Kabanata 24

110 6 0
                                    

River's POV


"Hay nako Rio! Sa tuwing lalabas kayo, mas mabuting dito nalang muna si River o kaya naman ngayon na ilipat ang mga gamit nya. Ako na ang bahala sa kanya dito. Lahat ng bawal ay alam ko. May mga gulay na rin akong ipinakuha para masustansya sa bata." Kanina pa kung ano ano ang sinasabi ni Mama nang makauwi kami dito at nang malaman nya ang kondisyon ko.


Halos hindi na rin nila ako hinahayaan na tumayo ng kama. Naiiyak ako! 3 months palang naman. Kaya ko pang tumambling. Pero kung makapag-ingat sila.


"Pfft. Mukhang mapapakain ka ng gulay Petrucelli." Pang-aasar sakin ni Rio kaya sinamaan ko sya ng tingin.


"Naiirita ako sayo Rio."


"Pfft."


"Tapos, kada linggo, papapuntahin ko dito yung mananahi ng mga damit para makapaghanda na sa mga damit mo at para sa bata na 'rin. Kailangan puro puti."


"Nag-usap na 'rin pala kami ni Papa, Ma." Sabat ni Kuya bago umupo sa tabi ko. "Magdodoble ng bantay dito sa bahay."


"Kuya!" Saway ko sa kanya kaya taka nya akong nilingon. "Ang dami ng bantay dito sa bahay! Dadagdagan mo pa!"


"Ano ka ba naman River." Saway sakin ni Mama. "Para yan sa apo ko. Nako! Naeexcite na ako! Sana ay magkahalo ang itsura nyo ni Rio para lalaking maganda o gwapo. Hindi ba't napakaganda nun?"


"Ma, tatlong buwan palang. Tatlo. Pwede pa akong magtraining. Tsaka pwede pa akong lumabas ng baha—-"


"Hindi! Nako ikaw talagang bata ka. Makinig ka sakin."


"Mrs. Riciardelli, dumating na po ang mga prutas at gulay." Sabi ng isang warrior kay Mama.


"Oh ayan na yung binili ko. Dyan ka lang River ha! Sinasabi ko sayo! Papunta na ang Lola mo at Papa mo dito." Sabi nya bago tuluyang makalabas ng pinto.


"Maiwan ko muna kayo. Kakausapin ko lang si Tris. Nandyan na din eh." Sabi ni Kuya at lumabas na 'rin.


Napahawak nalang ako sa ulo ko nang tuluyang silang makalabas.


"Tss. Hindi ba't sinabi sayo na masama ang mag-isip ng mag-isip?"


"Paano? Kaya ko pang tumayo Rio." Madiin kong sabi na ikinabuntong hininga nya.


"Ano bang inaalala mo? Marami kaming pwedeng lumaban River. Hindi ba't nangyari na 'rin naman 'to dati?"


"Dati, may nagawa ako kahit papaano. Pero paano ngayon? Paano ako kikilos?"


"Sinasabi mo ba na sana hindi nalang muna?" Hindi makapaniwalang tanong nya.


"H-hindi. Hindi ganon."


"Ano?"


"Tss. Sorry." Nakayuko kong sabi sa kanya. Ano bang nangyayari sakin? Hindi naman ako ganito!


Ramdam ko ang paghawak ni Rio sa baba ko at pilit ipinantay ang tingin nya sa paningin ko.


"Nagkaron ako ng panibagong rason para lumaban River." Nakangiti nyang sabi sakin. "At sana ganon ka din. Hindi man maganda ang panahon ngayon, pero hindi ba't napakaswerte natin dahil nagkaroon tayo ng panibagong lakas?"


Battle Of Hearts (Book 2)Where stories live. Discover now