Kabanata 33

102 3 0
                                    

Aiken's POV


Mabilis naming natapos ang mga tao dito na lubos kong ikinagulat. Halos lahat ay si Rio ang pumatay. Dahil nang mawala ang kapatid ko. Halos dumoble ang bilis ni Rio na tapusin ang laban na 'to. Wala pa atang ilang minuto ay tapos na kami.


"Ipupunta ko kayo lahat sa station kung saan nandun ang mga tao. Tara na." Seryoso nyang sabi at kinuha si Ryan kay Reese.


"Okay ka lang ba?" Tanong ko kay Reese na bahagya pang nagulat sa sinabi ko.


"A-ah oo. Tara na." Sabi nya at naglakad na rin.


"B-bat parang nawala ang mga kalaban?" Nagtatakang tanong ni Simon na kahit ako ay nagtaka na rin. Wala na kaming nakikitang kalaban sa mga oras na 'to. Wala na kahit isa.


"Dahil wala na sa lugar na 'to ang sadya nila." Madiin at seryosong sabi ni Rio. "Si River. Kailangan natin puntahan si River. Pero pumunta muna tayo sa station para iwanan ang ilang warrior na sugatan at ang ilang tao na hindi na kaya pang lumaban."


Sa simpleng sinabi ni Rio ay nanahimik kaming lahat. Akala ko ay may makikita akong kalaban sa harap ng station pero wala. Nagtataka kaming sinalubong nila Remmie.


"Anim na oras lang tumagal ang laban. Nasan na ang mga kalaban?" Tanong ni Remmie samin na ikinabuntong hininga ko.


"Kahit kami nagulat. Biglang nawala lahat." Sagot ni Simon bago bahagyang tumingin kay Mikael na agad niyakap kila Callie.


"Si River?" Biglaang tanong ni Mama at agad kinuha si Ryan mula kay Rio. "Nasan ang anak ko? Bat hindi nyo kasama?"


"Ma."


"Aiken." Emosyonal na sabi nya habang nakatingin ng diretso sa mata ko. "Hindi ko kayang makita muli ang anak ko sa ganoong sitwasyon. Kaya nagmamakaawa ako sa inyo. Nasan si River?"


"Ibabalik ko hong ligtas ang asawa ko." Sabay sabay kaming napalingon kay Rio sa biglaan nyang sinabi. "Kayo na muna bahala kay Ryan, Ma. May nakuhang sulat si River na nagsasabi na matitigil ang labanan na 'to kung pupunta sya sa kasubaki. Kaya sa nakikita nyo ngayon, wala na tayong kalaban ngayon."


"P-paano mo nalaman yun?" Nagugulat na tanong ko.


"Nakita kong may hawak na sulat si River bago sya umalis kanina. Bukod dun, nang mawala sya sa paningin ko. Natigil na rin ang pagdating ng kalaban kaya sa tingin ko yun ang laman ng sulat." Napapailing na sabi nya. Matalino nga talaga sya. Tss. "Kilala mo ang kapatid mo. Kung tayo, pinoprotektahan natin sya. Sya naman, pinoprotektahan nya tayo sa pamamagitan ng pagsasakripisyo nya sa sarili nya. Matalino si River pero minsan pumapalya sya sa kaisipan na sa tingin nya ay matatapos na ang problema kung magsasakripisyo sya. Hindi nya alam na mas matatapos ang isang problema kung tatapusin natin ng sama sama."


R-rio....


Hindi ko akalain na dadating ang oras na maririnig ko kay Rio ang mga salitang 'y—-


"Pa." Tawag ni Rio kay Papa na nakatingin na ng diretso sa kanya. "Pwede na ba akong manghingi ng payo sa susunod na sage?"


Ramdam ko ang pagtingin nilang lahat sakin.


*dugdug* *dugdug*


Shit....


"Oo naman, anak. Dun din naman ang punta ni Aiken. Maasahan natin sya dyan."


Battle Of Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon