Kabanata 6

149 4 0
                                    

River's POV


"Ayos ka lang ba River?" Takang tanong ni Kuya sa tabi ko.


"Si Rio kase Kuya." Pagsusumbong ko na ikinakunot ng noo nya. Agad nyang tinanaw si Rio na nasa kabilang gilid ko.


"Anong ginawa mo kay River?" Tanong nya kay Rio na bumuntong hininga lang at nagpatuloy sa pagkain. Hindi nya sinagot si Kuya na napangiwi nalang sa kanya. "Anong problema?"


"Hindi ba natulog si Rio kagabi Kuya?" Mahinang tanong ko na ikinaiwas nya ng tingin. Sabi ko na may nalalaman si Kuya na hindi ko alam eh. "Nangbabae si Rio noh?"


"Ano bang sinasabi mo dyan?"


"Eh kasi yun lang naman yung dahilan kung bakit hindi sya makatulog. Psh! Anong bayan ba ang pinuntahan nyo?" Curious na tanong ko na parang alam ko ang mga bayan na nandito.


"Kumain ka na nga lang dyan." Masungit na sabi ni Kuya na ikinairap ko nalang at bumalik na sa pagkain. Muli kong tiningnan si Rio na nakangiti habang nakatitig sakin pero inirapan ko lang sya na ikinatawa nya naman.


Muli kong naisip yung sulat. Hindi ko alam kung bakit. Alam ko naman na merong itinatago sakin si Rio. Pero ano yun? Sino ang naghihintay sa kanya? Ano yung totoo? Hindi na ako mapakali. Gusto ko na agad malaman.


"Kelan ang susunod na misyon nyo?" Biglang tanong ni Mikael na ikinaangat ng tingin ng lahat. Si Remmie na ang sumagot sa tanong na yun.


"Baka sa isang linggo ay mabigyan ulit kami ng misyon."


"Eh ikaw River? Sa station ka ba ulit?" Tanong sakin ni Mikael na ikinailing ko.


"Baka lumabas na rin ako ng hoshiga."


"Hindi nga?!" Sabay-sabay nilang tanong na parang nakakagulat pa ang sinabi kong yun. Ano bang nakakagulat dun? Sasama lang naman ako. Psh!


"Oo nga."


"Hala! Sana makasama kita sa misyon." Tuwang-tuwa na sabi ni Maxie na ikinangiti ko.


"Ka—-"


"Asa ka pa. Kapag nagsama kayo nyan ni River, wala kayong matatapos na misyon. Madaldal yan, maarte ka naman. Psh! Walang mangyayari sa inyo." Biglang sabi ni Kuya. Pinutol pa nga kung ano ang sasabihin ko.


"Hindi naman ganon. Ang Oa mo Kuya." Inis na sabi ko na ikinataas ng kilay nya.


"Nagsasabi lang ako ng totoo."


"Hindi naman siguro." Biglang sabat ni Reese na sabay-sabay naming ikinalingon. Nananahimik kasi sya. Tapos ngayon bigla syang nagsalita. Kyahhh! "Matalino si River, ganon din si Maxie. Baka nga kapag nagsama ang dalawang yan ay matapos agad ang misyon." sabi nya na ikinatahimik ni Kuya. Sabay naman kaming napangisi ni Maxie.


Makulit ka Kuya ha.


"Tsaka isa pa, sa tingin nyo ba may susubok na saktan yang dalawang yan?" Pagpapatuloy ni Reese sa sasabihin nya. "Si River ay asawa ni Rio Petrucelli at yung si Maxie naman ay ang mapapang-asawa ni Killian. Parehong palaban ang mga asawa. Pfft." Natatawa nyang sabi at tumingin saming dalawa.


"A-ano bang sinasabi mo d-dyan Reese." Nahihiyang sabi ni Maxie at bahagya pang uminom ng tubig dahil namumula sya. Hala. "H-hindi naman k-kami ni Killian."


Battle Of Hearts (Book 2)Where stories live. Discover now