II. Kabanata 38

109 3 6
                                    

River's POV


Tulala akong naglakad papunta sa opisina ni Kuya Aiken para sa pagpupulong. Hindi na umuwi si Ryan ngayon dahil pagkagaling niya ng school ay sinundo na siya ni Mike sa akin. Alam ko namang walang mangyayari sa anak ko kaya hinayaan ko na.


Halos gabing gabi na ng makatulog ako kagabi. Sa kwarto na niya ako natulog dahil pareho kami ng nararamdaman ng anak ko.


Pareho kaming nasasaktan.


Pero mas lalo lang akong nasaktan nang malaman na ganon na pala ang nararamdaman ng anak ko.


"River." Nanlaki ang mata ko at gulat na napatingin kay Kuya na ngayon ay nasa harapan ko na. Ni hindi ko namalayan na nakarating na ako dito sa opisina niya. "Kanina pa kita tinatawag ang sabi ko halika na at pumunta na tayo du—-" agad akong yumakap sa kaniya at doon ko lang lalo naramdaman ang bigat. "A-anong nangyari?" Nag-aalala na tanong niya habang pinupunasan ang luha ko.


"K-kuya, si R-ryan. T-tinatanong niya kung totoo bang si Rio ang tatay niya."


"A-ano?"


"Grabe 'yung iyak niya kagabi. P-pero nakuha pang ngumiti at sabihin sa akin na kaya namin 'to. N-ni hindi ko alam na ganon na pala ang nararamdaman niya, Kuya. H-hindi ko alam." Sunod sunod ang paghikbi ko. "N-ni hindi ko pa masabi sa kaniya na...,h-hindi na babalik pa si Rio."


"R-river." Kitang kita ko ang gulat sa mga mata ni Kuya habang nakatingin sa likuran ko kaya agad akong napatingin doon at natagpuan ko si Ryan. Unti unting nawala ang ngiti niya nang makita ako. Kahit si Mike na nakahawak sa kamay ni Ryan ay nagulat.


"S-sorry...,hindi ko alam na nandito pa kayo." Sabi ni Mike kaya dali dali kong pinunasan ang luha ko.


"Mukhang nag-enjoy si Ryan ah." Nakangiti kong sabi sa kaniya. Gusto ko pang magulat kung paano ngumiti ang anak ko. Ngumiti pa 'rin siya kahit narinig niya kung ano ang sinabi ko. Ngumiti ang anak ko pero kitang kita ko na gusto na niya umiyak.


At ang sakit sakit niya panoorin.


"O-opo Ma. Ang dami naming pinuntahan ni Tito. B-bumili nga po kami ng paborito niyong barbeque eh."


"T-talaga?"


"Opo. Sige na, Ma. Hihintayin ko po kayo dito sa opisina ni Tito." Sinenyasan ko lang si Mike na agad namang tumango sa akin bago ako lumabas ng opisina ni Kuya.


Mike's POV


"Halika na. Laruin na natin 'yang mga pinamili natin habang hinihintay natin si Ma—"


"Tito." Napatigil ako sa pagsasalita at napatingin sa pamangkin ko na ngayon ay nakatingin ng diretso sa akin. "T-totoo ho ba? Totoo po bang hindi na babalik si Papa? B-bakit po? Patay na po ba s——"


"Ryan." Agad akong lumapit sa kaniya at pinunasan ang luha niya. Gusto kong manapak kapag nakikita kong umiiyak ang pamangkin ko. "H-hindi. Hindi totoo 'yan."


"K-kung ganon po, b-bakit hindi pa siya bumabalik? D-dahil po ba ayaw nya s-sa akin?"


"Ryan." Gusto kong magalit. Pero hindi ko alam kung kanino. Sa mundo ba? Kasi ang bata bata palang ni Ryan pero nararamdaman na niya 'yung ganito. "H-hindi totoo 'yan. Alam naming lahat kung gaano ka kamahal ng Papa mo."


Battle Of Hearts (Book 2)Where stories live. Discover now