguro ang dahilan nun. Alam kong wala ng iba.


"Nagpahinga ako sa bahay. Sumama ang pakiramdam ko." Natural na sabi nya na ikinakunot ng noo ko.


"Gabi na. Dapat hindi ka na lumalabas lalo na't may sakit ka pala."


Bahagya pa syang natawa bago namamanghang tumingin sakin. "Ganito ba talaga tayo mag-usap? Parang hindi."


"Tss."


"Umuwi ka na. Mukhang mas kailangan mo nun." Natatawa nyang sabi at lalagpasan na sana ako nang pigilan ko sya sa braso.


Hindi ko 'rin alam kung bakit ko ginawa yun. Ang gulo gulo mo, Killian!


"Ano? Wag mo sabihin sakin..., na sasama ka pa?"


"P-pwede ba?"


"Ayos ka lang ba?" Tumatawa na talagang tanong nya bago inilagay sa magkabilang bulsa ng jacket nya ang parehong kamay nya. "Dapat ay nagtatalo tayo ngayon."


"May dapat ba tayong pagtaluhan?"


"Oo. Hindi ba't sabi mo ay hangga't hindi mo nalalaman kung ano ang sadya namin dito ay mananatili kaming kalaban para sa'yo?" Sinabi ko ba yun? Tss.


Battle Of Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon