Kabanata 35

104 3 4
                                    

Tris POV


Binabantayan ko ang susunod na kilos ng mga taong nakapalibot sa amin sa mga oras na 'to. Hindi ko akalain na pagkaraan ng ilang minuto ay ganito kadaming kalaban ang bubungad sa amin dito sa station.


"Bakit pa kayo lumabas? Hindi nyo na kayang lumaban!" Inis na sabi ni Maxie kay Castrielle na may hawak nanamang kunai.


"Tutulong ako. Sa dami ng taong nasa harapan na'tin sa mga oras na 'to. Kulang tayong lahat."


Tama sya dun.


Sobrang dami ng kalaban namin sa mga oras na 'to at hindi ko alam kung paano namin matatalo 'tong mga 'to.


"Sila Mama at Lola?" Tanong ko sa ilang warrior sa tabi ko.


"Nasa loob ho kasama si Ryan at si Reese." Tumango lang ako at handa na sanang lumaban nang mapatigil sa biglang napansin.


"May papadating." Diretsong sabi ni Kaye.


Shit....


May papadating nanama—-


"Grupo ni Rio 'yan ah." Napatingin ako kay Mike nang bigla nyang sabihin yun kaya agad na 'rin akong napatingin sa mga taong kararating lang at nasa paligid din ng mga kalaban. Mas marami ang bilang ng mga taong nakaitim na coat.


"Grupo ni Rio?" Takang tanong ni Papa.


"Opo, Sage." Nagtataka 'ring sabi ni Mike. Nawala na dun ang atensyon ko kundi sa tatlong lalaking nakaitim na coat ang naglalakad papalapit samin. Bahagya pa silang yumuko.


Shit..., nagtaasan ang balahibo ko doon.


"Pinapunta po kami dito ng pinuno para protektahan kayo. Hihingi lang ho kami ng pabor sa inyo. Kung maaari ho sana ay lahat kayo pumasok sa loob at hayaan kaming gawin ang aming trabaho."


"P-pero..," nagugulat na sabi ni Papa.


"Pasensya na po, Sage. Pero yun ho ang iniutos samin ng pinuno. Kailangan ho naming masiguro na walang mangyayari sa inyo."


"Sandali." Pigil ko sa kanilang lahat kaya napatigil sila sa akmang pag-alis. Ilang buwan na akong naghahanap ng impormasyon sa grupong 'to pero kahit pangalan ay wala ako. Masyadong magaling magtago ang kapatid ko. Kaya walang nakakaalam ng pangalan ng grupo nila. "P-pwede ko bang malaman kung anong pangalan ng grupo nyo?"


Shit...


Pakiramdam ko nagtaasan lahat ng balahibo sa katawan ko nang bahagya syang ngumiti sakin. Kitang kita ko 'yun kahit natatakpan ng maskara ang mukha nya.


"Kami ho ang grupo na tinatawag na, 'yasha' pinamumunuan ni Rio Petrucelli na nagmula dito sa hoshiga."


Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman nang sabihin nya yun. Napakataas na ng kapatid ko. Halos hindi ko na alam kung sya pa 'rin ba ang kapatid na nakakalaro ko dati. Dahil sa mga nalaman ko ngayon, parang nagbago lahat ang pagkakaalam ko tungkol kay Rio.


"Pumasok na ho kayo sa loob. Maghintay nalang po kayo sa senyales namin na nagsasabing tapos na ang lab—"


"Hindi." Pigil ko sa kanya na ikinatigil nya. "Lahat ng tagahoshiga na kaya pang lumaban ay tutulong sa inyo. Laban naming lahat 'to. Kaya kami din ang tatapos." Kita ko ang pagngiti ng lahat dahil sa sinabi ko.


Battle Of Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon