Kabanata 27

100 4 0
                                    

Mikael's POV


"P-paanong....pero." Naguguluhan na sabi ni Callie na ikinaangat ng paningin ko.


"Nagkaron ako ng misyon. At ang misyon na yun ay ang maging traydor dito sa hoshiga. Sinubukan kong alamin ang mga bagay bagay dito at itinago kung saan talaga ako nagmula pero...." napaiwas ako ng tingin at bahagyang kinagat ang pang ibaba kong labi para pigilan ang pagtulo pa lalo ng mga luha ko. "pero...habang tumatagal...parang gusto ko nalang manatili. G-gusto ko nalang manatili sa lugar na 'to....k-kasama kayo."


"M-mikael." Umiiyak na sabi ni Fara kaya nginitian ko sya.


"Kapalit ng kabutihan na ibinigay nyo sakin ay ang mga impormasyon na 'yan. Masyado na akong napamahal dito.....pati sa inyo....p-parang ayaw ko na ngang umalis eh." Nakangiti kong sabi habang patuloy ang pagtulo ng mga luha ko.


"T-teka lang." Singit ni Finn na ikinalingon ko. "P-paano si Simon? Alam ba ni Simon 'to?"


"Hindi." Diretso kong sagot. "S-sa tingin mo ba, lalapitan nya pa ako kapag sinabi ko?" Mas lalo lang sumakit ang dibdib ko sa sinabi kong yun.


Ang sakit sakit.


"M-masyadong mahalaga kay Simon ang hoshiga. Kapag nalaman nya na isa ako sa kalaban, ano sa tingin nyo ang mararamdaman nya? Ayokong masaktan si Simon."


"K-kaya mo itinago?" Emosyonal na tanong ni Reese. "Kaya mo itinago samin kasi baka masaktan kami kapag nalaman namin ganon ba?"


"Oo. H-hindi ko kayang makita yun, Reese. A-ayokong makita kayong nasasaktan dahil nalaman nyo na. Lalong lalo na si Simon." Mapait akong napangiti at tumingin sa sahig. "H-hindi ko naman kasi inakala na....m-mamahalin ko si Simon sa kabila ng misyon na dinadala ko.....h-hindi ko namalayan na....unti-unti ko na pala syang nagugustuhan na sana pinigilan ko na simula palang dahil mali."


"M-mikael...p-paano—" pinigilan ko ang sasabihin ni Callie at tiningnan sila Rio.


"Ang nakakaalam lang ng sikreto ko ay si Rio, Tabitha, Rehan at Kalen. Ganon na 'rin si River at Mike." Kita ko ang pagtingin ni Aiken kay River na umiiyak sa mga oras na 'to. "Naunang malaman nila Rio kaya sinabi ko sa kanila yung tungkol kay Kapitan."


"P-paano mo nalaman River?" Seryosong tanong ni Aiken pero ako na 'rin ang sasagot dahil iyak na iyak si River.


"Nung unang beses syang pumunta dun sa kweba kay Mike. Yung pumatay sa tatlong lalaki na sasabihin sana ang impormasyon nila Rio. Dun nya nalaman. Ako yung taong kasama ni River nun."


"P-pero huli ko na 'rin nalaman Kuya. Sinabi ni Rio." Sagot ni River na nasa tabi ni Rio. "M-may gusto akong malaman." Emosyonal na sabi ni River na ikinalingon ko.


Bahagya ko munang pinunasan ang luha ko bago tumingin sa kanya. "A-ano yun?"


"T-totoo bang....ang kapalit ng mga impormasyon na 'to...a-ay ang..." kasabay ng paghagulhol ni River ay ang sunod sunod na pagtulo ng luha ko.


Hindi dapat sya umiiyak ng ganyan!


"A-anong sinasabi ni River?" Takang tanong ni Maxie. "Ano yun, Mikael?"


"K-kapalit ng mga impormasyon na ibinibigay ko sa inyo....ay ang buhay ko."


"Ano?!" Sigaw ni Aiken na ikinayuko ko.


Battle Of Hearts (Book 2)Where stories live. Discover now