Kabanata 26

96 3 0
                                    

River's POV


Nanatili akong nakatingin sa pangpana ko na ilang buwan ko ng hindi nagagamit. Sa ilang buwan na yun na lumipas, medyo halata na 'rin ang tiyan ko pero kaya ko pa namang lumabas. Ang sabi ng nagbabantay sakin ay papalapit na 'raw ang paglabas ng batang 'to. Ilang buwan nalang. Sana matapos na ang gulong 'to.


Sa mga nakalipas kasing buwan, walang ibang ginawa ang mga tao dito sa hoshiga kundi ang maghanda sa papalapit na pagsugod. Nakakapagtaka dahil hanggang ngayon wala pa 'rin silang ginagawa. Hindi ko alam kung dapat ba kaming matakot o hindi dahil mukhang may malaki silang plano.


Dahil lumalabas labas sila Rio, nanatili ako dito sa bahay. Minsan ay may naiiwan sakin na warrior pero kadalasan ay mga kaibigan ko lang 'rin. Naiintindihan ko naman na nag-aalala sila sakin pero nasasakal ako. Ang hirap kapag maraming nakatingin sayo palagi. Hindi ako komportable.


"Pwede mo ba kong samahan, Kuya?" Tanong ko kay Kuya na naglilinis ng kunai nya sa sala. Si Rio kasi ay wala dahil may pinuntahan ata sila nila Tabitha. Hindi ko na 'rin masyadong iniisip si Rio dahil naiirita lang ako. Ang laboy-laboy nya. At kapag naglalaboy sya, palagi nyang bitbit sila Kalen. Gusto ko pa naman kausap yung tatlo kasi natutuwa ako sa kanila. Kakaiba kasi mga ugali eh.


"Saan?"


"May bibilhin lang ako. Nagugutom ako eh." Reklamo ko at bahagyang tinanaw ang labas sa bintana. Hapon naman na kaya hindi na masyadong mainit ang panahon.


"Bat lalabas ka pa? Ako nalang ang bibili."


"Tss. Dali na, Kuya! Gusto ko lumabas. Pauwi na 'rin naman si Rio eh. Baka makita ko yun." Inis nya akong nilingon bago kinuha ang jacket nya sa gilid at hinawakan ang kamay ko.


"Sana 'yang katigasan ng ulo mo hindi makuha ng pamangkin ko. Tss."


"Bat ba masyado mong pinoproblema ang anak ko? Anak mo nalang ang problemahin mo." Bahagya pa akong ngumiti sa mga nakakasalubong ko at tumingin ulit kay Kuya na bumuntong hininga lang. "May problema ba?"


"Pagkatapos ng lahat ng 'to, papakasalan ko na si Reese." Seryoso at diretso nyang sabi na ikinatigil ko sa paglalakad.


"W-weh?"


"Oo nga." Natatawa nyang sabi at naglakad na ulit. "Naisip ko kasi na baka mawala pa nga. Isa pa, gusto ko na 'rin magkaroon ng pamilya kagaya mo. Pero lahat ng plano ko, tsaka na kapag natapos na ang lahat ng 'to."


"K-kuya." Mahinang tawag ko at tumingin sa sahig. Nahihiya ako. "H-hindi ka ba nagagalit sakin?"


"Bakit ako magagalit sayo?" Kunot noo nyang tanong.


"Kasi lahat ng 'to nangyayari dahil sa likidong pilit na hinahanap sakin. Kung wala naman yun, wala tayong laban na pinaghahandaan ngayon."


"Hindi ba't wala naman sayo?"


"Yun na nga eh. Wala sakin pero pakiramdam ko nasa akin." Napakunot ang noo nya dahil sa sinabi ko kaya tumigil muna ako sa paglalakad at tumingin sa kanya. "Ilang araw ko ng napapanaginipan si Laura, Kuya."


Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang sabihin sa kanya yun. Totoo ang sinabi ko. Halos palagi ko ng napapanaginipan si Laura sa hindi ko malaman na dahilan. Nung unang beses, itsura nya lang ang nakita ko pero habang tumatagal. May sinasabi na sya na ngayon ko lang tuluyan na naintindihan.


Battle Of Hearts (Book 2)Where stories live. Discover now